Iniunan ni Lester ang mga palad sa kaniyang ulo at nakangiti habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling si Kris. Tila natataranta ito ng husto dahil ni hindi man lang inayos ang pagkakabalot nito ng roba sa katawan. Kitang-kita tuloy niya ang hubad na likuran nito.
Napapakagat labi pa siya habang pinagnanasaan si Grace nang muling may kumatok sa pintuan ng ka iyang opisina. Napabangon tuloy siya nang 'di oras at mabilis na nagsuot ng boxer at t-shirt bago lumabas ng kaniyang silid. Binuksan niya ang pintuan at sinilip kung sino ang kumakatok na iyon.
"Good morning Captain! Do you want me to bring your breakfast no?" tanong ni Agung sa kaniya.
"Ahm, I'll just have some coffee, thank you Agung. You can do your other task, I'll have my brunch later," nakangiti niyang turan sa kaniyang attendant.
"Okay, Captain! Have a good day!" sabi naman nito saka umalis at nagtungo sa pantry.
Napailing naman siya habang isinasara ang pintuan ng kaniyang opisina. Hindi yata na-inform si Agung na kapag sarado ang pintuan ng kaniyang opisina, ibig sabihin niyon ay nagpapahinga siya. Kakausapin na lang niya mamaya ang head ng housekeeping department para masabihan ang attendant. Bago lang kasi si Agung at baka hindi pa ito masyadong naturuan.
Dumiretso siya sa kaniyang working table at nag-check ng mga emails habang nasa loob pa ng banyo si Kris. Alam niyang nagmamadali na ang dalaga kaya hindi na niya gagambalain pa ito. Pero bigla rin siyang natigilan nang maalalang wala nga pa lang gamit ang babae sa kaniyang cabina. Paano ito magbibihis ngayon? Alangan namang night uniform ang isuot nito, magtataka ang mga tao sa bridge. Doon niya inabot ang telepono sa tabi ng kaniyang lamesa at agad na tinawagan si Jaja para magpakuha ng gamit ni Kris sa cabina nito.
"Ja, thank you! Saka na kami magpapaliwanag, sa ngayon kailangang madala ang damit ni Kris dito. Ilang minuto na lang duty na siya e," sabi niya sa dalaga nang sumagot ito sa kaniyang tawag.
"Okay, Captain! Basta may utang kayong kuwento sa akin ni Kris. See you in a bit!" sagot naman nito bago ito nawala sa kabilang linya. Ang sumunod naman niyang ginawa ay ang tawagan si Igor — ang kaniyang Staff Captain, upang ipaalam na mahuhuli si Kris ng ilang minuto dahil may ipinagawa siya rito. Kinagat naman ni Igor ang kaniyang excuse at sinabing tatawagan nito ang kapalitan ni Kris para mag-overtime.
Ilang sandali ang nakalipas at narinig na niya ang pagkatok sa pintuan. Agad siyang tumayo sa kaniyang upuan at pinagbuksan si Jaja. Napatili pa ito at napatakip sa bibig nito nang makita siya ng dalaga. Tumaas naman ang isang kilay niya at napatingin sa sarili. Doon lang niya na-realize na naka-boxer nga lang pala siya.
"Sorry! Akin na iyang mga gamit ni Kris," sabi niya rito saka kinuha ang hawak na paperbag ni Jaja. Namimilog pa rin ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya kaya itinakip niya ang paperbag sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan.
"Ja, back to work!" untag pa niya rito nang tila naestatwa na ang babae sa kaniyang harapan.
"Ay! Opo! S-sige Captain, mauuna na po ako," paalam na nito sa kaniya na halos mautal-utal pa. Hinintay niyang makatalikod ito saka niya isinara ang pintuan at agad na dinala sa kaniyang silid ang mga gamit ni Kris.
Dinatnan niya itong nakaupo sa gilid ng kama at tila namomroblema sa isusuot nitong damit. Hawak ni Kris ang mga hinubad nilang damit kagabi at tila nag-iisip kung isusuot ba nito ulit iyon o ano. Napangiti na lang siya saka tinabihan ito sa kama.
"Here," aniya sabay abot sa paperbag sa babae.
"Ano ito?" takang tanong naman ni Kris nang abutin nito ang paperbag.
"Mga damit mo. Magbihis ka na at 'wag ka nang mag-alala, naipagpaalam na kita kay Igor. Sabi ko male-late ka ng konti kasi may ipinagawa pa ako sa iyo," pilyong saad niya rito sabay kindat kay Kris.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...