Chapter 21

95 2 0
                                    

Hindi inalis ni Lester ang kaniyang paningin kay Kris, bagkus nakipagtitigan pa siya sa babae. Nginitian pa niya ito at kinindatan na naging dahilan upang bumitiw sa pagkikipagtitigan si Kris sa kaniya. Natutuwa siyang makita ang mamula-mulang pisngi ni Kris na sanhi marahil ng pagba-blush nito.

"So, Lex, I will leave the ship in your hands. Thank you very much once again for extending your contract for me," nakangiting paalam ng matandang Kapitan sa kaniya.

"It's my pleasure, Captain Nikos. Take care and enjoy your holidays with your family!" Tinapik niya ang balikat ng kapitan saka ito nagpaalam naman sa mga kasamahan nila sa bridge. Habang siya naman ay inilibot ang paningin sa loob ng bridge upang hanapin si Kris. Ngunit sa kasamaang palad, nawala ang babae sa silid na iyon. Marahil, nagtungo ito sa kung saan para iwasan siya.

"Captain, may hinahanap ka?"

Napalingon si Lester sa nagsalita sa kaniyang tabi. Ang nakangising mukha ni Jaja ang kaniyang nabungaran na may dalang papercup na may lamang kape. Iniabot nito iyon sa kaniya saka humigop sa sariling cup nito.

"Nasa banyo si Kris, nagre-retouch. Napasobra yata sa blush on e." Humagikhik pa ito matapos nitong sabihin iyon sa kaniya.

Natawa naman siya sa sinabi ng babae. "Mukha nga 'no?" pakikisakay niya sa biro nito. "Anyway, kumusta naman ang bakasyon mo?" tanong niya rito saka humigop ng iniabot nitong kape.

"Mabuting-mabuti po. Ayun, nagpakasawa ako sa beach kaya negrita ako ngayon," tugon nito sa kaniya.

"Hindi ka pa nagsawa sa dagat 'no? Six months ka sa karagatan, tapos sa dagat ka pa rin nagbakasyon," biro niya sa dalaga.

"Siyempre naman Captain, e nasa dagat nga ako ng anim na buwan, hindi naman ako nagsu-swimming sa mga beaches sa mga ports natin. Saka iba po siyempre kapag sa Pinas, kasama ko ang mga pinakamamahal kong pamilya."

Kung sabagay, tama nga naman ang dalaga sa itinuran nito. Bihira nga itong lumabas at maligo sa dagat. Kung magpapaalam man ito, sa restaurant ang tungo ng dalaga upang kumain ng mga local foods sa lugar na pinupuntahan nila.

"Point taken!"

"E, ikaw Captain, kumusta naman ang bakasyon mo?" balik tanong nito sa kaniya.

Sumulyap naman siya kay Jaja saka ngumiti. "Well, my vacation is fun and interesting," tugon niya rito.

"Gaano ka-interesting?"

"Very!" nakangisi niyang tugon sa babae. "Thank you for the coffee. Back to work!" Kinindatan niya ang babae saka naglakad nang pabalik sa kaniyang opisina. Maaga pa naman para sa departure announcement, kaya maliligo na lang muna siya at magbibihis para handa na siya mamaya.

"Oooppps!" Mabilis niyang nailayo ang papercups sa kaniya habang mabilis na hinapit sa baywang ang kaniyang nabangga, upang hindi ito tuluyang tumalsik at malugmok sa sasahig.

Tila tumigil ang kanilang mundo lalo na nang magtama ang kanilang mga mata. Ang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso na hindi niya alam kung dahil ba sa kabang baka madisgrasya ang nabangga niya, o dahil si Kris ang kaharap niya ngayon at kayakap. Napalunok pa siya nang mapadako ang kaniyang mga mata sa mapupulang mga labi nito. Mga labing tila nag-aanyayang halikan niya.

Bumaba ang kaniyang mukha upang hagkan ang mga labi ni Kris na tila naghihintay rin sa kaniyang susunod na gagawin. Lalong lumakas ang pagtibok ng kaniyang puso habang papalapit ang mga labi niya sa mga labi ng babae. Napalunok pa siya nang maramdaman ang mainit na hininga ng babae sa kanyang mukha.

"Yay! S-sorry!"

Bigla silang naghiwalay ni Kris nang may tinig silang narinig mula sa likuran ng babae. Para silang binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Tumayo naman siya nang tuwid at hinarap ang istorbong umabala sa dapat na nagaganap na ngayon sa kanila ni Kris.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon