Chapter 63

64 1 0
                                    

Pinanggigilang suntukin ni Lester ang punching bag na nakasabit sa mini gym ng kanilang bahay. Doon niya ibinuhos lahat ng frustrations niya simula nang magkaharap sila ni Kris kanina. Wala siyang kaalam-alam na nagkaanak sila ng babae at nakaya nitong itago sa kaniya iyon sa matagal na panahon.

Nang makita niya kanina ang mga bata, para siyang nakahara sa salamin dahil sa pagkakahawig niya sa mga ito. Kaya naman hinding-hindi maitatago sa kaniya ni Kris ang katotohanang anak nga niya ang mga iyon. Hindi na siya nagpumilit pa kanina na makilala ang mga bata sa kadahilanang baka maging emosyonal lang siya kapag nakaharap ang mga ito. Isa pa, baka mabigla ang mga bata at lalong lumayo sa kaniya.

"Baka naman mawasak iyang punching bag sa lakas ng mga suntok mo?"

"Kaya nga. Kung gusto mong ibuhos iyang sama ng loob mo, hanap ka ng sparing partner."

Huminto siya sa paguntok sa punching bag at hinihingal na hinarap ang mga bagong dating. Naglakad siya patungo sa upuang malapit sa punching bag at agad na dinampot ang towel saka siya nagpunas ng pawis.

"Mukhang gigil na gigil ka a. May naka-away ka ba at hindi mo nagantihan?" nakapamulsang tanong ni Chino sa kaniya.

Napaangat naman ang isang gilid ng kaniyang labi saka napailing sa mga ito. "Anong ginagawa niyo rito? Wala ba kayong mga trabaho?" agad niyang tanong sa mga kaibigan.

"Wala!" magkapanabay na tugon nina Chino at Marc habang nagtatanggal ng mga relo at polo sa katawan. Mukhang gusto siyang sabayan ng mga itong mag-gym dahil ngayon ay naghahanda na ang dalawa niyang kaibigan.

"Nasaan iyong dalawa?" muli niyang usisa sa mga kaibigan habang nagsusuot ng boxing gloves si Marc. Inihagis pa nito ang isang paris ng gloves sa kaniya na agad naman niyang nasalo.

"Papunta na ang mga iyon. Sa ngayon, ako na muna ang ka-sparing mo," nakangising tugon ni Marc sa kaniya saka pumuwesto ang kaibigan sa gitna ng gym.

"Loko! Hindi ko na kailangan ng ka-sparing, nailabas ko na ang gigil ko." Ibinato niyang pabalik ang gloves kay Marc, ngunit muli lang ibinalik sa kaniya iyon.

"Kulang pa iyon. Saka mas mailalabas mo iyang galit mo kapag lumalaban iyong target mo. Bilis na, pampapawis lang." Pumorma si Marc saka sumuntok-suntok sa hangin. Kapag ganito na ang kaibigan, tiyak niyang hindi na ito papapigil. Kaya naman nagsuot na lang din siya ng gloves saka ito hinarap. Habang si Chino naman ay nag-umpisa nang pumuwesto sa cable crossover machine kung saan nakaharap sa kanila ni Marc.

Agad siyang sinugod ng suntok ni Marc gamit ang kanang kamao nito na agad naman niyang nailagan. Napangiti si Marc saka muling nagbitiw ng dalawang magkasunod na straight cut, at isang uppercut. Dahil sa bilis, natamaan siya ni Marc sa kaniyang baba na dahilan ng muntik niyang pagbagsak sa sahig. Mabuti na lang at agad naman siyang nakabalanse at mabilis na naipilig ang kaniyang ulo.

Mukhang seryoso si Marc sa pakikipag-sparing sa kaniya, kaya naman pumorma na rin siya at sinugod ng suntok ang kaibigan. Dahil mas sanay si Marc sa ganitong laban, balewala ang mga suntok na inakakawalan niya. Wala man lang ni isa sa mga pinakawalan niyang suntok ang tumama sa kaibigan. Hingal na hingal na siya pero hindi siya puwedeng huminto, dahil alam niyang kapag huminto siya mabibigyan ng pagkakataon si Marc na makasuntok sa kaniya.

"Ano, pagod ka na? Tsk! Ngayon pa lang ako pinagpapawisan o," tatawa-tawang saad ni Marc sa kaniya.

Muli niyang sinuntok ito, ngunit kagaya ng mga naunang suntok niya, wala pa ring tumama kay Marc. Naiinis na siya dahil napakabilis talagang kumilos ng kaibigan kaya hindi niya magawang tamaan iton.

"Ayaw ko na! Hoooo!" aniya saka huminto at nakayukong itinukod ang mga kamay sa kaniyang tuhod. Hinihingal na talaga siya at hindi na niya kayang sabayan ang energy ni Marc.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon