"Spell gago?" tanong ni Marc kay Rex.
Nasa Casa Vielle ang mga kaibigan niya ngayon at nakikipag-inuman sa kaniya. Ilang araw na lang kasi ay babalik na sila sa barko ni Kris upang magtrabaho. Matapos ang insidenteng naganap sa islang pinuntahah nila ni Kris, mas naging maingat na siya ngayon sa kaniyang mga kilos. Ayaw niyang mahiwalay sila ng kasintahan, kaya hangga't kaya, iniiwasan talaga niya si Leslie.
"L-E-S-T-E-R! Gago!" Nagkatawanan pa ang dalawang ungas na kaibigan niya matapos spell-ingin ni Rex ang pangalan niya. Binato naman niya ng tansan ang siraulo niyang mga kaibigan saka tinungga ang kaniyang beer.
"Akala ko si Rex lang ang guwapo rito e, ikaw rin pala! Sana all!" nakangising sambit ni Marc.
"Mga baliw!" naiiling naman niyang tugon sa mga ito.
"E, matanong ka nga namin. Bakit kasi hindi mo pa sinabi kay Kris ang buong kuwento? E, 'di sana ngayon hindi ka parang kriminal diyan na may tinatago. Daig mo pa ang may kabit sa ginagawa mo e," litaniya ni Rex sa kaniya.
"Kaya nga! Wala namang masama kung ikuwento mo kay Kris na si Leslie ang kauna-unahang babaeng itinibok ng puso mo. Ang mahalaga naman ngayon ay si Kris na ang laman niyan," pagsang-ayon ni Marc sa sinabi ni Rex saka dinutdot ang kaniyang dibdib.
"Ahem! Hindi tayo sure!" sabi ni Rex saka nilagok ang laman ng ote ng beer na hawak nito.
Napakunot-noo naman siyang tumingin sa kaibigang ngayon ay naghahagis ng mani sa ere saka iyon sinasalo ng bibig nito. "Anong ibig mong sabihing hindi kayo sure?" tanong pa niya rito.
"Na si Kris lang ang laman niyang puso mo," ngumunguyang tugon ni Rex sa kaniya.
"Afatay kang bata ka! 'Tol, mukhang hindi lang si Kris ang laman e," sabi ni Marc matapos nitong sikuhin si Rex sa tabi nito. Hindi kasi siya kaagad na nakaimik nang sabihin ni Rex na hindi ito siguradong si Kris lang ang laman ng puso niya. Nabigla kasi siya sa sinabi ng kaibigan at isa pa, may parte pa rin ng puso niyang okupado ni Leslie.
"Tsk, tsk, tsk! 'Tol, dapat siguro tiyakin mo sa sarili mo kung sino talaga ang mahal mo. Kasi sa nakikita namin ngayon sa iyo, mukhang hindi ka pa nakakalaya sa nakaraan ninyo ni Leslie. Though technically, hindi naman naging kayo ni Leslie. 'Di ba nga, dalawang beses ka pang tinanggihan no'n?" litaniya ni Marc sa kaniya.
Napahinga naman siya nang malalim saka pinag-isipan ang sinabi ni Marc. Alam niya sa puso niyang mahal niya si Kris. Pero ngayong nagbalik si Leslie, bakit parang naguguluhan siya? Parang biglang nahati ang damdamin niya para sa dalawang babae.
"Naku! Problema international!" kumento ni Rex sabay pitik nito ng daliri. "Lester, kung gusto mo ng matiwasay na buhay, mamili ka ng isa lang sa kanila. Kung si Kris, siya lang dapat at kalilimutan mo na si Leslie. Kung si Leslie naman, kailangan mong magpakalalake at harapin si Kris. Hindi puwedeng dalawa sila, kasi walang gano'n 'tol!" payo pa nito sa kaniya. Muli siyang napatingin sa kaibigan at pinakinggang mabuti ang bawat katagang binitiwan nito.
"Swak! Hindi porke't kapitan ka, may lisensiya ka ng mamangka sa dalawang ilog! Huwag gano'n!" pag-sang-ayon ni Marc sa sinabi ni Rex.
Wala naman siyang balak mamangka sa dalawang ilog, at hindi naman siya ganoong tipo ng lalake. Isa pa, nangako siya sa mga magulang ni Kris at sa harapan ng puntod ni Bryan na aalagaan at mamahalin niya si Kris ng higit pa sa pagmamahal na ibinigay ng yumaong asawa nito. Kung naguguluhan man siya ngayon, tiyak niyang lilipas din iyon. Siguro talagang kailangan lang niyang iwasan si Leslie para walang gulo.
"Salamat mga 'tol. Huwag kayong mag-alala, wala akong balak mamangka sa dalawang ilog," aniya sa mga kaibigan.
"Alright! Pero 'tol mas maige pa rin kung ikukuwento mo kay Kris kung ano talaga ang nakaraan ninyo ni Leslie. Tiyak ko namang mauunawaan ka niya. Tandaan mo na ang pagiging tapat sa isang relasyon ay daan para sa matatag na pagsasama." Kinindatan pa siya ni Rex saka itinaas ang bote ng beer na hawak nito. "Cheer!" sabi pa nito saka nila pinag-umpog ang mga hawak nilang biote ng beer.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
Roman d'amourLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...