Chapter 72

85 1 0
                                    

"Mommy! Daddy! We're home!"

Biglang natigilan sina Lester at Kris sa kanilang ginagawa nang marinig nila ang tinig ng kanilang kambal. Nagkatinginan sila ni Kris at nagkatawanan dahil mauudlot ang maitim na balak nila.

"Wrong timing naman sila Sweetheart," sabi ni Lester habang nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang leeg. Nasa ibabaw sila ng kama habang nakadagan sa kaniya si Lester. Hubad-baro na ito habang siya naman ay wala ng suot na pang-itaas.

Matapos nilang magkalinawan sa cafe kanina, agad silang nagkaunawaan na nagdala sa kanila sa loob ng kuwartong iyon. Kapwa sabik sila sa isa't isa kaya sinamantala nila ang pagkakataong wala ang mga bata sa bahay. Hiniram kasi ito ng kaniyang mga magulang dahil na-miss na raw ng mga ito ang kambal.

"Bangon na, Sweetheart. Baka mamaya kung anong isipin ng mga bata," wika niya kay Lester habang tinatapik ito sa braso. Umungol naman ang lalake at patamad na iniangat ang ulo upang pumantay sa kaniyang mukha.

"Itutuloy natin ito mamaya 'pag tulog na ang mga bulilit na iyon. Hindi puwedeng hindi, dahil ang tagal-tagal ko ng hinintay ang pagkakataong muli kang masolo," sabi nito sa kaniya na lalo niyang ikinatawa.

"Oo na! Pero sa ngayon, bumangon na tayo at magbihis bago pa maisipan ng dalawang bata na kalabugin ang pintuan ng kuwarto natin."

"Kuwarto natin? Ibig bang sabihin..."

"Yes! Kaya umalis ka na sa ibabaw ko para makapagbihis na tayo. Dali na!" nakangiti niyang tugon kay Lester kasabay ng pagtapik-tapik sa braso nito.

"Okay! Pero kiss muna."

Pagkasabi niyon ay agad na inangkin ng lalake ang kaniyang mga labi na kaniya rin namang tinugon. Nakakadala at nakakaakit ang halik na iyon ni Lester kaya naman tumagal ang kanilang paghahalikan na muntik nang mauwi sa kung saan. Kung hindi lang sila nakarinig nang pagkatok sa pintuan ng kanilang kuwarto at pagtawag muli sa kanila, hindi pa sila hihinto.

"I think we really have to stop kissing and get up. Mukhang hindi titigil ang mga iyan hangga't hindi tayo nakikita," sabi niya kay Lester saka marahang itinulak itong palayo sa kaniya. Napahinga na lang nang malalim si Lester saka gumulong paalis sa kaniyang ibabaw.

Agad na bumangon si Kris at hinagilap ang kaniyang t-shirt at bra na basta na lang inihagis ni Lester kanina. Nang makita iyon ay mabilis niyang isinuot iyon at inayos ang sarili. Nakatayo na si Lester sa kaniyang tabi nang matapos siyang mag-ayos at marahan siyang niyakap nito.

"I love you, Kris," bulong nito sa kaniya. Para namang hinaplos ang kaniyang puso sa mga katagang binitiwan ni Lester kaya nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"I love you too!" napahikbi siya habang tumutugon sa lalake. Labis-labis ang kaligayahang hatid sa kaniya ni Lester kaya naman ganoon na lamang siya mag-react ngayon.

"Mommy, daddy! Are you there? Bakit po ang tagal niyong lumabas?"

Mabilis naman silang naghiwalay sa pagyayakapan at nagpahid ng kaniyang luha bago sumagot sa mga bata. "We're coming babies!" aniya sa mga ito.

"Halika na nga, mukhang naiinip na ang mga anak natin e," kakamot-kamot sa ulong pahayag ni Lester sa kaniya. Natawa naman siya saka magkahawak kamay na naglakad patungo sa pintuan ng kanilang kuwarto. Pagbukas nila ng pintuan, ang nakakunot-noong mukha ng kaniyang ina ang sumalubong sa kanila. Nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa kanila at tila hindi nito nagustuhan ang nakikita.

Mahigpit na hinawakan ni Lester ang kamay ni Kris nang akmang kakalasin nito ang kamay mula sa kanilang paghahawakan. Binalingan niya ito ng tingin saka kinindatan. Nais niyang iparating sa babae na siya ang bahala sa ina nito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon