Chapter 12

107 4 0
                                    

Nang magmulat ng mga mata si Kris, nabungaran niya sa kaniyang harapan ang tulog na tulog na si Lester. Bahagyang nakanganga ang lalake at halatang pagod na pagod ito. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang binatang kapitan. Napakaamo ng mukha nito at parang anghel na natutulog sa kaniyang tabi.

Iniangat niya ang kaniyang kamay at akmang hahaplusin ang mukha nito, nang biglang kumilos si Lester at pumaling lalo ang mukha nitong paharap sa kaniya. Kaya naman agad niyang binawi ang kaniyang kamay at pumikit. Natatakot kasi siyang baka magising ito at makita siya nitong nakatunghay rito. Kaya imbes na magmulat muli, nanatili na lang siyang nakapikit hanggang sa makatulog na muli.

Matapos ang napakahabang biyahe, finally, nasa Pilipinas na ulit si Kris. Ngumiti siya at sinamyo ang hanging umihip sa kaniyang pisngi. Amoy na amoy niya ang amoy ng mga usok ng mga sasakyan sa kalye kaya kaya lalo siyang napangiti. For the first time in five years after Bryan died, ngayon lang siya ulit ngumiti. Napakagaan ng pakiramdam niya ngayon. Matapos niyang mapanaginipan si Bryan kanina, parang natanggal ang mabigat na bagay na matagal ng nakadagan sa kaniyang dibdib.

"Kris!"

Nagpalingon-lingon pa siya upang hanapin ang tumatawag na iyon sa kaniya. Tuwang-tuwang kumaway sa kaniya ang kaniyang ate saka ito patakbong lumapit sa kaniya. Sa tuwing bababa siya ng barko, ito ang sumusundo sa kaniya dahil malapit lang ang condo nito mula sa airport.

"Kumusta ka na? Naku, namamaga ang mata mo ah! Natulog ka lang ba buong biyahe sa eroplano?" anito sa kaniya saka siya niyakap nang mahigpit. Gumanti naman siya ng pagkakayakap sa kaniyang ate at hinigpitan iyon dahil pakiramdam niya napakasarap nitong yakapin.

"Sis, na-miss mo ba ako ng sobra at parang gusto mo na akong patayin sa higpit ng yakap mo?" pabirong saad pa nito habang tinatapik siya nito sa kaniyang balikat.

"Sorry ate, na-miss lang kita ng sobra. Sina mama?" tanong niya rito matapos niyang pakawalan ang kaatid.

"Wow! Parang may nagbago sa iyo. Nasa bahay sila mama, hindi mo naman kasi sinabing gusto mo silang makita agad-agad e. So ano, saan kita ihahatid? Sa hotel, o sa bahay ng mga parents natin?"

"Puwedeng sa bahay nila mama, ate? Gusto ko silang makita agad e," tugon niya sa kapatid. Nagliwanag naman ang mukha ng kaniyang ate saka malapad ang pagkakangiti sa mga labing niyakap siyang muli nito.

"Hindi ko alam kung anong nakain mo or anong nangyari sa iyo, pero thank God at mukhang bumalik ka na sa dati! Siguradong matutuwa sila mama kapag nakita ka nila sa bahay ngayon. Welcome home sis!" wika ng kaniyang ate. Ngumiti naman siya saka pasimpleng pinahid ang namuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Tumingala siya sa kalangitan at impit na nagpasalamat kay Bryan.

'Hi, love! I'm starting to move on today. Babawi ako sa lahat ng mga taong naapektuhan ng pagkawala mo. Sa lahat ng taong matagal kong iniwasan, especially to our parents. Thank you!'

"Let's go! Sure ako na iiyak sa tuwa sina mama at papa kapag nakita ka nila," yaya ng kaniyang ate saka siya tinulungang maghila ng kaniyang bagahe. Today, she will start a new life — without Bryan. A life that Bryan's want her to have.

"Ma, pa! Yuhoo! I have a surprise for you!" sigaw ng ate niya nang makapasok na sila sa loob ng bahay ng mga magulang nila.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay at napangiti nang makitang halos walang nabago sa bahay nila. Ganoon pa rin ang ayos niyon, naka-display pa rin ang mga larawan nilang pamilya sa ibabaw ng mahaba at mababang bookshelf. Habang ang piano nilang antic ay katabi niyon. Maaliwalas pa rin ang kanilang bahay lalo na at light yellow ang kulay ng kurtinang nakatakip sa glass wall ng kanilang sala. Ang sala set nila ay tila hindi lumuluma. Magaling kasing mag-alaga ng gamit ang kanilang ina. Kung may nabago man sa kanilang bahay, iyon ay ang mga makabagong appliances lamang. Hindi na kasi uubra ang mala-box na television nila noon, pero naroon pa rin iyon sa isang sulok ng sala at nagsilbing dekosyon na lamang.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon