Chapter 9

129 3 0
                                    

Nakaupo ngayon sa harapn ng kaniyang office table si Lester habang magkasalikop ang mga kamay na nakapatong sa arm rest ng upuan. Nakatitig siya sa monitor ng kaniyang desktop, ngunit wala naman doon ang kaniyang utak. Nakay Kris kasi iyon. Kanina nang tinititigan niya ito sa pagmamaniobra ng barko, doon luminaw ang lahat sa kaniya. Ito kasi ang babae sa bar kung saan siya nag-iinom noon dahil sa kabiguan kay Leslie. At ito rin ang babaeng naka-one night stand niya at biglang naglahong parang bula.

Kaya ngayon, hindi niya alam kung paanong ia-approach ang babae. Alangan naman kasing sabihin niyang; 'Hi, ako nga pala iyong naka-one night stand mo. Remember that one hot night?' baka mamaya bigla na lang siyang sampalin nito.

Isang katok mula sa pintuan ng kaniyang opisina ang pumukaw sa kaniya. Lumingon siya roon at nakita ang nakangiting mukha ni Jaja.

"Good evening, Captain! Magpapapirma lang po sana ako," magalang nitong turan sa kaniya.

"Sure, come in!" sabi naman niya rito saka hinintay ang paglapit ni Jaja sa kaniyang mesa.

Mabilis namang iniabot ni Jaja ang folder sa kaniya at tiningnan iyon. Hindi pa siya official Captain sa barkong iyon dahil naroon pa ang kaniyang papalitan. Kaya naman hindi niya iyon pinirmahan at maayos lang na inilagay sa gilid ng mesa katabi ng desktop kung saan mabilis na makikita ni Captain Nikos.

"Sorry, hindi ko pala puwedeng pirmahan ang mga ito. Si Captain Nikos pa rin ang kapitan at siya pa rin ang kailangang pumirma rito," hinging paumanhin niya sa babae.

"Ayyy, okay lang po Captain. Babalikan ko na lang po ang mga iyan bukas. Sige po mauuna na ako," paalam ng marine admin.

Tumalikod na ito at nag-umpisang maglakad nang tawagin niyang muli ito. Pumihit naman ang babae saka nakangiting bumaling sa kaniya.

"Yes, Captain?"

"Ahm, can I ask you something?" alanganing tanong niya rito.

"Oo naman po. Huwag lang pong math at science at baka kumulot ang buhok," humahagikhik na tugon nito sa kaniya. Napangiti naman siya sa sinabi ng babae saka iminuwestrang maupo ito sa harapan ng kaniyang mesa. Sumunod naman ang babae at naupo nga sa bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan.

"Ahm, how's Kris?"

"Po?"

Napabuntong hininga siya saka pinagulong ang kaniyang swivel chair palapit sa mesa niya. "Ibig kong sabihin kumusta si Kris bilang first officer? Like is she always that serious?"

"Ahhh! Naku Captain, ganoon lang po iyon. Pero mabait naman po si Kris, tahimik lang talaga at seryoso. Bakit niyo po naitanong?" tanong ni Jaja sa kaniya.

"Wala naman. Napansin ko lang kasi na seryoso siya masyado e. I was just maybe overthink that she might have a problem." Matipid siyang ngumiti kay Jaja saka itinapik ang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Masasanay ka rin sa kaniya Captain. Pero nakikipag-usap naman iyon, hindi nga lang masyado sa mga boys," nakangising saad ni Jaja sa kaniya.

"Why?" kunot noong tanong niya rito.

"Hmmm, tingin ko po umiiwas sa tsismis. Alam niyo naman po sa barko, makita ka lang na may kasamang lalake, jowa mo na kahit hindi naman. Lumabas lang sa cabin ng may cabin, may nangyari na kahit wala naman. Ayun, ayaw lang niyang maintriga," mabilis namang sagot nito sa kaniya.

Napatango-tango naman siya sa sinabing iyon ni Jaja. Point taken. Taman nga rin naman ang babae, kung ayaw mong ma-tsismis, umiwas ka na lang.

"Is she single?" wala sa loob na naibitla niya kay Jaja.

"Ay, sorry Captain pero alam ko, taken na po siya. Hindi naman kasi makuwento ang babaeng iyon. Pero she once told me na married na siya," sagot ni Jaja sa kaniya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon