Excited na si Kris na makita ang kaniyang pamilya kaya naman halos mabali na ang leeg niya sa paglinga-linga at pagtanaw sa mga taong nag-aabang sa labas ng terminal ng airport. Nakahawak siya sa braso ni Lester habang nagtutulak naman ang binata ng kanilang cart na naglalaman ng kanilang mga luggage.
"Baka naman magka-stiff neck ka niyan kalilinga mo riyan," natatawang sita pa nito sa kaniya.
"Hindi! Hinahanap ko kasi sila mama e," aniya rito habang patuloy pa rin sa paglinga-linga.
"Sinabi mo ba sa kanila na ngayon ang dating mo?"
"Oo naman. Sabi pa nga ni ate sila mama na ang susundo sa akin kasi may trabaho siya," tugon niya rito.
"Okay. Siguro nariyan lang sila, or better yet, tawagan mo na kaya. Baka naman kasi nasa parking pa sila," suhistiyon ng binata sa kaniya.
Kumalas siya sa pagkakahawak sa braso ni Lester saka kinalkal ang kaniyang bag. Tama naman kasi si Lester, baka nga nasa parking pa ang mga ito. Dahan-dahan silang naglakad ni Lester habang sinusubukan niyang tawagan ang kaniyang ina. Nangunot pa ang kaniyang noo nang walang sumasagot sa kaniyang tawag, kaya muli niyang sinubukang tawagan ito. Ngunit kagaya nang nauna, wala pa ring sumasagot sa kaniyang tawag. Malungkot tuloy siyang sumabay sa paglalakad ni Lester.
"Hey, bakit ka nakasimangot diyan? Natawagan mo ba sila?" tanong ng binata sa kanya.
Umiling siya at napahinga nang malalim. "Magta-taxi na lang ako," matamlay niyang saad sa lalake.
Inakbayan naman siya ni Lester saka hinalikan sa tuktok ng kaniyang ulo. "Ganito na lang, ihahatid na lang kita sa bahay ninyo, okay ba sa iyo 'yon?"
Matipid naman siyang ngumiti rito at tumango. Yumakap siya sa baywang ni Lester saka huminga nang malalim. Mabuti na lang at narito ang binata, kung hindi, taxi talaga ang kalalabasan niya. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan siyang sunduin ng mga magulang niya.
"Thank you!"
"My pleasure, sweetheart!"
Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa parking area kung saan naka-park ag sasakyan ni Lester. Palagi kasi niyang iniiwan ang sasakyan sa parking ng airport sa tuwing sasampa siya ng barko. Wala naman kasing naghahatid sa kaniya kapag umaalis siya ng basa. Masyado pa ring busy ang kaniyang ama sa trabaho nito kaya magkita hindi sila ng kaniyang ama.
"Kanino ito?" tanong ni Kris sa kaniya habang inilalagay niya ang mga bagahe nila sa likurang bahagi ng abuhing sasakyan.
"Shhh! Huwag kang maingay, baka may makarinig sa iyo. Kakarnapin natin itong sasakyan," biro niya sa babae. Nakatikim tuloy siya ng palo sa kaniyang braso mula rito. Tatawa-tawa naman siya nang isara ang likurang bahagi ng sasakyan saka niya iginiya sa passenger seat ang babae at inalalayang makasakay roon.
"Kanino nga ito?" pangungulit pa rin ni Kris sa kaniya. Nginitian lang niya ang babae saka isinara ang pintuan ng sasakyan sa side nito bago siya sumakay sa driver's seat.
"Don't worry, hindi ko kinarnap ito. Sa akin po ang sasakyang ito, kaya mag-seatbelt ka na at aalis na tayo," aniya sa babae saka ito kinindatan.
Tahimik namang sumunod si Kris at nagkabit ng seatbelt. Umalis sila sa airport na may ngiti sa kaniyang mga labi, habang si Kris naman ay tila malungkot pa rin dahil sa akla nitong nakalimutan ito ng mga magulang. Ang hindi alam ng babae, kanina pa naghihintay sa kanila ang mga ito sa C3 Restaurant para sa welcome home party nito. Post-celebration na rin kasi ito ng kaniyang kaarawan.
Ilang minuto rin ang nilakbay nila bago sila nakarating sa restaurant. Napangiti pa siya nang pagbaling niya kay Kris ay mahimbing itong natutulog. Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt saka dumukwang sa upuan ng babae saka masuyong hinaplos ang pisngi nito.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomansaLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...