Chapter 42

59 2 0
                                    

Dahil hilong-hilo pa si Lester at masakit ang kaniyang ulo, agad na siyang nagpaalam sa kasintahan upang sana ay maligo muna nang mahimasmasan ang kaniyang pakiramdam. Ngunit malapit na siya sa pintuan ng kaniyang silid nang bigla na lang bumukas iyon at pumasok si Leslie na walang anomang saplot sa katawan. Walang sabi-sabing nangunyapit ito sa kaniyang leeg at hinalikan ang kaniyang mga labi.

"S*it!" malakas na mura ni Lester nang makabawi siya sa kabiglaan. Mabilis niyang naitulak si Leslie at napalingon sa kaniyang cellphone nang marinig niyang tila may humikbi mula roon. Nanlalaki ang mga mata niyang tinakbo ang kaniyang cellphone upang magpaliwanag sana kay Kris, ngunit nang makalapit siya sa kama ay pinatay na ni Kris ang video call.

Sinubukan niyang tawagan si Kris nang ilang beses ngunit hindi nito sinasagot ang kaniyang tawag. Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok habang nakaupo sa gilid ng kama. Nasaktan niya si Kris at hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili dahil doon.

Napapitlag pa siya nang idantay ni Leslie ang mga palad sa kaniyang likuran. Agad siyang napatayo saka agad na hinila ang kumot na nasa sahig, at mabilis na itinakip iyon sa sarili. Nagtatagis ang kaniyang mga bagang habang nanlilisik ang mga matang nakatunghay kay Leslie. Tila naman hindi man lang ito natinag at nakangisi pang sinalubong ang matalim niyang tingin.

"What the heck are you doing here? Paano kang nakapasok dito?" galit na galit niyang bulyaw kay Leslie. Kung noon ay naaawa siya sa babae dahil sa pang-iiwan ng kasintahan nito rito, ngayon ay galit na galit siya kay Leslie dahil sa nangyari.

Wala talaga siyang kaalam-alam sa nangyayari ngayon at hindi maisip kung paanong nakapasok ang babae sa kaniyang unit. Mahigpit ang security sa Casa Vielle, kaya siguradong hindi ito papasukin basta-basta ng mga guards at receptionist sa baba.

"Oh, didn't you remember? You brought me here last night after we got drunk at Eiffel's party," tugon nito sa kaniya.

Wala siyang matandaang dinala niya si Leslie sa condo unit niya. Ang huling natatandaan lang niya ay noong magpaalam siya kay Eiffel na uuwi na dahil tila tinatablahan na siya ng kalasingan. Umiling-iling siya habang nakatingin kay Leslie dahil hindi talaga niya matanggap na dinala niya ang babae sa kaniyang condo.

"No! You're lying!" bulyaw niya rito.

"No, honey! I am not lying. Besides, you're good in bed," sabi pa nito habang napapakagat ng labi nito. Lalo naman siyang naguluhan sa sinabi ni Leslie dahil wala siyang matandaang ginalaw niya ito.

"My God! Lester, don't tell me wala kang matandaan? Awww! I'm offended!" maarte pang saad ni Leslie sa kaniya.

"Stop! You're lying! Walang nangyari sa atin. Gawa-gawa mo lang iyan. Now get the f*ck out of my unit!" sigaw niya rito habang litong-lito pa rin ang kaniyang isipan sa mga pinagsasasabi ni Leslie sa kaniya.

"No! You listen to me Lester, I am not lying and we really share a wonderful night together last night! Kung hindi mo matandaan iyon, problema mo na iyon!" inis na sabi ni Leslie saka padabog na tumayo mula sa kaniyang kama, at inis na pinagdadadampot ang mga damit nitong nagkalat sa sahig ng kaniyang kuwarto.

"Tandaan mo ito Lester, hindi ako cheap na babaeng basta-basta na lang magpapakama ng wala akong nararamdaman sa lalakeng kaniig ko," anito saka lumabas ng kaniyang silid.

Naiwan naman siyang gulong-gulo ang isipan. Idagdag pang masakit ang kaniyang ulo dahil sa hang-over na natamo niya. Nakapamaywang siyang nakatayo lang sa harapan ng kaniyang kama at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ayaw niya talagang tanggapin ang mga sinabi ni Leslie, dahil hinding-hindi niya magagawang lokohin si Kris. Mahal niya ang kasintahan at hindi siya makapapayag na matatapos lang ang relasyon nila sa ganitong paraan.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon