Chapter 2

188 2 0
                                    

"Ang porma yata natin ngayon ah!" bati ni Chino sa kaniya nang makita siya nitong nag-aayos sa harapan ng salamin.

Tiningnang naman niya ang kaibigan mula sa salamin saka ito nginitian. "Oo 'tol eh may date kami ni Leslie ngayon eh," sagot pa niya rito.

"Uyyy! Ngayon na ba ang proposal mo sa kaniya?" interesadong tanong muli ni Chino sa kaniya.

Ngumisi lang siya rito bilang tugon. Actually he already bought the ring for Leslie Ann last week, and planned for his proposal tonight. Hinarap niya ang kaibigan matapos niyang isara ang huling butones ng kaniyang maroon long sleeve. Nakapamaywang pa siya habang nakatingin dito.

"Yes, 'tol. Tonight will be the most unforgettable night for us. I will ask her to marry me!" masayang anunsiyo niya sa kaibigan.

Nilapitan naman siya ni Chino saka ito niyakap. "Congratulations 'tol in advance!" bati pa nito sa kaniya habang tinatapik-tapik ang kaniyang balikat.

"Salamat 'tol," malapad ang pagkakangiting tugon niya sa kaibigan.

"Good luck 'tol. Lumakad ka na kung gano'n at baka naiinip na ang date mo sa iyo," pagtataboy sa kaniya ng kaibigan.

"Ayaw mo naman akong ipagtabuyan ng lagay na iyan Chino?" pabirong tanong niya sa kaibigan.

"Hindi naman sa ganoon, iniisip lang naman kita eh. Baka mamaya ma-late ka sa date niyo, minus pogi points iyon!" sabi pa nito sa kaniya.

Napapailing siya habang natatawang kumilos na upang kunin ang susi ng kaniyang sasakyan. Kinuha rin niya sa kaniyang cabinet ang kahita ng singsing na ibibigay sa babaeng kaniyang pinakamamahal. Nang masigurong wala na siyang nakalimutan ay saka siya nagpaalam sa kaibigan at saka lumabas ng kanilang unit. Pinaghalong excitement at kaba ang kaniyang nadarama nang mga sandiling iyon. He can't wait to see the reaction of Leslie kapag nag-propose na siya rito.

Napapangiti pa siya habang lulan ng kaniyang sasakyan at tinatahak ang daang patungong Dreame Retro Bar kung saan siya nagpa-reserve ng VIP room para sa proposal na magaganap ngayong gabi. He even organized the foods, drinks and a musician that will play a music later after their dinner. Everything is in place sila na lang ni Leslie Ann ang kulang.

Nauna siyang dumating sa Dreame Retro Bar which is a good sign dahil matse-check pa niya kung may kulang pa ba sa set up na kaniyang in-organize. Napangiti siya nang makitang maayos at maganda ang pagkakaayos ng VIP room. The light is in a dim mode which made the room looks cozy and romantic. A round table with golden silk cloth is set up in the middle of the room, with two chairs facing each other, and of course a bouquet of red and white roses on top of the table. A bottle of wine is already on the wine bucket, ready to serve for them.

'Perfect!' bulong ni Lester sa kaniyang sarili.

Nanatili siyang nakatayo malapit sa entrada ng kuwarto habang hinihintay ang pagdating ni Leslie Ann. Pinagkikiskis pa niya ang kaniyang mga palad habang nagpapalakad-lakad sa loob ng silid na iyon. His heart is thumping so fast because of excitement. Tonight will be his happiest day in his life. Finally he found the woman whom he will offer his life for the rest of it. Maya-maya lang ay napalingon siya sa pintuan ng VIP room at napahinto na rin sa paglalakad-lakad.

Natutok ang kaniyang paningin sa isang babaeng nakasuot ng pink tube dress na hapit sa katawan nito, habang nakalugay ang kinulot na buhok nitong hanggang sa ibaba ng kilikili nito ang haba. She looks beautiful tonight. Her eyes were so seductive that makes her more sexy, and her lips makes him want to taste it. Bahagya niyang naipilig ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang naiisip na iyon. Umayos siya ng tayo at saka nginitian ang papalapit na dalaga sa kaniyang harapan.

"Hi, I'm sorry I'm late," agad na hinging paumanhin nito nang tuluyan nang makalapit ito sa kaniya. Bumeso pa ito sa kaniya saka umabrisiyete sa kaniyang braso.

"No, you're not late. You're just in time don't worry," saad naman niya rito saka iginiya itong maglakad patungo sa kinaroroonan ng kanilang mesa.

"This is so amazing! Did you prepare all of this?" tila hindi makapaniwalang sambit pa nito sa kaniya.

"Do you like it?" nakangiti naman niyang tanong sa dalaga habang nakamasid siya rito.

"Are you kidding me? Of course I love it!" nangingislap ang mga matang sagot nito sa kaniya.

Natuwa naman siya dahil nagustuhan ng dalaga ang kaniyang paandar. Kinuha niya ang bouquet of flowers sa ibabaw ng mesa at iniabot iyon sa dalaga.

"For you," malambing niyang saad dito.

Nagniningning naman ang mga mata nitong kinuha mula sa kaniya ang mga bulaklak. "Thank you! You're so sweet. Teka ano bang mayroon at bigla kang nagyayang mag-dinner tapos ang ganda-ganda pa ng set up dito. Anong okasyon?" nagtatakang tanong na nito sa kaniya. "Don't tell me it's your birthday?" kunot noo pa nitong turan sa kaniya.

Natawa naman siya saka sunod-sunod ang ginawang pag-iling. Lumapit siya rito at ipinaghila niya ng upuan ang dalaga. Tumalima naman ito at saka naupo sa upuang kaniyang hinila para rito. Nang makaupo na ng maayos si Leslie Ann, ay saka naman niya kinuha mula rito ang bulaklak at iniabot iyon sa waiter na nasa loob ng silid na iyon. Matapos kunin ng waiter ang bulaklak ay saka naman siya lumigid sa kaniyang upuan at bago sinagot ang tanong nito sa kaniya.

"It's not my birthday, but tonight will be special to me— to us." Punom-puno ng pagmamahal niyang tinitigan ang dalaga.

Kumunot naman ang noo nito at tila naguguluhan sa kaniyang sinabi. Ginagap niya ang isang kamay nitong nakapatong sa mesa at saka masuyo iyong pinisil. Nginitian niya si Leslie Ann at saka kinindatan ito.

"You'll know later. For now, let's eat and enjoy the wine and food that the Chef prepared for us. Okay?" magiliw niyang sambit dito.

"Okay," nakangiti namang sagot nito sa kaniya na tila naguguluhan pa rin sa nangyayari.

Binitiwan na niya ang kamay nito at saka sinenyasan ang waiter na i-serve na ang mga pagkain. He wants to savor their dinner first before he spill his surprise for Leslie Ann. He wants it to be perfect and romantic kapag nag-propose na siya sa dalaga mamaya.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon