Chapter 45

69 3 0
                                    

"Welcome home anak!" Niyakap nang mahigpit ni Kris ang kaniyang ina nang makalapit na siya sa mga ito. Hindi niya naiwasang mapaiyak nang mayakap ang kaniyang ina, dahil sa biglaang paglukob ng kalungkutan sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ngayon ay nakahanap siya nang kakampi nang makita niya ang kaniyang mga magulang sa arrival ng airport.

"Shhh! Tahan na anak. You'll be fine, baby." Pang-aalo ng kaniyang ina habang hinahaplos ang kaniyang likuran. Lalo naman siyang napahagulhol at isinubsob ang mukha sa balikat ng kaniyang mama matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon. Para siyang batang sinusuyo ng mga magulang matapos itong ayawin ng kalaro.

"Anak, ang mabuti pa umuwi na tayo nang doon na natin mapag-usapan ang problema," sabi naman ng kaniyang ama na nakikihaplos na rin sa kaniyang likuran.

Iniangat naman niya ang kaniyang luhaang mukha mula sa pagkakasubsob sa balikat ng ina saka tumango sa ama. Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at mabilis na pinahid ang mga luhang namamalisbis sa kaniyang mykha saka pilit na ngumiti sa mga ito.

"Si ate?" tanong pa niya sa kaniyang mga magulang nang mapansing wala roon ang kapatid.

"Naku, busy ang ate mo sa trabaho kaya kami na lang ang sumundo sa iyo. Pero sabi naman niya pupunta raw sila ng asawa niya sa bahay bukas," sagot ng kaniyang ama. Napatango-tango naman siya saka nag-umpisa ng maglakad, habang tulak-tulak niya ang kaniyang cart na naglalaman ng kaniyang mga bagahe.

Parang biglang nag-flashback sa kaniyang isipan ang mga kaganapan sa tuwing uuwi siya five years ago. Noong panahong kamamatay lang ni Bryan. Napahinga na lang siya nang malalim saka ipinilig ang kaniyang ulo. Hindi na siya babalik sa naging buhay niya noong mawala si Bryan. Hindi na siya magmumukmok sa isang tabi at sasayangin na naman ang ilang taon para lang sa pagkawala ng isang lalake sa buhay niya. Oo, iiyakan niya ang pagkabigo kay Lester, pero hinding-hindi na siya malulugmok pang muli sa kalungkutan kagaya ng ginawa niya nang mawala ang dating asawa.

Kinabukasan, bisita niya ang kaniyang pinsan at kagaya ng inaasahan, kinukulit siya nitong magkuwento tungkol sa nangyari. Alam niyang hindi siya tatantanan ni Vanessa hanggang hindi niya sinasabi rito ang dahilan ng maaga niyang bakasyon. Kaya kahit sana ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol doon, wala rin siyang nagawa kundi ang sabihin rito ang totoo. At kagaya rin ng inaasahan niya, galit na galit ito ngayon kay Lester.

"Naku, naku, naku! Kapag lang talaga nakita ang hinayupak na lalakeng iyan, puputulan ko talaga ng kaligayahan iyon! Gigil niya ako cous!" Halos umusok pa ang ilong nito habang sinasabi iyon sa kaniya. Kung kanina nakadapa ito sa kaniyang kama, ngayon ay naka-indian sit na ito sa ibabaw ng kaniyang kama habang nakakuyom ang mga palad nito.

"Easy! Maganda na nga rin siguro na habang maaga pa lang ay nalaman ko na ang ugali niya. At least nasasaktan man ako ngayon, mabilis lang naman sigurong mawawala ito," aniya sa pinsan.

"Wehhh? Sure ka ba riyan? Naku cous, alam kong kahit na sinaktan ka ni kurimaw boy, deep inside you umaasa ka pa ring maaayos ninyo pa ang gusot sa relasyon ninyo. Pero cous nagkausap na ba kayo after mong makita na may kahalikan siya sa loob ng unit niya? Nakapagpaliwanag man lang ba siya, or binigyan mo man lang ba siya ng pagkakataong makapagpaliwanag? Nag-effort naman ba siya na gumawa ng paraan para magpaliwanag sa iyo?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

Umiling naman siya bago sumagot sa kaniyang pinsan, "For what? Ano pa bang katanggap-tanggap na paliwanag ang puwede niyang sabihin sa akin?"

"Para kahit papaano malinawan ka? Hmmm, kahit pa siguro hindi katanggap-tanggap ang mga sasabihin niya sa iyo, naniniwala pa rin akong dapat pakinggan mo pa rin siya. Pakikinggan mo siya para sa katahimikan ng puso mo at mawala ang katanungan mong bakit, sa sarili mo. Pakikinggan mo siya pero hindi naman ibig sabihin no'n na patatawarin mo siya kaagad. Pakikinggan mo lang siya para magkaroon kayo ng maayos na closure," litaniya ni Vanessa sa kaniya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon