Simula pagkabata ay hindi na naranasan ni Lester ang magkaroon ng buong pamilya. Nasa grade four siya nang maghiwalay ang mga magulang dahil sa palagiang pag-aaway ng mga ito. Walang araw na hindi nagkasagutan at bangayan ang kaniyang mga magulang. Ultimo kaliit-liitang bagay ay hindi pinalalagpas ng mga ito. Kaya para sa kaniya mas maigi na rin na maghiwalay na nga lang ang mga ito kaysa araw-araw na makita niya ang mga itong nagsisigawan at nagsasakitan.
Nang maghiwalay nga ang mga ito ay nagkaroon ng katahimikan sa kanilang bahay. When he says katahimikan, it means nakabibinging katahimikan. Tanging siya at ang kaniyang yaya ang madalas na magkasama sa kanilang bahay. Ito na rin halos ang tumayong magulang niya sa mga panahong wala ni isa sa kaniyang mga magulang ang naroon para gumabay sa kaniya. He's also very thankful sa mga kaibigan niyang hindi siya iniiwan no matter what happen.
He's father is always busy attending their business. Habang ang nanay naman niya ay hindi niya alam kung saan hahagilapin. The last time he heard was that she flew out of the country. Kung saang bansa ito nagpunta ay hindi niya alam. Sabik siya sa atensiyon ng kaniyang amang tanging kasama sa kanilang bahay. Kaya naman he's doing everything para lang maipagmalaki naman siya nito at mabigyan ng kahit konting atensiyon. Ang kaso, whenever he gets merit sa kanilang school, pinupunan lang ng kaniyang ama iyon ng mga materyal na bagay. Mga bagay na magagamit naman niya, pero hindi makakapagbigay ng kaligayahan sa kaniya.
He has everything he needs, money, a car, a condo, and all the expensive gadgets and things in the world. Pero hindi naman iyon ang kailangan niya eh. He needs his parents love and attention na hindi niya makukuha sa mga bagay na ibininigay ng ama sa kaniya. Some people think that he's very lucky for having all the material things that he has. But they are all wrong, if only he has a chance to choose the life that he wants, he will choose to live a simple life with a complete family. A family that will always be there for him physically, a mother that will hug him whenever he felt sadness, and a father who will give him advice and give inspiration.
Kaya naman naipangako niya sa sariling kapag dumating ang panahon na iibig siya at bubuo na ng sariling pamilya, titiyakin niyang maglalaan siya ng oras at panahon para sa kaniyang pamilya. Hinding-hindi niya gagayahin ang kaniyang mga magulang na wala ng ibang inisip kundi ang sarili ng mga ito. Minsan nga naisip niya kung nabuo ba siya dahil sa pagmamahalan ng mga ito, o napilitan lang ang mga magulang niyang magsama dahil sa kaniya? Napabuntong hininga siya sa isiping iyon, na siyang dinatnan ng kaniyang kaibigang si Chino.
"Oh 'tol, ang lalim naman yata nang iniisip mo." Napalingon siya sa kaibigang si Chino nang maupo ito sa kaniyang tabi.
Nasa sala siya ngayon ng kanilang condo at nagmumuni-muni nang dumating ito galing sa kung saan. Nasa ikalawang taon na sila ngayon ng kolehiyo, at magkasama pa rin sila ng kaibigan dahil na rin sa kahilingan niya sa kaniyang ama, na ipasok ito sa kanilang banko bilang part-timer employee. Hiniling kasi ni Chino sa kaniya na susuklian ang kabutihan nila ng kaniyang ama sa pamamagitan ng pagtatrabaho nito sa kanilang banko. Isa pa they were studying in the same university. Siya bilang marine engeneering na course at si Chino naman ay kumuha ng kursong para sa piloto gaya ng pangarap nito.
"Wala 'to," nakangiting sagot niya sa kaibigan. "Anyway, kumusta na kayo ni Althea?" tanong niya sa kaibigan.
"We're doing great," nakangiting sagot nito sa kaniya. Hindi maitatago sa mukha ng kaibigan ang kagalakang nadarama. "Eh ikaw kumusta na kayo ni Leslie?" balik tanong nito sa kaniya.
Napaunat naman siya sa pagkakaupo at saka inilagay ang mga palad sa likod ng kaniyang ulo, bago muling sumandal sa kaniyang upuan. Napangiti rin siya nang banggitin ni Chino ang pangalan ng babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso ngayon. Ang babaeng naglalaan sa kaniya ng oras at panahon. Ang babaeng nagbibigay sa kaniya ng atensiyong hindi niya kailanman naramdaman sa kaniyang mga magulang.
"Hmmm, okay rin naman kami. As a matter of fact, I am planning to propose to her soon," may pagmamalaking wika niya sa kaibigan.
"Woahhh! Propose agad 'tol? Parang ang bilis naman yata noon?" nabibiglang tanong naman ni Chino sa kaniya.
"Siyempre naman 'tol para wala ng kawala pa. Mahirap na, baka mabasag ang helmet patay tayo riyan!" pabirong turan naman niya sa kaibigan.
Natawa naman si Chino sa sinabi niyang iyon. "Hanep! Mukhang mauunahan mo pa ako ng lagay na iyan. Well good luck! Masaya ako para sa iyo," nakangiti pang sabi nito sa kaniya.
"Thanks man! Hayaan mo, ikaw ang unang-unang makakaalam kapag tinanggap ni Leslie Ann ang proposal ko for her," nagniningning ang mga matang tugon niya sa kaibigan.
Labis ang kaligayahan niyang nadarama nang mga sandaling iyon. Siguradong-sigurado na rin siya sa gagawing proposal para kay Leslie Ann. Wala naman siyang makitang ibang rason para hindi niya gawin iyon. They've been seeing each other for almost two years now, and he can feel the connection between them. He knew that he's special to her and that their feeling is mutual. Kaya bakit pa niya patatagalin, kung puwede namang ngayon pa lang ay kumilos na siya?
He met Leslie in one of the event sa kanilang university where he joined. Ahead ito ng dalawang taon sa kaniya sa kursong kagaya ng kay Chino. He was starstruck to her simple beauty and friendly aura. Lalo na nang kausapin siya nito at unang nakipagkilala sa kaniya. Napakagaan nitong kausap at napakalambing sa kaniya, no wonder kung bakit madaling nahulog ang loob niya sa dalaga.
From then on, palagi na silang nagkikita ni Leslie Ann. Madalas na nakakasabay niya ito sa pagkain ng lunch o 'di kaya naman ay inihahatid niya ito sa bahay ng mga ito after class. Ahead man ito ng dalawang taon sa kaniya, he doesn't care at all. As long as they understand each other and they are happy together, he don't see any problem on that. Wala rin siyang pakialam sa sasabihin ng iba for as long as okay sila ni Leslie Ann, he don't seem to care at all.
![](https://img.wattpad.com/cover/330145236-288-k727749.jpg)
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...