Napapitlag si Kris nang tumunog ang kaniyang deck phone kasabay ng pag-vibrate niyon. Agad niyang inalis sa pagkakasukbit sa kaniyang baywang ang telepono at sinagot iyon. "Hello, Ja," aniya.
"Ano na ganda, nagustuhan mo ba ang mga bulaklak at strawberry dip?" excited na tanong nito sa kaniya.
Hindi na siya nagulat na alam ng kaibigan ang tungkol doon. Malamang kasi na kasabwat ito ni Lester sa pagdadala ng bulaklak at strawberry dip sa kaniyang cabina. Pero bakit naman siya bibigyan ng binatang kapitan ng mga iyon? Nanliligaw na ba ito ng lagay na iyon sa kaniya? Pero ni-reject na niya ito.
"Speechless ka 'teh?" tanong ni Jaja nang hindi siya agad sumagot dito.
"Ha? Nagulat lang ako, kanino ba galing ito?" maang-maangan niyang tanong kahit pa alam niya na kung kanino iyon galing.
"Aysus! Kunwari ka pang hindi kilala! Tse!" anito sa kaniya. "Anyway, sabi niya puwede ka raw bang mayayang mag-dinner mamaya?"
"Ha?" muli niyang sambit dahil hindi niya alam kung anong isasagot sa kaibigan. Nagugult talaga siya sa mga kaganapan ngayon. Una ang mga bulaklak at strawberry dip, ngayon naman dinner?
"Ha? Ha? Habambuhay kang wala sa sarili! Ano, oo o oo?" mataray nitong wika sa kaniya.
"Bakit?" kaniyang naisambit sa kawalan ng isasagot sa kaibigan. Naba-block talaga ang utak niya ngayon sa mga kaganapang iyon. Kaya ngayon mukha siyang tanga habang kausap ang kaibigan.
"Kris, hindi naman math ang tinatanong ko sa iyo, oo at hindi lang naman ang kailanga mong isagot. Ano, papayag ka bang makipag-dinner date kay poging kapitan? Hep! He won't accept no for an answer nga pala. Kaya bakit pa kita tinanong, revise! Mag-date raw kayo mamaya at eight, sa Sashimi house. Alam mo naman kung saan iyon 'di ba?" litaniya ni Jaja sa kaniya.
"O-okay!"
"Great! Sige na babush!" paalam na ni Jaja. Bago pa man siya makapagsalita, nababaan na siya ng telepono nito. Hindi niya tuloy alam kung paanong babawiin ang isinagot niya sa kaibigan. Kung bakit ba naman kasi 'okay' ang naisagot niya rito.
'Now what, Kris? Wala ka ng choice but to have dinner with your gorgeous Captain.'
Napabuga siya ng hangi saka pabagsak na nahiga sa kaniyang kama. Nakatulala siya habang nakatitig sa kisame. Hindi niya talaga lubos maisip na napa-oo siya sa alok na dinner ni Lester. Ano kayang kalalabasan ng date na iyon?
"O, Captain, marami ka ng utang sa akin ha? Oo raw, payag siyang mag-date kayo mamayang alas otso ng gabi sa Sashimi Restau," imporma ni Jaja kay Lester na kanina pa nakatayo sa tabi nito habang nakikipag-usap ang dalaga kay Kris.
"Great! Thank you so much, Ja!" aniya sa babae.
"Thank you lang? Wala bang kiss man lang diyan?" hirit nito sa kaniya.
"Kiss talaga gusto mo? Siyempre hindi puwedeng ako ang magbigay no'n sa iyo. Pili ka na lang sa mga officers sa bridge," nakangisi nyang turan sa dalaga.
"Ayyy! Akala ko pa naman makakalusot na e!" Napapitik pa ito sa ere saka iiling-iling nahumarap sa monitor ng computer nito.
Natawa naman siya rito saka tinapik ang balikat ng babae. "Hayaan mo, pag-iisipan ko kung ibibigay ko iyang kiss na gusto mo. Pero sa ngayon, ito na lang muna ang tanggapin mo. Mas mahal ito kaysa sa kiss ko," aniya sa dalaga saka iniabot ang maliit na box na nakabalot sa pink na wrapper.
Nanlalaki naman ang mga mata nitong tinanggap iyon mula sa kaniyang kamay. "Captain, ano ito? Grabe ka, hindi mo naman sinabing magpo-propose ka na sa akin! Yes na agad ang sagot ko hindi ka pa man nagtatanong. Eeeeiii!"
![](https://img.wattpad.com/cover/330145236-288-k727749.jpg)
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
Roman d'amourLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...