Chapter 34

77 3 0
                                    

Dahil sa sobrang pagod, nakatulog nang mahimbing si Kris. Kung hindi pa siya marahang inalog ni Lester, hindi pa talaga siya magigising. Antok na antok pa rin ang pakiramdam niya at nahihirapang idilat ang mga mata.

"Sweetheart, time for you to get up. Baka ma-late ka sa duty mo," ani Lester habang hinahaplos ang kaniyang braso.

"Hmmm." Ungol lang niya bilang tugon dahil talagang inaantok pa rin siya. Paano ba naman kasing hindi siya aantukin, e anong oras na siya pinatulog ni Lester. Imbes kasi na ito ang parusahan niya, mukhang siya pa ang naparusahan nito.

"Sweetheart, kapag hindi ka pa riyan bumangon, ako na mismo ang bubuhat sa iyo papuntang banyo para paliguan ka at bihisan. Hindi mo magugustuhan iyon, dahil tiyak kong hindi lang paliligo ang gagawin natin sa banyo mo kapag nagkataon."

Ayaw man niyang kumilos, napilitan na rin siya dahil sa sinabi ni Lester. Masakit pa ang kaniyang mga hita at balakang dahil sa ginawa nila kagabi. Hindi niya kakayanin kapag umisa pa ang lalake sa kaniya. Humihikab na nag-inat siya saka bumangon mula sa kaniyang kama at dire-diretsong naglakad patungo sa banyo. Hindi na siya nag-abala pang takpan ang hubad niyang katawan, tutal nakita naman na iyon ni Lester at napagsawaan ng ilang ulit.

Napamura pa ng mahina si Kris nang pagbukas niya ng shower ay malamig na tubig ang dumantay sa kaniyang katawan. Kaya mabilis niyang pinatay iyon at binuksan ang hot water saka tinimpla ang temperature ng tubig. Nang makapa niyang maligamgam na iyon, saka lang siya bumalik sa loob ng shower area at mabilis na naligo.

Matapos maligo, ay nadatnan niya si Lester na may kausap sa deck phone nito habang nagsusuot ng pantalon. Hindi niya maiwasang hangaan ito at pagnasaan habang pinagmamasdan ang mga muscles nito sa braso at ang malapad nitong likod. Kahit ilang beses na niyang nakita itong hubad, hangang-hanga pa rin siya sa pangangatawan nito.

"Yes, Igor. I'll be there in a minute. Just come back after... let's say twenty minutes. Yeah! Okay bye!"

Agad niyang binawi ang tingin sa lalake at nagkunwaring nagkakalkal ng damit sa kaniyang cabinet. Mabilis siyang nagsuot ng kaniyang panty at bra saka isinunod ang puting t-shirt bago niya muling hinarap si Lester na ngayon ay nakasuot na rin ng uniporme nito. Hindi naman ito mukhang bagong gising dahil maaliwalas ang mukha nito at maayos ang pananamit.

"I'm going. I'll see you later sa bridge," anito saka siya hinalikan sa kaniyang noo, ilong, at labi.

Tumango naman siya saka isinuot ang kaniyang pants at itinuck-in ang kaniyang polo, saka inihatid ng tanaw si Lester na hindi man lang sumilip muna sa corridor kung may makakakita rito. Napahinga na lang siya nang malalim saka napailing bago nagsuklay ng kaniyang buhok. Blinower niya iyon ng bahagya saka nag-apply ng manipis na make up para hindi naman siya magmukhang puyat. Nang makuntento, saka siya nagmamadaling umalis ng kaniyang cabina at nagtungo sa bridge.

"Good morning!" bati sa kaniya ni Jayvoy na tila tuwang-tuwa na makita siya.

"Morning! Out na, tsupi!" pagtataboy niya sa lalake saka kinuha ang logbook dito.

"Sungit! Teka, congrats pala ha! Ikaw pala ang lucky one na nakabili kay Captain!" panunukso nito sa kaniya.

Bigla namang nag-init ang mga pisngi niya sa sinabing iyon ni Jayvoy. Hindi niya kasi alam kung kanino nalaman nito ang balitang iyon.

'Duh! Maliit lang ang mundo niyon sa barko, natural malalaman nilang lahat ang tungkol sa auction night!' aniya sa sarili.

"Tse! Lumayas ka na nga at matulog." Pagtataboy niya sa lalake para tumigil na ito.

"Suplada! Sige na, matutulog na ako. Good night guys!" paalam pa nito sa mga kasamaha bago ito umalis sa bridge. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makaalis an si Jayvoy, dahil sa wakas mananahimik na siya sa kaniyang table. Pero akala lang niya iyon. Dahil maya-maya lang, isa-isa na siyang binati ng mga kasamahan ng 'Congratulations'.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon