Chapter 49

60 2 0
                                    

Ang plano ni Lester ay kausapin lang sana si Kris, pero nang makita niyang may ibang lalakeng lumabas ng kuwarto nito, bigla siyang nag-panic. Kaya nang umalis ang lalakeng nagngangalang Ryan, agad na niyang sinunggaban si Kris at gawin dito ang bagay na ilang lingo rin niyang hindi natikman.

Ngayon nga ay nakahiga sila sa ibabaw ng kama habang hubo't hubad na magkayakap. Wala silang imikan at tanging ang tibok ng kanilang mga puso lamang ang nag-uusap at nagkakaunawan. Ayaw niyang bitiwan ang babaeng pinakamamahal dahil baka mawala na lang itong bigla.

Wala pa sana silang balak na maghiwalay nang may kumatok sa pintuan ng silid na kinaroroonan nila. Nagkatinginan pa sila ni Kris saka mabilis na nagbihis. Nakalimutan nilang nasa loob nga pala sila ng pamamahay ng mga ito at ang tanging paalam niya sa mga magulang ng babae ay mag-uusap sila nito. Tiyak na magagalit ang mga magulang ni Kris kapag nalaman ng mga ito na may kung anong milagro na silang ginawa ng babae.

"Kris, sister, sorry sa istorbo pero aalis na ako! Enjoy lang kayo riyan. Babush!" paalam ng isang boses lalake. Napatingin siya kay Kris habang nakakunot ang kaniyang noo. Kung tama siya ng iniisip, si Ryan iyon. Pero bakit parang ang lambot ng tinig nito? Hindi kaya isa itong kafederasyon?

Bilang tugon naman sa katanungan niya sa kaniyang isip, isang tango ang nakuha niya mula kay Kris. Tila siya nabunutan ng malaking tinik sa kaniyang dibdib at nakangiting niyakap si Kris. Ang akala talaga niya kanina ay magiging balakid si Ryan sa kanila ni Kris.

Isang halik muna ang ipinagkaloob niya sa kasintahan saka sila magkahawak ng kamay na naglakad patungo sa pintuan ng kuwarto. Hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon, hihingiin na niya sa mga magulang nito ang kamay ni Kris. Kahit hindi pa lumalabas ang resulta ng paternity test, gagawin na niya ang alam niyang tama. Gusto niyang pakasalan si Kris at makasama habang buhay at walang makahahadlang sa kaniya.

Nang makalabas na sila ng silid ay agad niyang hinarap ang mga magulang ni Kris. Seryoso ang mukha ng mga ito habang magkakaharap silang nakaupo sa sala ng mga ito. Magkatabi sila ni Kris sa mahabang sofa, habang ang mga magulang naman nito ay nasa tig-isang solo couch at naghihintay sa kaniyang sasabihin. Sinulyapan niya ang kasintahan saka masuyong pinisil ang kamay nitong hawak niya bago bumaling sa mga magulang ng babae.

"Ma'am, sir, patawarin niyo po ako kung nasaktan ko ang anak ninyo. Pero sa maniwala po kayo at sa hindi, hindi ko po sinasadyang masaktan si Kris. Sobra po akong nagsisisi sa mga nangyaring iyon. At ngayong kasama ko na siyang muli at hawak ang kaniyang kamay, nais ko po sanang hingiin ang pahintulot ninyo na pakasalan ang inyong anak. Mahal na mahal ko po si Kris at hindi ko po kakayaning mawala siyang muli sa piling ko." Binalingan niyang muli si Kris na ngayon ay nangingilid na ang mga luha sa mga mata nito. Agad niyang pinahid ang namuong luha sa gilid ng mga mata nito at hinalikan ang noo ng kasintahan.

"Kris, I'm so sorry sweetheart if I caused you pain. But I promise now that it won't happen ever again. Sana magtiwala ka sa akin dahil kahit kailan hinding-hindi ko nanaising saktan ka. Not again," maramdamin niyang saad sa kasintahan. Tuluyan namang bumagsak ang mga luha ni Kris at napahagulhol itong yumakap sa kaniya. Napapikit naman siya saka mahigpit na niyakap rin si Kris.

"Aherm! Tingin ko naman ay nagkakaunawaan na kayo ng anak namin at nasa tamang edad naman na kayo. Kaya sige, humayo kayo at bigyan na kami ng apo," anang ama ni Kris habang nakangiti itong nakatunghay sa kanila.

"Oo nga naman mga anak. Bigyan niyo na kami ng mga apo para naman madagdagan na ang aming mga anghel," nakangiti ring turan ng mama ng kasintahan.

"Sa lalong madaling panahon po, ma, pa!" nakangisi niyang tugon sa mag-asawa na ikinatuwa naman ng kaniyang mga magiging biyenan.

Walang kasing saya ang araw na ito kay Lester. Sa wakas magiging tahimik na ang buhay nila ni Kris. Isa na lang ang iisipin nila, iyon ay si Leslie na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa paghahabol sa kaniya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon