Matapos makausap ni Jeffrey ang kaibigan, agad siyang nakipag-usap sa mga pulis na naghahanda sa pagsugod sa bahay ni Leslie. Matagal nang minamanmanan ng mga mga pulis ang mga lugar kung saan possibleng magpunta si Adam. Sa ilang buwang pagmamatyag, natiyempuhan ito ng mga pulis na nagbabantay sa area kung saan nakatira si Leslie.
Sinundan nila ito at nagulantang sila nang matuklasang sa loob ng bakuran lang din pala ni Leslie nananahan ang lalake. Hindi tiyak ng mga pulis kung saang parte ng bakuran ni Leslie maaaring manahan ang lalake. Pero tiyak nilang may pinagkukublihan ito roon.
Agad na umaksiyon ang mga pulis at nagplano kung paano mahuhuli si Adam. Inabisuhan siya ng kaibigang pulis na kontak niya, na sabihan si Lester na umalis sa lugar na iyon kasama si Leslie. Ngayong araw kasi isasagawa ang panghuhuli kay Adam.
"Men, hangga't maaari, iiwasan natin ang magpaputok ng baril kung hindi kinakailangan. Is that clear?" anang head ng mga pulis sa tauhan nito.
"Yes, Chief!" sabay-sabay na sagot naman ng mga tauhan nito.
"Okay, let's go!"
"Captain, Santos, ang mabuti pa sa amin ka na sumabay," wika ng SPO1 sa kaniya. Tumango naman siya saka sumunod sa mga ito. Pinagsuot din siya ng mga ito ng bullet proof vest for his safety. Dati naman siyang nanungkulan sa pulisya, kaya alam na niya ang dapat niyang gawin.
"Surprise!" nakangising saad ni Adam sa kaniya. "Na-miss niyo ba ako?" nakakalokong tanong pa nito habang pinapasadahan ng daliri nito ang braso si Leslie.
Nakatingin lang si Lester kay Adam at hindi malaman kung ano ang gagawin para lang mailayo ang babae kay Adam. Ayaw niyang magpabigla-bigla dahil baka kung anong gawin nito kay Leslie. May nakasukbit na baril sa baywang ni Adam, at nakausli sa bulsa ng pantalon nito ang isang balisong.
"Scared? Tsk, tsk, tsk! Akala ko pa naman matapang ka, bakit ngayon para kang tatakbo anomang sandali?"
"Adam, kung anoman iyang binabalak mo, huwag mo ng ituloy. Maawa ka naman kay Leslie at sa magiging anak ninyo," pilit siyang nagpapakatatag habang kinakausap ang lalake.
Tumawa naman si Adam saka tumayo mula sa kinauupuan nito. Kasabay niyon ay ang paghaklit niya sa braso ni Leslie upang makatayo rin ito sa tabi nito. Kitang-kita niya sa mukha ng babae na nasasaktan ito sa higpit ng pagkakahawak ni Adam sa braso nito. Wala naman siyang magawa dahil baka 'pag nakialam siya, lalong masaktan si Leslie.
"Adam, please, bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!" pagmamakaawa ni Leslie habang nakangiwi itong nakahawak ang isang kamay sa tiyan nito.
Tumawa naman si Adam at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng babae. Inilapit pa nito ang mukha sa tainga ni Leslie at saka nagsalita roon. "E, kung ayaw ko? Hmm? May magagawa ka ba, babe?"
Suminghot-singhot ito sa leeg ng babae saka iyong pinaghahalikan. Nagpupumiglas naman si Leslie at tila diring-diri sa ginagawa ni Adam, hanggang sa maitulak ito ni Leslie at makawala ito sa pagkakahawak ni Adam. Sinundan pa iyon ng pag-apak ni Leslie sa paa ng lalake saka mabilis na tinuhod ito, bago nagmamadaling makalapit kay Lester.
"Sh*t! Walang hiya kang babae ka! Ahhhh!" hiyaw ni Adam habang hawak nito ang nasaktang hinaharap.
Wala namang inaksayang pagkakataon si Lester at kaagad na inalalayan si Leslie na makababa ng lanai, habang namimilipit pa sa sakit si Adam. Gustuhin man niyang tumakbo sila nang mabilis ni Leslie, hindi maaari dahil buntis ito at baka lalo pa silang mapahamak. Konti na lang at aabot na sila sa gate ng bahay ni Leslie nang tatlong magkakasunod na putok ng baril ang naulinigan nila.
"Ayyy!" tili ni Leslie saka natakpan ang magkabilang tainga. Habang si Lester naman ay tinakpan ang babae gamit ang sariling katawan habang nakaupo sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/330145236-288-k727749.jpg)
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...