Chapter 39

73 3 0
                                    

"Oopps! Sorry!" mabilis na umiwas si Lester nang pagpihit niya ay may mabangga siya. Bahagya pang natapunan ng dala niyang pinacolada ang babaeng nabangga niya.

"Lester?" tanong ng babae saka nagningning ang mga mata nito nang makilala siya. Samantalang siya naman ay namilog rin ang mga mata at napangiti nang makilala ang babae.

"Hey! Kumusta?" bati ni Leslie sa kaniya saka siya bineso nito.

"Okay lang. Ikaw? Kumusta ka na?" balik tanong naman niya rito habang hawak pa rin ang mga drinks sa kaniyang mga kamay.

"I'm good! Ahm, do you want to maybe catch up later, over dinner?" sabi pa nito habang ikinukumpas ang kamay nitong may hawak ng dark shades nito.

"O, I'm afraid I can't. We have plans all ready for tonight. I'm sorry," hinging paumanhin niya rito.

"We? Are you with friends?" alanganing tanong ni Leslie sa kaniya.

"Yes, we. My girlfriend and I," nakangiti niyang tugon dito. Para namang bilang naglaho ang pagngiti ni Leslie saka ito napatango-tango. "How about you? Are you with your fiance?"

Umiling si Leslie saka pilit na ngumiti sa kaniya. "No, I'm with my girl friends. Adam and I were not together na," tugon nito sa kaniya.

"Oh, I'm sorry to hear that. Ahm, by the way, nice to see you again. I have to go," paalam na niya sa babae saka naglakad patungo sa cabana nila ni Kris. Hindi niya alam pero parang nakaramdam siya ng awa kay Leslie. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito at tila kay bigat ng pinagdaraanan ng babae. Napahinga na lang siya nang malalim saka nagpatuloy sa pagtahak sa kinaroroonan ni Kris.

"Hi, sweet! Ang tagal mo naman," nakangusong saad ng kasintahan sa kaniya.

"Hi! Sorry sweet, may nakita kasi akong kakilala e," tugon naman niya sa kasintahan saka iniabot ang inumin nito. Naupo siya sa tabi ni Kris at inumpisahang inumin ang kaniyang inumin. Nakatanaw siya sa beach habang iniisip ang tagpo kanina nang makabanggaan niya si Leslie. Hindi niya tuloy namalayang kinakausap pala siya ni Kris. Kung hindi pa siya nito siniko, hindi pa niya ito papansinin.

"Sweet, kanina pa ako daldal nang daldal dito hindi mo naman ako pinapansin. May probema ba?" tanong nito sa kaniya.

"Ha? Sorry sweetheart, may iniisip lang ako. You were saying?" aniya rito.

"Hmp! Ayaw ko ng ulitin, ang haba-haba ng sinabi ko 'di mo naman ako pinakinggan e," nakairap na saad nito sa kaniya. Agad naman siyang nakonsensiya kaya ibinaba niya ang inumin sa ratan na lamesa saka umusog palapit sa kasintahan at niyakap ito.

"Sorry na. May iniisip lang talaga ako. Sorry sweetheart," bulong niya rito saka hinalikan ang leeg ng kasintahan. Napapiksi naman si Kris at humagikhik dahil nakiliti ito sa kaniyang ginawa. Kaya naman ipinagpatuloy niya ang panghaharot dito hanggang sa mauwi sa mainit na paghahalikan ang kanilang paglalandian.

Kinagabihan nang nasa restaurant sila ni Kris ay parang hindi mapakali si Lester. Palinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap. Hindi naman umimik si Kris at patuloy lang na nag-obserba. Kanina pa kasi niya napapansin na parang wala sa sarili si Lester. Simula nang magbalik ito sa cabana nila kaninang hapon, parang bigla na lang itong nawalan ng focus.

"Sweetheart, are you okay?" tanong niya rito nang hindi na siya makatiis.

Napabaling naman ng tingin sa kaniya si Lester at parang gulat na gulat sa kaniyang tanong. "Y-yes, I'm fine. Bakit mo naman naitanong?"

"Kasi kanina ka pa parang balisa. Simula nang magbalik ka kanina sa cabana ganiyan ka na. What's wrong?" nag-aalalang tanong niya rito. Ipinatong pa niya ang isang kamay sa kamay ni Lester at hinuli ang mga mata nito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon