Nasira ang magandang mood ni Lester nang makita niyang hinahawakan ni Jayvoy si Kris. Gusto niyang sugurin ito at paglayuin ang dalawa kung hindi lang niya naisip na nasa barko sila at nagtatrabaho. Isa pa siya ang kapitan ng barkong iyon at nakahihiya naman kung siya pa ang mag-uumpisa ng away. Kaya imbes na lapitan ang dalawa, nagtungo na lang muna siya sa deck five upang bumili ng kape sa Cafe-Tea-rya.
Nang makabalik na siya sa bridge, hindi na niya nakita pa si Jayvoy roon at abala na rin si Kris sa pagche-check ng logs. Kaya naman nilapitan niya ito at inilapag ang kape sa ibabaw ng mesa nito. Pagkatapos, umalis din siya kaagad upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Aaminin niyang nagselos siya sa lalake kanina. Ayaw kasi niyang may ibang lalapit kay Kris lalo na ngayon na nag-level up na sila nito. Well, technically hindi pa naman sila, pero pasasaan ba at doon din ang punta nila?
At ngayon nga ay nasa Captain's office siya at hinihintay ang babae. Hindi rin kasi siya nakatiis at agad na tinawag ito sa bridge upang magtungo sa kaniyang opisina. Hindi siya mapapakali hangga't hindi niya nasasabi kay Kris ang kaniyang nararamdaman, kaya kakausapin na niya kaagad ito nang matapos na ang pagseselos niya.
"Captain..."
Mabilis niyang nalapitan si Kris na kapapasok lang sa kaniyang opisina, bago niya isinara ang pintuan. Walang sabi-sabing inangkin niya ang mga labi ng babae habang yakap-yakap ito. Dahil sa pagkabigla, saglit siya naitulak ni Kris pero hindi naman niya ito pinakawalan. Ipinagpatuloy lang niya ang paghalik sa mga labi nito hanggang sa tumugon na rin ito sa kaniya at gumanti ng pagkakayakap.
Kapwa sila hinihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi habang magkadikit ang kanilang mga noo. Pareho rin silang nakapikit at tila ninanamnam ang tamis ng katatapos lang nilang paghahalikan.
"I'm sorry," paanas niyang sambit kay Kris. "I'm not saying sorry for doing this, but I'm sorry for my behavior earlier."
Nagmulat naman si Kris saka idinistansiya ang mukha sa kaniya. Nagtitigan sila habang nakakunot ang noo ni Kris na nakatunghay sa kaniya. Tila naghihintay pa ito ng susunod niyang sasabihin ngunit wala na siyang ibang sinabi pa. Kaya naman ito na mismo ang nagtanong sa kaniya.
"Bakit nga ba bad mood ka kanina?"
"I was jealous," pag-amin niya rito.
"Jealous? Kanino at bakit?" kunot-noo namang usisa nito sa kaniya.
"Kanino pa ba? Look, ayaw ko lang naman na nakikitang hinahawakan ka ng iba," seryosong saad niya sa babae.
Nagningning naman ang mga mata ni Kris at tila nagpipigil itong mangiti sa kaniyang harapan. Kaya kinalas niya ang mga kamay na nakapulupot sa baywang ng babae saka akmang aalis sa harapan nito, ngunit lalo namang pinagsalikop ni Kris ang mga palad sa kaniyang batok at pilit na hinuhuli ang kaniyang mga mata.
"Captain, wala ka namang dapat ipagselos kay Jayvoy o kahit na kaninog lalake pa rito sa bridge, o sa buong barko dahil wala naman akong interest sa kanila. And isa pa, sino ba ang kasama ko kagabi sa loob ng iisang kuwarto at gumagawa ng milagro? At sino ba ang kasama ko ngayon at kahalikan kani-kanina lang?"
Doon naman siya napangiti at muling hinapit sa baywang si Kris. Tama naman ito, siya ang kasama ni Kris buong magdamag at ang kahalikan nito kani-kanina lang. Kaya bakit nga naman siya magseselos kay Jayvoy?
"A, basta! Hindi ka na puwedeng hawakan pa ng ibang lalake maliban sa akin, okay?" maotoridad niyang wika rito.
"Aye, aye, Captain!" tugon naman nito bago sila muling naghalikan ni Kris. Masayang masaya siya na ngayon ay kasama niya ang babae at nahahalikan at nayayakap pa niya ito. Malayong-malayo na ito sa Kris na iwas ng iwas sa kaniya nang mga nakaraang buwan.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
RomanceLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...