Chapter 7

166 2 0
                                    

After two months...

Ngayon ang araw ng sampa ni Lester sa barkong kaniyang pamumunuan. Sa isang passenger ship siya nagta-trabaho bilang kapitan. After few years of studying and hard working, nakuha rin niya ang lesensiya niya bilang kapitan. Ito ang unang beses na magiging kapitan siya sa isang passenger ship. Dati na siyang kapitan sa cargo ship, pero makaraan lang ng tatlong mahahabang kontrata, naisipan niyang lumipat sa pampasaherong barko.

Gusto kasi niyang masubukan ang kalakaran sa ganitong uri ng barko, kung saan thousands of passengers and hundreds of crew ang hawak niya. Hindi katulad ng sa cargo ships na dalawampu mahigit lang ang kaniyang tauhan — puro lalake pa! Gusto naman niyang magkaroon ng katrabahong babae, at makasalamuha ang mga iba't ibang uri ng tao. Paraan na rin siguro ito ng kaniyang pagmo-move on.

"Welcome on board Captain!" nakangiting bati sa kaniya ng mga security na nasa gang way. Sinundo kasi siya sa puerto ng nagpakilalang marine admin niya kasama ang dalawang tingin niya ay sailor base sa suot ng mga itong uniporme.

Tinanguan niya ang mga security at tipid na ngumiti dahil hindi naman talaga siya palangiting tao. Inilagay niya sa screening area ang kaniyang mga bagahe at dumaan sa scanner bago muling kinuha ang kaniyang mga bagahe.

"Captain, let us bring this to your cabin," boluntaryo ng isang sailor saka nito kinuha ang kaniyang maleta mula sa kaniya.

"It's okay, I can take it," aniya rito saka akmang kukunin sa sailor ang kaniyang maleta nang magsalita ang kaniyang marine admin.

"No, Captain it's okay. Let us help you," nakangiting turan ng sailor sa kaniya. Wala na nga siyang nagawa kundi ang ngitian ang mag ito at tumango.

"Okay."

Kinuha na ng dalawang sailor ang kaniyang mga gamit at naunang maglakad sa kanila ng marine admin. Napansin niyang tila na-concious ang babae sa kaniya dahil panay ang hawi nito sa buho at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Napahinga na lang siya ng malalim saka sinundan ang mga sailor sa kanilang harapan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero alam niyang na-starstruck ang babae sa kaniya.

He's aware how he looks, kaya hindi na siya magtataka kung ganoon nga ang nangyari sa babae. Nang makarating sila sa Captain's office slash cabin, nakangiti siyang sinalubong ng kapitan na kaniyang papalitan. May tatlong araw silang magkakasama sa barko bago ito tuluyang bumaba. Bago kasi siya sa kumpanyang iyon at kailangang ituro sa kaniya ng papalitan ang mga bagay na ngayon pa lang niya mae-encounter.

"Welcome on board Captain Guiaya!" anito saka siya kinamayan at mahigpit na niyakap.

"Thank you Captain! How are you?" tanong niya sa matandang kapitan.

"Oh, never been better since you are finally here! By the way, I asked the Captain's attendant to clean your temporary room so that you can stay there for three days. Don't worry it's just beside this office," pagbibigay impormasyon nito sa kaniya. "So, how's your trip?" tanong pa nito sa kaniya saka siya iginiya sa harapan ng office table nito.

"Long and tiring, but it's okay since I stayed in the hotel overnight before joining," sagot niya sa Kapitan.

Mabuti na nga lang at may isang buong araw siya kahapon para magpahinga sa hotel, dahil napakahaba ng biniyahe niya mula sa Pilipinas patungo sa New Jersey.

"By the way, thank you guys for helping me. You may leave us now. I'll see you around later," baling niya sa mga taong nagdala sa kaniya sa kanilang opisina. Nagsitanguan naman ang mga ito saka magalang na umalis sa opisina nila. Kaya ngayon dalawa na lang sila ng matandang kapitan ang naiwan roon.

Ilang mga bagay pa ang napag-usapan nila nito bago siya dalahin nito sa bridge. Doon ay isa-isa nitong ipinakilala sa kaniya ang mga makakatrabaho. Simula sa kaniyang magiging kanang kamay — ang Staff Captain, hanggang sa mga sailors. Ramdam naman niya ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga tao roon kahit na iba-iba ang mga lahi ng mga ito.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon