Chapter 25

88 3 0
                                    

"Teka, teka, teka! Paanong nangyari iyon, e, 'di ba married siya?" takang-taka niyang tanong kay Jaja saka napalapit nang husto sa kaniyang table at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa.

"Ganito kasi iyon, Captain. Five years ago ng tegi ang asawa ni Kris..."

Nagimbal siya sa kaniyang narinig kaya hindi na niya narinig pa ang iba pang sinasabi ni Jaja. Na-focus na kasi siya sa sinabi nitong namatay ang asawa ni Kris limang taon na ang nakararaan. Hindi niya kasi lubos maisip na ganoon pala kalala ang pinagdaranan ni Kris. Ang akala kasi niya iniwan ito ng lalake at ipinagpalit sa iba, iyon naman pala sumalangit na pala ang asawa nito.

"Huuy! Captain, nakikinig ka ba?" Tila naman siya natauhan nang ipitik ni Jaja ang mga daliri sa kaniyang harapan.

"Yes, yes, of course," mabilis niyang tugon dito. "Sorry, hindi ko naman kasi alam na ganoon pala ang nangyari sa asawa ni Kris. Kaya naman pala ganoon siya kalungkot."

"Kaya nga Captain, pormahan mo na agad nang maging masaya naman na ulit ang kaibigan kong iyon. Matagal na panahon na rin namang malungkot iyon at nag-iisa. Tingin ko naman panahon na para sumaya ulit si Kris. At walang ibang makakagawa noon kung hindi ikaw!" litaniya ni Jaja sa kaniya.

"Ako? Bakit naman ako?" kunot-noong tanong niya rito.

"Bakit naman hindi ikaw? Saka 'di ba gusto mo naman si Kris?" balik tanong naman nito sa kaniya.

"Yes, I like her. Pero ilang beses na akong nire-reject ng kaibigan mo. Kaya nga palihim ko na lang siyang padadalhan ng mga bulaklak at tsokolate e," tugon niya sa dalaga.

"Iyon naman pala e! Huwag kang magpapasindak sa rejection ni Kris. Sabi lang niya sa iyo iyon, pero ang totoo natatakot lang iyon. Ano Captain, susuko o lalaban? Ikaw rin, baka maunahan ka pa ng iba."

Siyempre hindi naman siya papayag na maunahan siya ng iba. Saka ano pa bang iniaarte niya? Hayan na nga at libre naman pa lang ligawan si Kris, so, bakit pa niya patatagalin?

"You're right, itutuloy ko na ang panunuyo kay Kris. Pero I need your help on this. Matutulungan mo ba ako?" tanong niya sa babae.

"Shoot! Kailan mo gustong ligawan ang kaibigan kong maganda?" taas-baba pa ang mga kilay nitong tanong sa kaniya.

Napangiti naman siya kay Jaja saka sumandal sa kaniyang upuan habang nakaunan sa kaniyang mga palad. "As soon as posible."

"Ayos! So, tatawagan ko na si Ron para makapag-arrange ng flowers. Tapos tatawag naman ako kay Chef para magpahanda ng strawberry dip. Hmmm, I think iyon na lang muna sa ngayon Captain. Tapos ikaw na bahalang dumiskarte ha?" dire-diretsong sabi ni Jaja sa kaniya.

"Thank you, Ja. Kung hindi dahil sa iyo, baka hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang totoong sitwasyon ni Kris. Baka hanggang ngayon hanggang ligaw tingin pa rin ako sa kaibigan mo. Kaya, thank you!" aniya rito.

"Maliit na bagay! Pero kung natutuwa ka talaga sa akin, increase lang masaya na ako. Aherm! Beke nemen Captain," biro pa nito sa kaniya.

Natawa naman siya sa babae saka napailing bago umayos ng upo. Hindi naman niya magagawa ang hiling ng babae kahit pa gustuhin niyang gawin iyon. Shore side pa rin ang magdedesisyon sa mga salary increase. Pero may magagawa naman siya para mapasaya ito at mapasalamatan. Bibilihan na lang niya ng regalo si Jaja sa gift shop bilang pasasalamat dito.

"Thank you, Ja! See you later," nakangisi niyang turan sa babaeng napanguso na lang sa kaniyang harapan.

"Hmp! Ang daya naman! Siya, see you later Captain!" paalam na nito saka naglakad palabas ng kaniyang opisina. Natutuwa naman siya sa babae, dahil sa kadaldalan nito. Mabuti na lang talaga at biniyayaan ito ng matabil na dila — nalaman tuloy niya ang totoong estado sa buhay pag-ibig ni Kris. Pero magkagayon pa man, malungkot pa rin siyang malaman na maagang nabalo ang babae.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon