Chapter 68

72 1 0
                                    

"Thank you, Kris," ani Lester habang hinahaplos ang mga ulo ng mga anak nila. Matapos basahan ng libro ni Lester ang mga bata, agad na nakatulog ang mga ito. Kaya ngayon may pagkakataon na silang mag-usap ng babae.

"Don't thank me. Karapatan mo namang makilala ang mga bata, kaya bakit ko sila ipagkakait sa iyo?" seryosong saad ni Kris habang nakaupo ito sa kabilang panig ng kama ng mga bata.

"Still, thank you. Thank you for taking care of them, when I can't. Thank you for loving them, when I was not able to show it. Thank you for being strong, when I'm not around." Umangat ang mukha ni Lester at tinitigan ang kaniyang mga mata. Para naman siyang napaso sa titig nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng paningin at tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.

"Huwag na nating pag-usapan pa ang bagay na iyan. Ginawa ko lang ang alam kong tama, at iyon ay ang ipakilala ka sa mga bata. Besides, magulang ka rin nila," tugon niya sa lalake.

"Uhm, itsi-check ko lang ang shop." Pagkasabi niyo ay nagmamadali na rin siyang lumabas ng silid ng mga bata. Ayaw niya kasi ang pakiramdam na para siyang sinisilaban sa loob ng kuwartong iyon habang kasama si Lester.

Napahinga naman nang malalim si Lester habang sinusundan ng tingin ang papalabas na si Kris. Naiintindihan naman niya kung bakit parang umiiwas si Kris sa kaniya. May kasintahan na kasi ito at baka iniisip nito na maaring magalit sa babae ang nobyo kapag nagkipaglapit ito sa kaniya. Pero kagaya ng sinabi niya kay Leo kanina, gagawin niya ang lahat bumalik lang ulit si Kris sa kaniya.

Muli niyang tinunghayan ang mga ana na mahimbing nang natutulog saka ginawaran nang magaang halik sa noo ang dalawa. Gumagabi na, kailangan na rin naman niyang umuwi. Pero tinitiyak naman niyang babalikan niya ang mga bata, nang sa gayon ay magkaroon siya ng dahilan para makitang muli ang mommy ng mga ito.

Lumipas pa ang mga araw, lingo at buwan. Lalong napalapit kay Lester ang mga anak at kulang na lang ay hilingin ng mga itong sa bahay na ng mga ito tumira. Pero dahil hindi naman puwede dahil bukod sa hindi papayag si Kris, palagi ring nasa paligid si Leo at tila nagbabantay sa kaniya. Mairita man siya, wala naman siyang magagawa. Kagaya ngayong araw, nasa bakuran siya ng bahay ni Kris kasama ang kaniyang mga anak. Ini-request kasi ng mga bata na mag-camping daw sila sa labas ng bahay kung kaya nagdala siya ng tent upang tuparin ang hiling ng mga bata.

Sa kasamaang palad, naroon din si Leo at nakikipagkuwentuhan kay Kris. Halatang masayang-masaya ang mga ito habang nag-uusap dahil panay ang tawa ni Kris at may pahampas-hampas pa ito kay Leo. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa, ngunit sapat na ang naririnig niyang pagtawa ng babae para masabing masaya ito.

'Damn you, Leo! Ang sarap mong ihawin at ipakain sa mga aso!' inis niyang bulong habang pilit na ina-assemble ang tent.

"Daddy, baliktad po yata iyang ginagawa mo," pukaw sa kaniya ni Krister. Nang mapasulyap siya sa ginagawa, napangiwi siya dahil tama ang sinabi ng kaniyang anak. Baliktad nga ang pagkakayari ng tent, kaya naman mabilis niyang kinalas iyon at muling binuo.

Ilang sandali pa at natapos na rin siya sa kaniyang ginagawa at isinecure ang tent saka inayos ang loob niyon. Tuwang-tuwa naman ang mga anak niyang pumasok sa tent saka nagtatalon doon habang nilalatagan niya ng kutson ang sahig ng tent.

"Kids, huwag masyadong malikot baka gumuho ang tent natin," tatawa-tawang saway niya sa dalawang batang walang tigil sa pagtalon.

"A, ayaw niyong tumigil ha! Hali nga kayo rito!" Niyakap niya ang dalawa at inihiga sa kalalatag niyang kutson saka kiniliti ang mga ito. Tili naman nang tili ang mga bata habang kinikiliti niya ang mga ito.

"Daddy, tama na po!" humahagikhik na saad ni Kirsten sa kaniya.

"No! Dahil makukulit kayo, hindi kayo tatantanan ni daddy!" aniya saka muling kiniliti ang mga ito. Panay ang tawa ng kaniyang mga anak habang nagpupumiglas ang mga ito sa kaniyang pagkakayakap. Natigil lang sila nang sumilip sa loob ng tent si Kris.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon