Chapter 23

80 3 0
                                    

"So, anong nangyari? Masarap ba siyang humalik? Magkuwento ka na 'day!" Excited na ecited si Jaja habang nakaupo ito sa ibabaw ng kaniyang kama at yakap ang isa niyang unan. Hindi na siya nausisa nito kanina dahil naging abala na rin ito sa opisina nito. Kararating lang nila at medyo maraming trabahong naiwan ang kapalitan nito. Kaya ngayong off duty na sila, saka siya nito sinugod sa kaniyang kuwarto upang magpa-kuwento. Sa katunayan nga, sa sobrang kasabikan ng kaibigan, ni hindi man lang muna ito nagbihis sa cabina nito.

"Kiss? Walang gano'n mars!" pabiro niyang saad dito.

"Ay, weehhh? Hindi ako naniniwala!" hirit naman ni Jaja sabay abot at bukas nito ng lata ng biscuit sa tabi nito.

"Wala ngang gano'n. Ikaw kamo napakatsismosa mo! Para sa ikatatahimik ng konsensiya mo, walang kiss na naganap dahil sa may dumating na istorbo!"

"Aha! At kung hindi pala ako dumating, malamang na naglaplapan na kayo! Baka nabiyak na rin iyang iniingatan mong kabibe at nadurog!" eksahiradang turan nito sa kaniya.

"Hoy! Iyang bibig mo! Napakaingay mo, mamaya may makarinig sa iyo!" saway niya rito habang pinandidilatan ito.

Nakangisi naman ito habang ngumunguya ng biscuit. "Hus! Kunwari ka pa riyan, e, type mo rin naman si Captain." Umayos ito ng upo at pinagpag ang mga kamay sa sahig saka muling niyakap ang unan niya. "Pero seryoso, kung liligawan ka ni Captain, may pag-asa ba siya? Hindi ka naman na lugi sa kaniya 'di ba? Guwapo, makisig, matigas, at mukhang malaki — o, saan ka pa?"

Kahit kailan talaga walang pakundangan kung magsalita ang kaniyang kaibigan. Kung anong maisip nito sinasabi na lang nito basta-basta. Para itong si Vanessa — ang kaniyang pinsan. Kaya nga siguro madali silang nagkasundo nito dahil nakikita niya ang pinsan sa katauhan nito.

"Sagutin mo kasi ang tanong ko. Ano may pag-asa ba si Captain?" demading nintong saad sa kaniya.

Napahinga naman siya nang malalim saka naupo sa silya paharap sa kaibigan. Kung sasagutin niya ng mula sa puso si Jaja, ang sagot niya ay 'oo'. Kaso hindi naman iyon ganoon kadali. Dahil hanggang sa mga sandaling ito, ang alam ni Lester ay nakatali na siya.

"Wala."

"Wala? Vaket? What's wrong with you?" namimilog ang mga matang tanong nito sa kaniya. "Sira na ba ang mga mata mo? Hindi mo ba nakikita kung gaano kaguwapo, kakisig, kalaki, at katigas ni Captain? Susko naman 'day! Kung sa akin lang nagpakita ng interes si Captain, baka sa mga oras na ito nag-aacrobat na ako sa kuwarto niya at pinupuno ng ungol ang buong silid na iyon!" litaniya pa nito saka uminom ng tubig na galing sa lagayan niya sa ilalim ng side table.

"Ang laswa mo!" Kinuha niya ang empty bottle sa kaniyang tabi saka iyon ibinato kay Jaja. Umabot naman iyon hanggang sa kandungan ng babae at muli lang iyong ibinalik sa kaniya.

"Hay naku 'day, huwag ka ng magpakainosente riyan dahil alam ko namang hindi ka na virgin! Kaloka ito! Kris, inaamag na iyang kabibe mo, baka naman gusto mo ng pabuksang muli iyan? Kung ipabubukas mo na, kay Captain na lang para solve ka!"

Natawa siya sa sinabi ni Jaja. Kung makapagsalita ang kaibigan, akala mo naman s*x expert ang loka!

'Kung alam mo lang Ja, nabiyak at nadurog na ni Lester ang kabibe ko bago pa man kami magkitang muli rito,' bulong niya sa kaniyang sarili.

"Ewan ko sa iyo. Kung anu-ano iyang pinagsasasabi mo. Basta walang kiss na naganap at walang pag-asa si Captain sa akin. Kaya ikaw manahimik ka na riyan at kumain ng biscuit," sabi niya rito.

"Ewan ko rin sa iyo! Hindi ko maintindihan kung anong pumipigil sa iyo para makipaglapit kay Captain. Wala naman ng magagalit dahil nasa heaven na siya long time ago. Kung tutuusin, single ka naman and ready to mingle. Ikaw lang itong ayaw maki-mingle," litaniya ni Jaja sa kaniya habang kumukumpas-kumpas pa ang mga kamay nito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon