Biglang uminit ang ulo ni Lester nang madatnan niya si Kris at ang lalakeng kasama nito noong nakaraang araw, nang muntik na niyang masagasaan ang kaniyang anak. Hinalikan kasi ng lalakeng iyon si Kris sa noo nito na tila ikinatutuwa pa ni Kris. Kaya naman binilisan niya ang paghakbang upang makalapit siya kaagad sa babae.
"Bakit ka nagpapahalik kung kani-kanino?" inis na sambit niya kay Kris nang tuluyan na siyang makalapit dito.
Napataas naman ang kilay ni Kris habang nakatingin ito sa kaniya. Humalukipkip pa ito saka taas noong tumingin sa kaniya. "So? Anong paki mo?" mataray nitong tanong sa kaniya.
Uminit naman lalo ang ulo niya sa sinabing iyon ni Kris sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang sagot nito kaya naman tiim bagang niyang hinawakan sa isang baso si Kris. "Anong paki ko? Did you forget na ako ang fiance mo? Huh?"
"Ha? Wow! Fiance? Really?" nang-uuyam na tanong ni Grace sa kaniya, saka nito ipiniksi ang braso upang maalis ang kamay niyang nakahawak rito. "Ang kapal din naman ng mukha mo, 'no? Fiance talaga? After four years na wala tayong kumunikasyon — fiance? Nagpapatawa ka ba?" palatak pa ni Kris sa kaniya.
Bigla naman siyang napipilan sa sinabi ni Kris sa kaniya. Hindi niya alam kung paanong bubuwelta sa sinabing iyon ng babae kaya nanahimik siya sandali.
"Ano na naman bang masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?" tanong pa ni Kris sa kaniya.
"I-I just want to talk to you," tugon niya sa babae saka napahinga nang malalim. Nahimasmasan na siya at muling bumalik sa katinuan matapos ng pagkapahiya niya kay Kris.
"What about?" walang emosyong tugon nito sa kaniya.
"About our kids — about us."
"There's no us, Lester. Matagal na — four years na," malamig na tugon ni Kris sa kaniya. Parang dinurog ang kaniyang puso sa sinabing iyon ng kasintahan. Ang sabihin nitong wala na sila nito ay hindi matanggap ng puso niya, dahil kahit kailan, hindi nawala sa puso niya ang babae. Kahit kailan, hindi nawala ang pagmamahal niya rito.
"Kung tungkol naman sa kambal ang ipinunta mo rito, well sorry, wala sila rito. Hiniram sila nila mama dahil hindi naka-attend ang mga ito sa birthday party nila," dugtong pa ni Kris sa sinabinito kanina.
"Birthday? When was that?" naguguluhang tanong niya sa babae. Hindi niya alam ang kaarawan ng mga anak niya, kaya naman ngayon tinatanong niya si kris tungkol doon.
"Two days ago," bale walang tugon ni Kris sa kaniya saka ito umupo sa upuang katabi nito. Nag-umpisa itong dumampot ng ballpen at tila may kung anong pinagkakaabalahan na ito sa mesa. Kaya naman naupo siya sa katapat nitong upuan at saka dumukwang sa kaniya.
"And you didn't even tell me about it? My God, Kris! I was here that day, you should have told me!" nainis na turan niya sa babae. Iyon kasi ang araw kung kailan una niyang nakaharap ang mga anak. 'Tapos ngayon malalaman niyang nang araw na iyon, kaarawan pala ng mga ito.
"Should I? Malay ko bang interesado ka palang malaman. Besides, hindi ka naman nagtanong," napapalatak na tugon ni Kris sa kaniya.
"You're impossible!" namamanghang turan niya rito saka marahas na naihilamos ang mga palad sa kaniyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin kay Kris dahil ibang-iba na ito sa Kris na kilala niya noon.
"I know — I'm impossible. Who's to blame? Definitely not me," hindi nakatinging sagot nito sa kaniya habang patuloy lang ito sa kung anong ginagawa nito sa mesa.
"Damn! Will you please stop treating me this way? Kausapin mo naman ako ng maayos!" naiinis na niyang turan sa babae saka inilagay ang malalaki niyang palad sa ibabaw ng mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Napahinto naman si Kris sa ginagawa nito saka napasulyap sa kaniya. Blanko ang mukha nito at hindi niya mabasa ang nasa isip ng babae. Maya-maya pa at ibinaba na nito ang hawak nitong ballpen saka tumayo at tumalikot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...