Chapter 20

94 2 0
                                    

Napaisip si Lester sa sinabi ni Vanessa sa kaniya matapos niyang ihatid ang babae sa ospital. Gusto niya sanang tanungin ito kung bakit parang ibinibenta nito ang pinsan sa kaniya, pero hindi na niya nagawa dahil tila nagmamadali na rin kanina si Vanessa. Kung may asawa na nga si Kris, bakit parang okay lang sa mama nito na dalawin niya ang babae? Hindi kaya hiwalay na ang dalawa at tanging si Kris na lang ang umaasang magkabalikan sila ng asawa?

Napahinga nang malalim si Lester saka naipilig ang kaniyang ulo. Itutuloy na lang niya ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit dahil nalalapit na naman ang kaniyang pag-alis. Siguro isang araw, mako-corner din niya si Kris at malalaman ang katotohanan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nito sa asawa.

Matuling lumipas ang mga araw, at ngayon nga ay muli na namang sasampa ng barko si Lester. Kagaya nang mga nakaraang alis niya, sa barko na naman siya magse-celebrate ng pasko at bagong taon.

"Welcome on board Captain!" masigasig na bati sa kaniya ng mga opisyal na nag-aabang sa gangway.

"Thank you!" nakangiti niyang sagot saka hinila ang kaniyang bag.

"Captain, kami na po riyan," sabi ng isa sa mga sailor na nakaantabay rin sa gangway. Marahil inutusan ito ng kapitang papalitan niya.

Iaabot na sana niya ang kaniyang bagahe nang malingunan niya si Kris na hirap na hirap maghila ng dalawang malalaking maleta nito. Nakapatong pa sa isang maleta nito ang maliit na bag habang nakasukbit ang backpack nito sa magkabilang balikat. Binalingan tuloy niya ang mga sailor na Pilipino upang sabihining si Kris na lang ang tulungan ng mga ito.

Kasabay niya kasi si Kris sa pagsampa ngayon, na nalaman na lang niya kanina nang makita niya ito sa lobby ng hotel. Nais sana niyang isabay ito sa kaniyang sundo, pero hindi na niya itinuloy ang pag-alok dahil baka mapahiya lang siya kapag tinanggihan siya ng babae.

Agad naman siyang sinunod ng mga sailor at nagpatuloy na siyang maglakad papasok ng barko. Nang makatuntong na siya sa bukana ng barko kung saan may mga scanners para sa bagahe at tao, doon niya muling nilingon ang kinaroroonan ni Kris na ngayon ay naglalakad nang kasunod ng mga sailors na inutusan niya kanina. Ngumiti lang siya saka muling naglakad papasok ng barko. Ang Chief Security officer na ang nagprisintang maghatid sa kaniya hanggang sa bridge.

"Wohoho! Welcome on board, Captain Lex!" nakadipa ang mga kamay na bati sa kaniya ni Captain Nikos — ang kapitang papalitan niya.

Nakipagyakapan siya rito bilang pagbati saka nagkamayan. "Thank you, Nikos. Excited to go home?" nakangiti niyang tanong sa kapitan.

"Of course! But I have a favor to ask from you. I want to spend more time with my family in Greece, can you stay up to six months on board?"

"Yeah! Sure, no worries! I can stay up to six months not a big deal," nakangiti niyang tugon sa kapitan. Wala naman siyang ibang gagawin, kaya pumayag na siya. Isa pa, iyon rin ang haba ng kontrata ni Kris. Ibig sabihin, makakasabay niya ulit ang babae sa pag-uwi at pagsampa. Lihim siyang napangiti sa isiping iyon.

"Oh, perfect! Efcharisto Lex!" masayang pasasalamat nito sa kaniya. "Let me send the email to the scheduler and Captain Luka. You don't know how happy I am right now. I can spend lots of time with my little boy!" Hindi maitago ng matandang kapitan ang kagalakan sa mukha nito.

Nakangiti naman siya habang pinapanood si Captain Nikos na nakangiti rin habang tumitipa sa keyboard ng computer. Hindi na ito naka uniporme ngunit napakakisig pa rin nitong tingnan sa simpleng suot na damit nito. Faded jeans, blue polo shirt, at topsider shoes na kulay brown and suot ng kapitan. Naka-brush up lang ang buhok nitong medyo kulay abuhin at tila handa ng umalis ng barko anumang sandali.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon