Chapter 15

109 2 0
                                    

"Hijo, halika at magmiryenda ka muna. Salamat nga pala ulit sa paghahatid sa anak namin ha?" magiliw na saad ng ina ni Kris habang bitbit nito ang tray na naglalaman ng inumin at slices ng cakes.

Sinulyapan naman niya ang ginang at nginitian ito bago sumunod sa paglalakad pabalik sa sofa kung saan niya iniwan si Kris kanina. Napahinga pa siya nang malalim habang naglalakad. Bigla kasi siyang natauhan nang makita niya ang larawan ni Kris at ng asawa nito.

Ilang minuto rin siyang nanatili sa bahay nina Kris bago siya nagpaalam sa mga ito. Masayang kausap ang ina ni Kris at likas na talaga sa ginang ang pagiging magiliw. Ayon kasi rito, wala silang anak na lalake kaya natutuwa ito kapag may mga kaibigang lalake ang mga anak nito, na napapasyal sa kanila.

"Huwag kang mahihiyang dumalaw rito hijo ha? Bukas ang pintuan ng bahay namin para sa iyo. Saka pagpasensiyahan mo na si Kris at may pinagdaraanan lang iyan. Pero mabait na bata naman ang anak naming iyon," nakangiting wika nito sa kaniya.

Ngumiti rin siya sa ina ng babae saka huminto nang nasa tapat na sila ng kaniyang sasakyan. "Maraming salamat din po sa warm welcome ninyo sa akin. Don't worry ma'am, naiintindihan ko naman po si Kris," aniya rito.

"Ma'am? Halos isang oras tayong magkausap sa loob ng bahay namin, ma'am pa rin? Tita Loida na lang ang itawag mo sa akin hijo. Alam mo, gusto kita. Nakikita ko kasi sa iyo na mabait kang bata. Sana mas magkalapit pa kayo ng anak ko," nakangiting turan nito sa kaniya.

"Hayaan niyo po tita, kapag po may pagkakataon dadalawin ko po ulit kayo." Binuksan na niya ang kaniyang sasakyan at kumaway sa ginang. "Thank you po ulit!" paalam pa niya rito.

Kumaway namang pabalik sa kaniya ang ginang at inihatid pa siya ng tanaw nito. Natutuwa siyang magaan ang loob sa kaniya ng ina ni Kris. Hindi niya akalain na ganoon kainit ang pagtanggap nito sa kaniya. Iyon nga lang, mukhang si Kris naman ang hindi komportable sa kaniyang presensiya. Hindi kasi ito umiimik kanina simula no'ng magmiryenda sila, hanggang no'ng magpaalam siya sa mga ito. Kung sana malaya lang ang babae.

Nakahinga nang maluwag si Kris nang ihatid ng kaniyang ina si Lester. Paano ba naman kasi, sa halos isang oras na pananatili nito sa bahay nila, wala ring tigil sa mabilis na pagkabog ang kaniyang puso. Hindi naman siya makapagpaalam sa mga itong magpapahinga na sa kaniyang kuwarto, dahil for some reason, tila nagugustuhan din niya ang presensiya ni Lester sa kanilang bahay.

"Anak, I like him!" Napalingon si Kris sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niya ang nakangiting mukha ng kaniyang ina habang nakahalukipkip ito sa kaniyang harapan.

"Ma..."

Lumapit ang kaniyang ina sa kinauupuan niya at hinaplos ang kaniyang buhok. "Anak, ang sabi ko lang — I like him. Hindi ko naman sinasabi sa iyong gustuhin mo rin siya." Huminga ito nang malalim saka hinawakan ang kaniyang kamay na nakapatong sa kaniyang kandungan. "Kris, I know how you feel. Pero it's been five years anak, isn't it time for you to let go of him? Anak, I hate to say this, pero kasi you have to accept the fact na hindi na babalik si Bryan. Kahit pa magluksa ka habang buhay, hindi na siya mabubuhay. You have to move on," malumanay na saad ng kaniyang ina.

Nangilid naman ang kaniyang luha ngunit agad din niyang pinahid iyon. Nangako kasi siya na hindi na siya iiyak pang muli sa pagkawala ni Bryan. Niyakap niya ang kaniyang ina at mabilis ding bumitiw pagkatapos.

"Ma, I'm okay. Maniwala man kayo sa hindi, okay lang po talaga ako. I'm trying to move on, and I promised Bryan that I will live a life without him. Mahirap pero kakayanin ko po," aniya sa ina.

"That's good anak. Don't worry, we're here for you. Gagabayan ka namin at tutulungang makapag-move on. Who knows, makatulong din sa iyo ang makahanap ng bagong kaibigan — kagaya ni Lester." Kitang-kita niya ang tila panunukso sa mga mata ng kaniyang ina habang binabanggit iyon sa kaniya. Mukhang nakuha na ni Lester ang loob ng kaniyang ina.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon