Chapter 27

86 2 0
                                    

Mabilis na tumayo si Lester matapos humingi ng paumanhin ni Kris. "Sorry, Captain..."

"No, it's okay. I'm just early," sabi ni Lester na hindi man lang pinatapos ang sasabihin niya, saka siya nito ipinaghila ng upuan. Napakagat labi na lang siya at naupo sa katapat nitong upuan.

"Thank you!" pasalamat ni Kris kay Lester saka ito naupo sa upuan nito. Siya naman dating ni Carla — ang kanilang server.

"Good evening again Captain and Ms. Kris. Are you ready to order?" nakangiting tanong nito sa kanila. Kung hindi siya nagkakamali, mukhang tinutukso siya ni Carla sa paraan ng pagkakangiti at pagkakatingin nito sa kaniya.

"Ahm, anything you want to order?" tanong sa kaniya ni Lester.

Binuklat naman niya ang menu na nasa ibabaw ng kaniyang mesa saka sinipat ang mga pagkaing naroon. Nang makapamili, saka niya itiniklop iyon at nakangiting binalingan si Carla. Para pa itong maiihi sa kakiligan habang hinihintay ang kaniyang order.

"I'll have sashimi salad, scallop roll, and lobster ramen with egg, please," aniya sa dalaga.

"Sashimi salad, scallop roll, and lobster ramen." Ulit nito sa kaniyang order. "How about you Captain?" Baling nito sa binata.

"Hmmm, I'll have the same order with Kris and one spicy tuna roll," tugon ni Lester saka iniabot kay Carla ang menu.

"Great! Let me just repeat your orders, two sashimi salads, two scallop rolls, two lobster ramen, and a spicy tuna roll. How about your drinks?"

"Please give us a bottle of sparkling water and another bottle of peach sake."

"Noted on that Captain. Anything else?" tanong muli ni Carla.

"Hmmm, Kris, do you want to add anything?" baling ni Lester sa kaniya.

"No, I think I got everything I want to eat. Thank you!" nakangiti niyang saad kay Carla.

"Okay! I'll be back in few minutes for your drinks," tugon nito sabay kindat sa kaniya.

"Girl, ang suwerte mo naman!" bulong pa nito sa kaniya bago ito umalis sa kanilang mesa.

Hindi na siya nakaimik pa at nasundan na lang ng tingin si Carla habang naglalakad itong papalayo sa table nila. Napailing na lang siya saka napatikhim nang balingan na niya ng tingin si Lester.

"Ahm, thank you for inviting me for dinner. Pasensiya ka na ulit Captain kung na-late ako," nahihiyang turan niya sa binata.

"Lester. Lester na lang. Masyadong pormal ang Captain. Isa pa, we're off duty," nakangiting wika nito sa kaniya.

"Pero..."

"Hep! Wala ng pero-pero. Let's just enjoy this night, shall we?" Napatango na lang si Kris at tipid na napangiti rito.

Hindi naman kasi dapat siya male-late kung hindi lang siya parang sira na nag-uurong-sulong kanina sa kaniyang silid. Nagdadalawang isip kasi siya kung tutuloy ba siya o hindi kasi nahihiya talaga siya at kinakabahan. Kung hindi pa siya tinawagan ni Jaja para kumustahin, siguro hanggang sa mga sandaling ito nasa cabina pa rin siya at nakikipagtalo sa kaniyang sarili.

Kapwa sila tahimik ni Lester habang hinihintay ang kanilang orders. Kaya tuloy mas lalong nakaiilang ang bawat sandali nilang magkasama nito. Hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin sa binata upang sana basagin ang katahimikan. Hanggang sa narinig na lang niyang magsalita si Lester.

"How's your day?" tanong nito sa kaniya.

"Ahm, okay naman. Busy as usual. Alam mo naman sa bridge, palaging busy," tugon niya rito. "Ikaw, kumusta naman ang araw mo?" balik tanong niya rito kahit pa halos lumabas na sa kaniyang lalamunan ang kaniyang puso sa sobrang lakas ng pagkabog niyon.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon