Chapter 3

175 3 0
                                    

Matapos ang dinner nina Lester at Leslie Ann, ay sumulpot sa kanilang tagiliran ang mga musician na kaniyang binayaran para sa okasyong iyon. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at saka inilahad ang kamay sa harapan ni Leslie. Nakangiting tinanggap naman ng dalaga ang kaniyang kamay at nagpatianod ito sa kaniya patungo sa mini dance floor. Inilagay nito ang mga kamay ng dalaga sa kaniyang leeg, habang ang kaniyang mga kamay naman ay humapit sa baywang ng babae.

They slowly move as the music plays around them. Sobrang lakas nang pagkabog ng kaniyang dibdib nang mga sandaling iyon, dahil sa kabang nadarama. Hindi niya malaman kung paanong mag-uumpisa ng sasabihin sa dalaga, kung kaya't hinayaan na muna niya ang sariling namnamin ang sandaling kayakap niya ito habang nagsasayaw sila sa gitna ng dance floor.

"Lester, why I feel so nervous on this?" maya-maya'y tanong ng dalaga sa kaniya.

Sinulyapan niya ito't sinalubong ang mga mata ng dalagang nakatitig sa kaniyang mukha. Alam niyang nawi-wirduhan na ito sa kaniya nang mga sandaling iyon, kaya naman ngumiti siya rito bago mag-umpisang magsalita.

"Leslie Ann, nang makilala mo ako alam mo namang I'm from a broken family right?" tanong niya sa dalaga na tumango naman sa kaniya. "My parents never gave me enough attention when I was a kid. Actually, up to now, they seem not to care for me at all. My mama is somewhere I don't know, and my papa is busy with his business that I barely even see him around. Then you came, you gave me all the attention that I don't get from my parents. You cared for me and showed me how it felt to be loved. Lahat nang hindi ipinaramdam sa akin ng parents ko, I felt it in you."

Napalunok pa siya bago sila huminto sa pagsasayaw. Bahagya niyang inilayo sa kaniyang katawan si Leslie Ann at saka inilabas ang kahita ng singsing, mula sa bulsa ng suot niyang pantalon. Napasinghap naman si Leslie nang lumuhod siya sa harapan nito at buksan ang kahita na kaniyang tangan. Nakangiti siya habang nakatingala sa babaeng tila nabigla sa kaniyang ginawa, dahil hindi ito makapagsalita hanggang sa mga sandaling iyon.

"Leslie Ann Santos, will you marry me?" Nangungusap ang kaniyang mga matang nakatingin rito habang naghihintay sa sagot mula sa dalaga.

Napalunok naman si Leslie Ann saka nito kinuha ang kaniyang mga kamay at inalalayang makatayo. Naguguluhan man ay tumayo na rin siya habang hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Biglang sumeryoso ang mukha ng dalaga habang hawak nito ang kaniyang mga kamay. Huminga pa ito nang malalim saka ngumiti sa kaniya. Ngiting hindi man lang umabot sa mga mata nito.

"Lester, I'm sorry. You're such a good person and I'm sure na napakasuwerte ng babaeng mamahalin mo balang araw. But it's not me, definitely not me," malungkot na saad nito sa kaniya.

Para siyang sinampal sa sinabi nito at naglaho ang kislap sa kaniyang mga mata. "What do you mean?" naguguluhang tanong niya sa dalaga.

Huminga ito nang malamin saka siya hinilang pabalik sa kanilang upuan. Naupo sila roon bago siya sagutin nito.

"I am very grateful that I've met you, and that I made good things for you. And I'm sorry if you made a wrong impression of all of the sweetness, caring, and thoughtfulness that I've shown you. But Lester, I can't marry you," mahinahong sabi pa nito sa kaniya.

"But why? We're okay right? Our relationship is good right? Bakit hindi mo ako puwedeng pakasalan?" gulong-gulo na niyang tanong dito. Ni minsan hindi sila nag-away ng dalaga kaya wala siyang maisip na rason kung bakit hindi siya puwedeng pakasalan nito.

"Lester, listen to me. We're friends— a good friend. I cared for you because I've always wanted to have a brother but unfortunately, my parents can't give me another sibling. Matanda na si mommy nang ipinagbuntis niya ako at hindi na siya maari pang magkaanak after giving birth to me. Kaya noong makilala kita, sobrang gaan ng loob ko sa iyo. That's why I treated you as my younger brother. Sorry," mahaba-habang litaniya nito sa kaniya.

Akala niya ay mayroong sila, na higit pa sa pagiging magkaibigan. Akala niya ay may namamagitang espisyal sa kanilang dalawa. Iyon pala, she see him as a younger brother. Kaya pala napakabait nito sa kaniya, at sobrang maalalahanin at maasikaso sa kaniya sa tuwing magkasama sila nito. He's so stupid to think na mayroon silang relasyon ng dalaga, which is for her, it's nothing. It's just a brotherly care ang love for her.

"Leslie, are you sure about your feelings for me? Baka naman puwede pang magbago iyang nararamdaman mo? Baka naman masyado kang nabilisan sa akin? Kung gusto mo liligawan kita para maipakita ko sa iyong seryoso ako sa iniaalok ko sa iyo. Hindi kasi nakatatandang kapatid ang tingin ko sa iyo eh. Mahal kita. Mahal na mahal kita, please Leslie Ann, give me a chance to prove that to you." Halos maiyak na siya sa pagmamakaawa rito.

"I'm sorry Lester, hanggang doon lang talaga ang kaya kong ibigay sa iyo eh. Bata ka pa naman marami ka pang makikilalang ibang babaeng deserve ang pag-ibig mo. Huwag kang magmadali, darating din siya sa buhay mo," sabi nito sa kaniya.

"Pero ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko," nagmamakaawang saad nkiya sa dalaga.

Punom-puno ng simpatyang hinawakan siya nito sa kaniyang mga pisngi at nginitian. "Someday you will find someone who deserves your love. Someday you'll forget about your feelings for me. Huwag kang magmadali, take it slow. Focus on your study, and when the right time comes, you will meet your other half," mahinahong sambit nito sa kaniya.

Napayuko na lang siya at hinayaang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang tumulo sa kaniyang mga mata. Hindi niya matanggap na ang babaeng gustong-gusto niya ay nakababatang kapatid lang pala ang turing sa kaniya. Hindi niya matanggap na siya lang pala ang nag-akalang may namamagitan sa kanila ng dalaga. And now, he felt broken once again.

Ilang sandali pa silang nanatili sa lugar na iyon bago siya nagdesisyong umalis na sa lugar na iyon. He still manage to send her home before driving back to their condo. While driving he promise himself that he will study hard, para sa susunod na magkita sila ni Leslie Ann, ay mapatunayan niya ritong karapatdapat siya para sa pag-ibig ng dalaga. He will do everything just to win her heart.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon