Chapter 14

110 3 0
                                    

"P-puwede ka ng umalis sa harapan ko," nauutal na saad ni Kris kay Lester nang hindi ap rin ito umaalis sa kaniyang harapan. Malapit na siyang pangapusan ng hininga dahil sa pagpipigil niya roon.

Ngumiti naman ang lalake saka dahan-dahang lumayo sa kaniya at isinara ang pintuan ng kotse. Habol hininga naman siya habang nakapatong ang kaniyang mga palad sa ibabaw ng dibdib. Hindi niya akalaing ganoon kalakas ng epekto sa kaniya ni Lester. Para itong magnet na hinihigop siyang palapit dito.

"Just relax, we'll be in the hospital soon," anito saka pinatakbo ang sasakyan.

Pinili niyang 'wag na lang sumagot at ibinaling ang paningin sa labas ng bintana, upang hindi mahalata ng binata na apektado siya sa presensiya nito. Kahit na kasi nakalayo na ito sa kaniya, sobrang lakas pa rin ng pagkabog ng kaniyang dibdib. Para siyang papanawan ng ulirat sa sobrang lakas niyon. Kaya ngayon dinadalangin niyang huwag na lang din itong umimik para mapakalma niya ang nagwawala niyang puso.

Nang makarating sila sa pinakamalapit na ospital na nadaanan nila, agad naman siyang inasikaso ng mga nurses doon. Nabigyang lunas naman ang kaniyang sprain at binigyan siya ng pain reliever para sa pananakit niyon. Binilinan din siya ng doktor sa kung ano ang dapat niyang gawin para hindi lumala ang pinsala ng kaniyang paa.

"Thank you po, dok," pasasalamat niya rito matapos bendahan ang kaniyang paa.

"You're welcome, hija. So, paano, mauuna na ako sa inyo. Nurse, paki assist na lang sila," anang doktor bago sila iwan nito.

Inalalayan naman siya ni Lester na makasakay sa wheelchair saka kinuha ang papel na iniabot ng nurse dito. Namumula pa ang pisngi ng nurse at namumungay ang mga mata habang ibinibigay sa binata ang papel. Halatang may gusto ito kay Lester na ikinataas ng kaniyang kilay. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero naiinis talaga siya sa babae.

"Let's go!" wika ni Lester saka marahang itinulak ang wheelchair niya. Hindi naman siya umimik at hinayaan lang ito hanggang sa makarating sila sa sasakyan ng binata. Muli siyang inalalayan nitong makasakay sa loob ng sasakyan nito.

"Ako na!" Pigil niya kay Lester nang akmang ikakabit na naman nito ang kaniyang seatbealt. Bumuntong hininga lang ang lalake saka ito umayos ng tayo at isinara ang pintuan ng sasakyan sa kaniyang tabi.

Nakahinga naman siya nang maluwag nang hindi na ito magpumilit. Magkagayon pa man, abot-abot pa rin ang kabang kaniyang nadarama sa mga oras na ito. Kahit na ilang dangkal ang layo nila ni Lester, pakiramdam niya sobrang lapit lang ng binata sa kaniya.

"Saan ka nakatira?"

Bigla siyang napatingin kay Lester nang masalita ito. Para siyang nabato-balani at hindi na naman alam kung anong isasagot sa binata. Kung bakit ba naman kasi ang nakakawala ng katinuan ang kaguwapuhan ni Lester.

Napatingin din sa kaniya si Lester at biglang tila nag-alala sa kaniya. "Hey, are you okay? Masakit pa ba ang paa mo?"

Umiling-iling naman siya saka lumunok. "I'm okay. Ahm, sa Vilmor Heights mo na lang ako ihatid," aniya rito saka mabilis na ibinaling ang aningin sa harapan ng sasakyan.

"Okay," tanging tugon ni Lester bago nito pinaandar sang sasakyan. Palihim naman siyang napabuga ng hangin saka tumanaw sa labas ng bintana. Naalala niya ang araw matapos siyang malasing. Ang araw na ilang beses niyang ginustong kalimutan simula nang matuklasan niyang hindi si Bryan ang kaulayaw niya nang gabing malasing siya.

Flashback...

"Awww! Damn that wine!" she cursed while holding her soar head.

Nananakit ang buo niyang katawan at parang umiikot ang kaniyang mundo nang bumangon siya mula sa kama. Kunot-noo siyang napalingon sa kaniyang tabi nang maramdaman niyang gumalaw ang kama.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon