Chapter 17

87 2 0
                                    

Bagot na bagot na si Kris sa pananatili sa kanilang bahay. Hindi kasi siya sanay na nabuburo sa bahay nila nang matagal. Halos maubos na nga niya ang mga librong nakalagay sa shelf ng kaniyang kuwarto, sa sobrang kabagutan niya.

"Kris, anak! Nasa baba si Vanessa!"

Napabalikwas ng bangon si Kris nang marinig niya ang tawag ng kaniyang ina. Bigla siyang nakaramdam ng excitement lalo na nang marinig niya ang sinabi nitong nasa baba ang kaniyang pinsang doktor. Well, magkababata sila ni Vanessa at isa ito sa itinuturing niyang bestfriend.

Mabilis siyang nag-ayos ng kaniyang sarili at saka dahan-dahang naglakad patungo sa pintuan ng kaniyang silid. Medyo mabuti na ang lagay ng kaniyang paa, kaya hindi na iyon masakit, kagaya no'ng nakaraang araw. Kaya ngayon, nailalakad na niya iyon ng maayos ngunit may kasama pa ring pag-iingat.

"Ma, nasaan si Van?" tanong niya sa ina.

"Nasa garden. Doon ka na lang daw niya hihintayin at mukhang nasarapan sa ihip ng hangin doon. Alam mo naman ang pinsan mong iyon," nakangiting turan ng kaniyang ina.

Napangiti rin siya sa kaniyang ina at saka kumapit sa braso nito. Inalalayan siyang makababa ng hagdanan nito at inihatid sa garden, kung nasaan ang kaniyang pinsan. Nagtilian sila ni Vanessa nang tuluyan na siyang makalapit dito. Matagal-tagal na rin naman kasi silang hindi nagkikita ng pinsan niya. Simula kasi nang ikasal siya, bihira na lang din silang magkita nito. Doktor kasi si Vanessa at kagaya niya, marami ring ganap sa buhay ang dalaga.

"Naku! Mukhang miss na miss ninyo ang isa't isa ha. Siya, iiwan ko muna kayo rito para makapaghanda ako ng miryenda ninyo. Anak, alam kong na-miss mo ang pinsan mo, pero alalahanin mong hindi pa magaling ang paa mo," paalala ng kaniyang ina sa kaniya.

"Yes, ma!" sagot naman niya sa ina bago ito tumalikod sa kanila.

Muli naman silang nagtilian ni Vanessa saka nagyakapan. "Kumusta ka na?" tanong niya rito.

"Heto, single pa rin at mas maganda kaysa sa iyo!" mabilis na sagot nito sa kaniya kasunod ng paghagikhik nito.

"Ayyyy! Teka! Sinong may sabi sa iyo niyan? Huwag kang masyadong fani-faniwalain! Inuuto ka lang ng kung sinong may sabi sa iyo niyan para ilibre mo ng consultation fee!" biro niya rito.

"Tse! Inggitera!" pairap namang turan nito saka muling tumawa. "Maiba ako, anong nangyari sa iyo at may pabenda iyang paa mo? Anong ka-shungahan na naman ang ginawa mo?" pag-iiba nito ng usapan.

Napatingin siya sa kaniyang paa bago sumagot sa pinsan, "Hmmm, well, hindi ko naman talaga kasalanan ito e. Kasalanan ito noong lalakeng kurimaw na iyon!" nangangasim ang mukhang turan niya sa pinsan.

"Uyyy! Interesting! Ito bang lalakeng kurimaw na ito ay guwapo at matipuno?" nanunuksong tanong ni Vanessa.

Inirapan niyang muli ang pinsan at pa-de quatrong naupo sa bakal na upuan sa kaniyang tabi. Ginaya naman siya ni Vanessa saka ito nangalumbaba sa ibabaw ng may salaming lamesa roon. Tila hinihintay nito ang kaniyang isasagot.

"Hmmm, puwede na rin!" kibit-balikat niyang tugon sa pinsan.

"Aherm! Hindi ako naniniwala! Kilala kita, iyang mga ganiyang sagot mo, sigurado akong guwapo at matipuno ang lalakeng iyon. Umamin ka!" pangungulit ni Vanessa sa kaniya.

Kilalang-kilala talaga siya ng pinsan. Kapag nagkakagusto kasi siya sa isang lalake, palagi niyang pinipintasan ito sa ibang tao. Iyon ay para itanggi o itago sa mga ito na gusto niya ang mga iyon. "Anong aaminin ko? Loka! Teka, anong mabuting hangin ang nagdala sa iyo rito? Wala ka bang pasyente ngayon?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hus! Umiiwas ka lang e!" anito sa kaniya. "Pero since tinanong mo ako, ang sagot sa katanungan mo, naparito ako para makikain!" Nakangisi pa ito habang nakatingin sa kaniya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon