Chapter 67

60 1 0
                                    

Matapos ang pag-u-usap nila ni Lester, dinala niya ang lalake sa bahay niya upang doon pormal na ipakilala ang mga anak sa lalake. Pinaupo muna niya sa sofa si Lester bago puntahan ang mga bata sa silid ng mga ito.

"Mommy!" agad na nagtakbuhan palapit sa kaniya ang kambal. Ngumiti naman siya at sinalubong ng yakap ang mga anak.

"Aysus! Na-miss yata ako nang husto ng mga babies ko a, hmmm!" aniya saka hinigpitan ang yakap sa dalawang bata. Miss na miss din niya ang mga ito kaya ganoon na lang niya kung yakapin ang dalawa.

"Kris, anak, sana 'wag mong masamain ang itatanong ko sa iyo. Anong ginagawa ni Lester dito? Paano niyang nalaman ang kinaroroonan ninyo ng mga bata?"

Napatingala siya upang tingnan ang kaniyang ina. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na pag-aalala ng kaniyang ina para sa kaniya. Kaya naman bumitiw siya sa pagkakayakap ng kaniyang mga anak at tuluyang hinarap ang kaniyang ina.

"Ma, he just wants to meet our child," aniya sa kaniyang ina para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala nito. Pero imbes na makatulong, parang lalong nag-alala ang akniyang ina. Lumapit kasi ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Anak, are you sure about this? Alam mo naman sigurong hindi sa pagkikilala ng mag-aama magtatapos ang lahat, 'di ba? Paniguradong palagi na kayong magkikita ulit ni Lester. Paano kung magkalapit kayong muli? Handa ka na ba sa bagay na iyon?" nag-aalala pa ring saad ng kaniyang ina.

"Anak, ayaw lang kitang makitang nasasaktang muli. Hindi ko na kakayaning makita kang malungkot at umiiyak, dahil nadudurog din ang puso ko bilang iyong ina."

Nginitian niya ang mama niya saka marahang pinisil ang palad nito. "Ma, don't worry. I promise that I will not cry again nang dahil kay Lester. I'm just doing the right thing, and that's to give him a chance to meet our kids — iyon lang po iyon."

"Nag-aalala lang ako para sa iyo anak. Ayaw ko lang na muli kang malugmok sa kabiguan, kaya hangga't maaari, ayaw ko sanang magtagpo pa ang landas ninyo ni Lester. I used to like him for you, lalo na no'ng siya ang naging dahilan ng muli mong pagngiti. Akala namin ng papa mo siya na ang lalakeng makakasama mo habang buhay, pero noong malaman namin ang ginawa niya sa iyo, we felt disappointed," anang kaniyang ina.

"Ma, naiintindihan ko po kayo. Huwag po kayong mag-alala, para lang kina Krister at Kirsten kaya ko ito ginagawa, okay?" paniniyak niya sa kaniyang ina. Ayaw na niyang mag-isip pa ng kung anu-ano ito, kaya iyon na lang ang sinabi niya sa kaniyang ina. Iyon naman kasi talaga ang nais niya — ang makilala ni Lester ang mga anak, at ng mga anak ang ama nila.

Tumango ang ginang saka hinaplos ang kaniyang pisngi. "Sige anak, kung iyan ang tingin mo ay makabubuti para sa inyo ng mga bata, susuportahan kita."

"Thanks, ma!" tugon niya sa ina saka ito niyakap. Maya-maya lang ay kumalas na rin sa pagyayakapan nila ang kaniyang ina nang magsalita ang isa sa kambal.

"Mama-la, mommy, why are you hugging? Umiiyak po ikaw mama-la?" kunot-noong tanong ng batang si Kirsten.

Mabilis namang nagpahid ng mga luha sa mata ang kaniyang ina saka sabay silang lumuhod sa harapan ng mga ito. Ngumiti sila ng ina sa mga bata saka hinaplos ang mga pisngi ng mga anak.

"Mga anak, 'di ba you always asked mommy kung nasaan si daddy?" tanong niya sa mga bata. Sabay namang tumango ang mga anak niya bilang tugon. Binalingan niya ng tingin ang kaniyang ina at nang tumango ito, saka lang siya nagpatuloy.

"Well, kung ipakikilala ko ba si daddy sa inyo ngayon are you going to be happy?"

"Yes! Yes! We love to meet our daddy, mommy!" nagniningning ang mga matang tugon ng kambal sa kaniyang harapan. Para namang gusto niyang maiyak sa isinagot ng mga anak sa kaniya. Hindi niya akalain na makakikitaan niya ng pananabik ang mga batang paslit ng kasabikang makita ang ama ng mga ito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon