Chapter 70

96 2 0
                                    

Hindi mapuknat-puknat ang pagkakangiti ni Lester sa kaniyang mga labi habang nakatanaw siya sa malawak na pool sa kanilang bakuran. Hanggang ng mga sandaling ito, hindi pa rin siya makapaniwalang nakasama niya ang kaniyang mag-iina sa isang mini camping sa loob ng bakuran ng mga ito.

Hindi rin siya makapaniwalang muli niyang nahagkan ang mga labi ni Kris. At higit sa lahat, napanaginipan siya ng babae habang ginagawa nila ang mainit na tagpong pinaangarap niyang muling matikman. Kahit hindi aminin ni Kris, alam niyang iyon ang napanaginipan nito. Sa paraan ng pag-ungol nito kanina, parang may kaniig ito sa panaginip.

"O, son, mukhang maganda ang ngiti mo ngayon a." Nalingunan niya ang kaniyang ama na naglalakad palapit sa kaniya. "May magandang progress na ba ang panliligaw mo sa ina ng mga anak mo?"

Malawak naman siyang ngumiti sa ama saka muling tumingin sa kabuuan ng pool. Nakaupo siya ngayon sa ratan na upuan habang sumisimsim ng scotch.

"Tingin ko Pa, kahit papaano, may maganda naman ng progress ang panunuyo ko sa kanila. Well, masungit pa rin naman si Kris, pero nakaisa na rin ako sa wakas," nakangisi niyang sambit sa kaniyang ama.

Umaliwalas lalo ang mukha ng kaniyang ama sa kaniyang sinambit. "Wow! That's a good news, hijo. So, kailan ko naman makikilala ang mag-iina mo?"

"Malapit na Pa," nakangiting sambit niya sa ama.

"Kailan naman ang malapit na iyan? Aba anak, gusto ko ng makita ng personal ang mga apo ko. Gusto ko silang mayakap at mahalikan," reklamo ng ama sa kaniya.

"Pa, nararamdaman kong sobrang lapit na po. Basta Pa, tinitiyak ko sa iyo na hindi matatapos ang buwang ito, makikilala mo na ang mga apo m at ang babaeng ihaharap ko sa dambana," may kinang sa mga matang sambit niya sa ama.

Ayaw kasi niyang ipakilala ang mga bata sa kaniyang ama na hindi pa sila nagkakasundo ni Kris. Gusto niya, kapag iniharap na niya ang mga ito sa ama, maayos na ang pakikitungo sa kaniya ni Kris.

"Aasahan ko iyan, anak. Gustong-gusto ko na kasi talagang makita ng personal ang mga apo ko at si Kris. Napakaku-cute naman kasi ng mga apo ko e," sabi pa ng papa niya. Sa picture lang kasi nakikita ng papa niya ang mga bata sa ngayon. Pero hindi na magtatagal at magkakaharap din ang mga ito.

"Yes, pa."

Samantala sa bahay ni Kris, tahimik lang siya habang nakatunghay sa mukha ng kaniyang mga anak. Kanina pa tulog ang mga ito at ngayon lang niya natabihan ang mga bata dahil hinayaan niyang si Lester ang magpatulog sa kambal. Matapos ng nangyari kanina, parang wala na siyang mukhang maihaharap kay Lester.

"Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng mapapanaginipan, iyon pa talaga ang napanaginipan ko." Napabuntong hininga na lang siya habang pinagmamasdan ang mga anak niya. Muli niyang naalala ang kaniyang panaginip at agad na nakaramdam ng pag-iinit ng kaniyang mga pisngi.

"Hayst! Kung bakit ba naman kasi kamukhang-kamukha ninyo ang daddy ninyo e." Muli siyang napahugot ng malalim na paghinga saka inayos ang kumot ng mga bata. Hinalikan niya ang noo ng mga ito saka nagtungo sa sariling silid.

Hindi tumigil si Lester sa panunuyo kay Kris. Araw-araw niya kung daawin ang babae pati na ang mga anak nila. Minsan nga nagpi-prisinta pa itong tumao sa coffee shop at mag-assist ng mga customers nila na siya namang malaki ang naitutulong sa negosyo ni Kris. Iyon nga lang, madalas na ikinasisira naman ng araw niya.

Paano ba namang hindi, kung makipag-usap ang mga babaeng customers nila kay Lester, kulang na lang ay idikit ng mga ito ang dibdib sa lalake. Ang iba naman kulang na lang halikan si Lester sa sobrang lapit ng mga mukha ng mga ito. Kagaya na lang ngayong araw, may isang sopistikadang babaeng kausap ngayon si Lester at kulang na lang magkapalit ang mga mukha ng mga ito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon