Chapter 61

63 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Tahimik at maayos naman ang naging buhay ni Kris sa karatig bayan, kung saan niya napiling magtago kay Lester. Matapos ang huling gabing ipinagkaloob niya ang sarili sa lalake, nagdesisyon na siyang layuan ito upang hindi na mahirapan pa sa pagpili si Lester. Mahal niya si Lester, pero hindi niya kakayaning makasama ito habang na kay Leslie naman ang puso't isip ng kasintahan. Kaya kahit mahirap at masakit, mas ginusto na lang niyang magparaya para sa ikaliligaya ng mga ito.

"O, ang lalim naman no'n." Napalingon siya sa nagsalita at otomatikong napangiti, nang makita niya si Leo na nakatayo sa bungad ng pintuan ng kaniyang bahay.

Si Leo ay isa sa mga mababait na residente sa lugar na iyon na tumulong sa kaniya noong mga panahong naghahanap siya ng bahay na malilipatan. Nang mapadpad kasi siya sa bayang iyon, wala ni isa siyang kakilala roon na maaaring makatulong sa kaniya. Mabuti na lang at napadaan si Leo sa restaurant kung saan siya kumakain at agad siyang nilapitan nito.

Nagkakuwentuhan sila hanggang sa mabanggit nga niyang naghahanap siya ng bahay na marerentahan o mabibili sa murang halaga. Dahil nga lehitimong taga roon ang binata, tinulungan siya nitong makahanap ng matutuluyan. Then eventually property na pinatayuan niya ng maliit na bahay at maliit na coffee shop, since maganda ang location ng property na nabili niya.

Mabait, matalino, at nakakaaliw kausap si Leo kaya mabilis niyang nakagaanan ng loob ito. Bukod pa roon, hindi siya kailanman hinusgahan ng lalake sa kabila ng naging kalagayan niya noon. Bagkus, ito pa ngayon ang katu-katulong niya sa pag-aalaga sa kambal niyang anak na sina Krister at Kirsten.

Wala siyang kaalam-alam na nagdadalang tao siya nang makalipat siya sa bayan na iyon, kung hindi pa siya nahilo at nahimatay sa simbahan nang minsang magsimba sila ni Leo. Mabuti na lamang at maagap ang binata at nasalo siya nito bago pa siya malugmok sa sementadong sahig. Agad siyang isinugod ni Leo sa ospital na malapit sa simbahan, at doon lang niya nalamang magtatatlong buwan na pala niyang dinadala sa sinapupunan ang bunga ng pagniniig nila ni Lester noon.

Kaya simula nang araw na iyon, mas naging malapit pa sa isa't isa sina Kris at Leo. Hindi rin iisang beses na naging usapin sila sa bayang iyon, lalo pa at bagong lipat lang siya sa lugar. Ilang beses din siyang inalok ni Leo na pakasalan ngunit tumanggi siya. Ayaw niyang isipin lalo ng mga tao sa kanilang paligid na sinasamantala niya ang kabaitan nito sa kanila ng mga anak niya. Isa pa, nag-iisa lang talaga ang lalakeng itinatangi pa rin ng puso niya. Iyon ay ang ama ng kaniyang kamabal — si Lester.

"Leo, ikaw pala. Kumusta?" magiliw niyang tanong sa binata.

"Hmmm, okay naman," maikling tugon naman nito saka naupo sa karatig niyang upuan. "Kayo, kumusta naman kayo ng mga bata? Nasaan nga pala ang makukulit na iyon?" Nakangiting nagpalinga-linga pa ito upang hanapin ang kaniyang mga anak.

"Naku, ayun, natutulog. Napagod yata sa paglalaro kanina," nakangiti niyang turan dito.

"Lumabas kayo? Sayang hindi ako nakasama. Ang dami kasing adjustment no'ng client sa building na pinagagawa niya e. Babawi na lang ako sa susunod," may panghihinayang na turan ito sa kaniya. Isa kasing engineer si Leo at ito ang nagmamay-ari ng pinakamalaking construction company hindi lang sa bayan na iyon, kundi sa buong lugar nila.

"Sus, okay lang iyon 'no. Dapat lang naman na asikasuhin mo iyang negosyo mo, baka mamaya magreklamo na si Jean dahil palagi mo na lang siyang iniiwan sa site." Si Jean naman ang kasosyo ng lalake sa business, na halatang may masidhing pagnanasa kay Leo.

"Pabayaan mo iyong si kulit, matuto siyang magtrabahong mag-isa," tatawa-tawa lang na tugon ni Leo sa kaniya.

Kung siya ang tatanungin, bagay na bagay ang dalawa. Parehong mabait, makulit, at matalino. Magkababata ang dalawa kaya masyadong komportable sa isa't isa. Kung makapagbardagulan nga ang dalawa, akala mo parehong lalake.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon