"S*it!" napamura si Lester nang magising siya mula sa pagkakahimbing ng kaniyang tulog. Hinihingal siya at tayong-tayo ang kaniyang kaibigan sa bandang gitna ng kaniyang katawan. Napahawak siya roon at saka napalunok bago niya dinampot ang kaniyang deck phone. Sinipat niya ang oras at nakitang mag-a-alas tres pa lang pala ng umaga.
Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang umihi. Habang umiihi, naalala niya ang kaniyang panaginip. Napangiti tuloy siya na nauwi sa mahinang pagtawa dahil kung kailan malapit na ang exciting part, doon naman siya nagising. Napapailing na lang tuloy siya bago bumalik sa kaniyang higaan. Nakatitig siya sa kisame habang inaalala ang eksena sa kaniyang panaginip. Parang totoong-totoo iyon at damang-dama ang malambot na katawan ni Kris, maging ang mga labi nito. Kung hindi lang siguro siya naalimpungatan, baka naangkin niya ang babae kahit sa panaginip lang.
'Pambihira talaga, kahit sa panaginip may istorbo pa rin!' kausap niya sa sarili.
Samantala sa silid naman ni Kris, napainom siya ng maraming tubig dahil sa nakauuhaw na eksena sa kaniyang panaginip. Kung bakit ba naman kasi iyon ang laman ng panaginip niya kanina. Sila ni Lester, sa ibabaw ng kaniyang kama habang nagniniig. Mali, muntik lang pa lang magniig. Dahil biglang tumunog ang deck phone niya.
'Pahamak kasing Jaja ito e! Kung hindi siya nang-usyoso kanina, hindi ko naman mapapanaginipan iyon e!' paninisi niya sa kaibigan sa kaniyang isip.
Parang totoong-totoo ang panaginip niyang iyon. Ang halik, haplos, at ang muntik ng pag-angkin sa kaniya ni Lester ay parang totoong-totoo. Napapakagat labi tuloy siya habang binabalikan sa kaniyang ala-ala ang kaniyang panaginip. Mabilis siyang napailing saka tumayo sa kaniyang kama upang maligo. Kailangan niyang mahimasamasan at ang tanging solusyong naiisip niya ay ang maligo.
Kinabukasan, ginawa ni Kris ang lahat para lang hindi magtagpo ang landas nila ni Lester. Pero sa malas, kahit anong iwas ang gawin niya hindi niya iyon maiiwasan. Magtatagpo at magtatagpo sila dahil sa iisang departamento lang sila nito. Isa pa, first officer siya kaya malabong hindi sila magkita ni Lester.
"Hoy, babae! Bakit parang balisa ka riyan?" usisa sa kaniya ni Jaja nang magtungo ito sa bridge upang manguha ng kape nito.
"Ha?" wala sa sariling tanong niya rito.
"Naku, naku, naku! Huwag mong sabihing hindi ka nakatulog nang maayos kagabi? Siguro iniisip mo si Kapitan 'no?" tukso pa nito sa kaniya.
Pinandilatan naman niya ito ng mga mata saka hinila ang manggas ng suot nitong uniporme. Imbes na umayos naman ang kaibigan, lalo pa itong humagikhik at ipinagpatuloy ang panunudyo sa kaniya.
"Uyyy, dalaga na siya — ulit!" tatawa-tawang saad nito sa kaniya.
"Heh! Tigilan mo ako Jaja ha! Bilisan mo na ngang magtimpla riyan nang makalayas ka na rito!" Pagtataboy niya sa kaibigan.
"Hmp!" Inirapan naman siya ni Jaja saka muling ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.
"Jaja!"
Bigla siyang nag-panic nang marinig niya ang tinig ni Lester na tumawag sa pangalan ng kaibigan. Hindi niya alam kung bibitiwan ba niya ang paper cup na naglalaman ng mainit na kape, o tatakbong palabas ng bridge.
"Yes, Captain? Coffee?" maarte namang tanong ni Jaja sa binatang kapitan nang lingunin nito si Lester.
"Yes, please. Pero may iba pa akong kailangan sa iyo. Can you come into my office?"
"Now na po?"
"No, later, after coffee break," nakangiting tugon nito sa kaibigan.
"Okay!" tugon ni Jaja saka siya pasimpleng siniko nito. Pinandilatan naman niya ang kaibigan na ngingisi-ngisi lang sa kaniyang tabi. Hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan dahil alam niyang naroon pa rin si Lester at nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...