Chapter 18

87 2 0
                                    

Mabilis na lumapit si Lester kay Kris nang makita niyang iniihit nang ubo ang babae. Agad niyang hinimas ang likuran nito at inabutan ng baso ng juice. Tinanggap naman ni Kris iyon at ininom saka hinihingal na inilapag ang baso sa mesa.

"Are you okay?" tanong niya sa babae.

"Mukha ba akong okay?" masungit namang tugon ni Kris matapos nitong uminom ng juice. Manaka-naka pa itong umuubo kaya muling hinimas ni Lester ang likuran ng babae. Mabilis namang tinabig ni Kris ang kamay niya at kunot-noong tumingin sa kaniya. "Bakit ka naririto?"

"Kris, ano ka ba naman anak, binibisita ka lang ni Lester, huwag mo naman siyang bastusin!" saway ng ina nito.

"Okay lang po tita, nasorpresa lang po siguro si Kris," nakangiti naman niyang turan sa ginang.

"Naku hijo, pasensiya ka na sa anak ko ha? Siguro dala lang iyan ng kabagutan niya. Ilang araw na rin kasing nakakulong dito iyan e," hinging paumanhin pa nito sa kaniya.

"Naiintindihan ko po." Bumaling siya kay Kris na ngayon ay nakahalukipkip habang nakanguso. Ang cute lang ng babae, dahil para itong batang napagalitan sa kaniyang harapan ngayon.

"Aherm! Hi! Mukhang walang balak na ipakilala ako ng tita ko sa iyo, ako nga pala si Vanessa — pinsan nitong walang manners na ito," nakangising saad ng maliit na babaeng nakaupo sa tabi ni Kris.

Napangiti naman siya saka inabot ang nakalahad na kamay ni Vanessa. "Lester Guiaya nga pala."

"Oh! Kung hindi ako nagkakamali, ikaw iyong kurimaw na may sala ng pagiging bugnutin ng pinsan ko 'no?" tanong nito sa kaniya.

"Hmmm, I guess so?" natatawa na lang niyang sagot rito.

Muling ngumisi ang babae saka nakakalokong siniko si Kris sa tabi nito. "Cous, hindi mo naman sinabing Godess pala itong si kurimaw boy! Ikaw ha!" tukso pa nito sa pinsan.

"Van! Puwede ba, Godess pinagsasasabi mo riyan!" saway naman ni Kris na namumula ang mga tainga. Humagikhik lang naman si Vanessa saka sinundot ang tagiliran ni Kris na ikinapiksi nito.

"Naku hijo, maupo ka na muna at ikukuha lang kita ng platito at tinidor para makapagmiryenda ka na muna. Kris, ikaw na muna ang bahala sa bisita mo," bilin pa nito sa babae.

"Ay, tita, sasama ako! Magsi-CR pala ako, muntik ko ng makalimutan," nakangising saad ni Vanessa saka ito tumayo sa kinauupuan nito. "Maiwan muna namin kayo! Kurimaw boy, ikaw na ang bahala sa pinsan ko ha?" Kinindatan pa siya nito saka mabilis na sumunod sa ina ni Kris. Magpo-protesta pa sana si Kris ngunit wala na itong nagawa.

"So, kumusta ka na?" tanong niya rito.

"Obvious ba? Teka nga, ano ba kasi talagang ginagawa mo rito?" Pasgsusungit nito sa kaniya.

"Nangungumusta lang. I'm just making sure na maayos na ang lagay ng paa mo. Ayaw ko namang mawalang ng first officer kapag nagkataon," sagot niya sa babae. Well, partly, totoo naman ang sinabi niyang iyon sa babae. Pero ang totoo talaga niyan, gusto lang niyang masilayan ang magandang mukha nito. Kahit anong pigil kasi niya sa sarili niya, hindi niya matiis na hinsi makita si Kris. Kahit pa alam niyang taken na ito at may posibilidad na masaktan lang siya, pinili pa rin niyang pagbigyan ang sarili.

"Haha, funny!" pairap na saad ni Kris sa kaniya. "Huwag kang mag-alala Captain, sprain lang ito at bukas makalawa, sigurado akong balik na sa normal ang paa ko. Okay na? Happy?" tila nang-aasar na tanog pa nito sa kaniya.

"Very!" nakangiti naman niyang saad dito.

Tinitigan niya ang mukha ni Kris at buong paghangang pinagmasdan ito. Wala siyang pakialam kung mahalata nitong may pagtingin siya rito. Iyon naman ang totoo, at wala siyang planong itago iyon sa babae.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon