Chapter 31

79 2 0
                                    

Napatango-tango na lang si Nina habang namimilog ang bibig nito. Nang makabawi ay ngumiti rin ito sa kanila at nagpaalam. "Oh, well, I think I have to go."

"Ms. Nina!" tawag ni Kris sa babae.

"Yes, dear?" baling nito sa kaniya.

"Ahm, about what Captain said. We're not really..." Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang unahan siya ni Lester sa pagsasalita.

"I'm just kidding earlier, Nina," nakangiti nitong saad sa babae. "Kris needs to use a restroom, and since she's here, I offered her to use my mine. Anyway, we're going for lunch, do you want to join us?" Alok pa nito sa babae.

"Oh, Captain! That's okay, no need to explain. By the way, you two enjoy your lunch. I have a conference call in about thirty minutes. I just drop by to give you those papers," nakangiting turan nito sa kaniya matapos ituro ang mga papel na ngayon ay nasa lamesa na niya.

"Oh, okay then. Thank you, Nina!" sagot na lang niya rito saka inihatid ng tanaw ang babae.

"Let's go?" Baling niya kay Kris nang makaalis na si Nina sa kanilang harapan.

"Bakit mo sinabi iyon kay Nina?" tanong ni Kris habang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya.

"Alin?" maang-maangan naman niyang tanong dito.

"Iyong — kuwan — 'di bale na nga! Halika na, nagugutom na rin ako saka kailangan ko pang bumalik ulit sa bridge bago ako mag-break," kakamot-kamot sa kilay niyang turan sa binata.

Hinila naman niya si Kris saka hinapit sa baywang nito. "That we are what she thinks?" Mataman niyang tinitigan sa mga mata si Kris saka masuyong hinaplos ang pisngi ng babae.

"O-oo. Paano kung kumalat sa buong barko iyon? Pagtsi-tsismisan nila tayo. Alam mo naman dito sa barko, kaunting bagay pinalalaki. Saka..."

Hindi na naituloy pa ni Kris ang anomang sasabihin nito nang patahimikin niya ang babae ng kaniyang halik. Ilang sandali ring nagtagal ang halik na pinagsasaluhan nila bago niya pakawalan ito. Tinitigan niya sa mga mata si Kris habang kapwa pa rin silang hinihingal dahil sa katatapos lang nilang paghahalikan.

"You were saying?" untag pa niya kay Kris. "Look, sweetheart. Do you think I care sa kung anoman ang iisipin at sa sabihin ng iba? Hmmm?"

"Pero..."

"Shhh! It's okay. Hayaan lang natin sila na pagtsismisan tayo kung iyon ang ikatutuwa nila. Hindi sa akin importante ang sasabihin ng iba, dahil ikaw lang ang importante sa akin." Muli niyang hinalikan ang babae saka ito pinakawalan. Totoo namang wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, pero siyempre gusto pa rin niyang manatiling pribado ang kung anong mayroon sila ni Kris. Kaya hangga't kaya, iiwasan nilang makita sila ng iba na naglalambingan sa publiko.

"Stop worrying, will you? Hindi ko naman siyempre hahayaang pag-fiestahan tayo ng mga tao rito. I will protect you," aniya sa dalaga saka ito hinalikan sa noo. "For now, kumain na tayo at baka ikaw na ang makain ko kapag hindi pa tayo umalis ngayon," pilyong saad pa niya sa babae.

Pinalo naman ni Kris sa braso si Lester saka naglakad palabas sa opisina nito. Kagaya nga nang napag-usapan nila ng binata, kumilos silang kaswal sa labas ng opisina nito. Pati nang kumain sila sa buffet area kung saan kasalamuha nila ang mga guests at ibang mga officers, normal at kaswal lang ang kilos nila. Ngunit nang matapos naman ang lunch nila, bumalik sa pagiging clingy at sweet si Lester sa loob ng cabina nito.

"Captain, kailangan ko ng bumalik sa trabaho," awat ni Kris kay Lester nang di pa rin siya pinakakawalan nito mula sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kaniya. Kasalukuyan silang nasa loob ng silid nito, habang nakaupo sila at nakayakap ito sa kaniyang baywang mula sa kanyang likuran, sa ibabaw ng kama.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon