Chapter 50

69 2 0
                                    

Hinigpitan ni Lester ang pagkakahawak sa kamay ni Kris saka bumaling kay Leslie. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito at sinampal pa siya ng babae. Lumabas na ang resulta ng paternity test at napatunayan ng hindi sa kaniya ang ipinagbubuntis ng babae. Kaya nagtataka siya ngayon kung para saan ang pananakit nito sa kaniya.

"What's your problem?" galit na turan niya rito.

"What's my problem? Ito, ito ang problema ko! How could you manipulate the doctor for this? Alam mong ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko!" bulyaw nito sa kaniya. Napapalingon na ang mga tao sa kanilang paligid kaya kinalmahan niya ang sarili niya at hindi pinatulan ang pagwawala ni Leslie.

"Let's go sweetheart. This is non-sense," napapailing na lang niyang yayakay Kris saka humakbang palayo sana kay Leslie. Nguniti hindi pa man sila nakakailang hakbang ay hinila na siya sa braso ni Leslie.

"You're not going anywhere. Kailangan mo akong panagutan!" matigas na sabi nito. Bigla namang nanlaki ang kaniyang ulo sa sinabi ni Leslie saka marahas na binawi ang kamay na hawak nito.

"Leslie, ano pa bang ebidensiya ang kailangan mong makita para matigil ka na sa kahibangan mo? Hindi ko anak iyang nasa tiyan mo kaya puwede ba, tigilan mo na ako?"

"No! Hindi kita titigilan hangga't hindi mo kami pinananagutan ng magiging anak natin!" tanggi naman ng babae habang namumula ito sa galit.

"How pathetic!" ani Kris na umabrisiyete sa braso ni Lester. "Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Harap-harapan ka na ngang isinusuka at ipinamumukha sa iyong hindi ka gusto ni Lester, ipinagsisiksikan mo pa rin iyang sarili mo sa kaniya. Bakit ba hindi ang totoong ama ng anak mo ang habulin mo, kaysa pilit kang nakikisawsaw sa relasyon ng may relasyon." Salubong ang mga kilay ni Kris habang nakatunghay sa babaeng wala na yatang ibang alam na gawin kundi ang manggulo.

"Shut up!" akin nito sa kaniya. "Hindi ka kasali sa usapang ito kaya tumahimik ka na lang diyan!"

Umakyat naman lahat ng dugo ni Kris sa kaniyang ulo dahil sa sinabing iyon ni Leslie. Ang lakas ng loob ng babaeng pagsalitaan siya ng ganoon, samantalang ito na nga ang pilit na nakikipagsiksikan sa relasyon nila ni Lester.

"Huwag mo akong ma-shut up, shut up dahil kasali ako sa usapang ito! Fiance ko ang pinaaako mo sa pagbubuntis mo, kaya may karapatan akong umimik!" nanggigigil niyang turan sa babae.

"Fiance? Really huh?" nang-uuyam na saad ni Leslie sa kaniya saka siya nito tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya nagpatalo at nilabanan din ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya.

"Really! E ikaw? Ano ka ba sa buhay ni Lester?"

Parang baliw namang humalakhak si Leslie saka humalukipkip sa kanilang harapan. "Ako lang naman ang first love ng lalakeng ito. Unang babaeng nagpatibok sa puso niya, at unang babaeng inibig niya ng todo. In fact, he proposed to me twice. Iyon nga lang tinanggihan ko siya noon dahil committed ako that time. But now that I am free, and carrying his first child, p'wede na kaming muli. At ikaw, p'wede ka ng umalis sa buhay niya."

Nagpanting ang mga tainga ni Kris at nangati ang tungki ng kaniyang ilong sa sinabing iyon ni Leslie. "At ano namang palagay mo kay Lester, isang bagay na kung kailan mo gustong balikan, mababalikan mo ng gano'n-gano'n na lang? Isa pa, you maybe his first love, but I am his present love and future wife! Kaya ikaw ang umalis sa buhay niya — namin!" matapang niyang saad sa babae.

Susugurin sa na siya ni Leslie nang iharang ni Lester ang katawan nito sa kaniya. Sinalo nito ang mga kamay ni Leslie na ipangsasampal sana sa kaniya saka ito pabalang na ibinaba.

"Don't you ever dare to hurt her! Leslie, you have to stop what you are doing. Hindi kita mahal. Si Kris lang ang mahal ko at kung may pakakasalan man ako at gugustuhing makasama habang buhay, siya iyon — hindi ikaw!" mariing saad ni Lester sa babae. Natigagal naman si Leslie at parang maiiyak na ngayon sa kanilang harapan. Pero bago pa man mangyari iyon, kinuha na ni Lester ang kamay niya at mabilis na humakbang palayo sa babae.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon