Chapter 44

61 3 0
                                    

Napabuntong hininga si Kris habang bitbit ang kaniyang mga bagaheng pababa ng barko. Ngayong araw ang baba niya — maaga ng isang buwan bago ang kaniyang tunay na sign off date. Kinausap niya nang masinsinan ang kaniyang kapitan at nagpaalam siya kung maaari siyang umuwi nang mas maaga kaysa sa nakatakdang petsa ng kaniyang uwi. Pinayagan naman siya ng kapitan at naunawaan ang kaniyang sitwasyon.

Walang kaalam-alam si Lester sa kaniyang plano, dahil wala siyang pinagsabihan ni isa sa mga kasamahan ng tungkol sa kaniyang baba. Sinabihan rin niya ang Crew Administrator nila na 'wag ilalagay sa sign off list ang kaniyang pangalan. Kaya paniguradong mamayang pagdating ni Lester, hindi na siya datnan nito. Sinadya niyang itaon ang kaniyang uwi sa dating ni Lester para iparamdam sa binata kung paano ang madismaya.

"Girl, hindi ka na ba talaga paaawat?" nakalabing tanong ni Jaja sa kaniya. Matipid naman siyang ngumiti sa kaibigan saka ito niyakap.

"Mag-iingat ka rito ha? Saka please lang huwag mo akong ibebenta sa kapitan mo, okay?" aniya sa kaibigan.

"Mami-miss kita. Nakakainis ka naman kasi bigla-bigla ka na lang nagdedesisyong umuwi," nakasimangot na saad naman ni Jaja nang maghiwalay na sila sa pagyayakapan.

Huminga naman siya nang malalim saka pinisil ang mga kamay ng kaibigan. "Naiintindihan mo naman ako 'di ba? Saka babalik pa naman ako, iyon nga lang matatagalan ng kaunti. Alam mo na, kailangan ko ulit mag-heal," aniya sa kaibigan.

Napahinga rin nang malalim si Jaja saka muling yumakap sa kaniya. "Basta Kris, magpakatatag ka ha? Saka kapag ready ka nang harapin si Captain Lester, kausapin mo para matapos nang maayos ang dapat na matapos sa inyo. Pero sana hindi mauwi sa katapusan ang relasyon ninyo, dahil after a long time ngayon pa lang kita ulit nakikitang masaya. Well, malungkot na pala ulit ngayon," payo ni Jaja sa kaniya.

Tumango naman siya sa kaibigan saka bumitiw na sa pagyayakapan nila. Muli niyang kinuha ang mga bagahe saka naglakad pababa sa gangway. Walang lingon-likod siyang naglakad palayo sa kanilang barko at dire-diretsong nagtungo sa service na naghihintay sa kaniya. Hindi siya sigurado kung kailan siya magiging okay, pero kapag naging okay na siya, haharapin niya si Lester. Hindi para makipagbalikan, ngunit para makapag-usap sila at maghiwalay ng maayos. Masyado siyang nasaktan sa ginawa ng binata sa kaniya, pero nagpapasalamat pa rin naman siya na naging parte ito ng kaniyang buhay. Na napasaya siya nito kahit na sa maiksing panahon lang.

"Welcome on board Captain!" nakangiting bati ni Igor kay Lester. Nasa gangway ito at mukhang kagagaling lang din sa labas base sa suot nitong casual clothes. Nginitian niya ang kaibigan saka nakipagkamay.

"Thanks, Igor! How's everything?" bati niya sa lalake.

"Cool by the pool!" tugon nito sabay tawa. "Anyway, I'll catch up later. I need to change for departure. See you around!" paalam ni Igor sa kaniya saka ito nagmamadaling dinampot ang mga pinamili.

Naiwan naman siya sa gangway at hinayaang i-scan ng mga security ang kaniyang mga gamit. Napahinga pa siya nang malalim habang kinakabahan sa muli nilang pagkikita ni Kris. Hindi siya alam kung paanong magpapaliwanag at kukumbinsihin ang babae, pero nakahanda na siya. Handa na siyang masabihan ng masasakit na salita. Kung murahin man siya ng babae, deserve niya iyon. Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya napapaamong muli ang babaeng minamahal.

"Captain, you're all good. The stateroom attendants will bring your luggage to your room. Enjoy cruising with us," nakangiting sambit ng Chief Security sa kaniya.

"Thank you!" nakangiti ring tugon niya rito. Paalis na sana siya nang biglang masalita ulit ito.

"By the way, you're cruising alone?"

"Ahm, yeah! But I am staying with Kris," aniya rito. Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Max na tila may pagtataka sa mukha. "Why are you looking at me like that?"

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon