Chapter 6

162 2 0
                                    

Iyak nang iyak si Kris habang nakatitig sa wedding picture nila ni Bryan. Five years ago, masaya silang ikinasal ng lalakeng pinakamamahal. Walang salitang makapaglarawan ng kanilang kaligayahan. They've been together for three years before they decided to tie the knot. Naging maayos naman ang pagsasama nila hanggang sa isang araw ay kinailangan siyang iwan ng asawa. Masakit man, pero kailangan e.

Kaya heto siya ngayon, limang taon nang isini-celebrate ang kanilang wedding anniversary ng mag-isa. "Ang daya-daya mo naman e, five years wedding anniversary natin pero hindi ka man lang nagparamdam. Mahal mo pa ba ako? Baka naman may iba ka na riyan?" kausap niya sa larawan ng asawa, habang hinahaplos ang mukha nito sa frame.

Ilang minuto pa siyang nag-emote sa harapan ng larawan, bago niya maingat na ibinalik iyon sa lagayan saka nagpahid ng kaniyang mga luha. Tumayo na siya mula sa kaniyang kinauupuan at huminga nang malalim, bago naglakad na patungo sa banyo. Ngayong gabi, magbabad siya sa bar ng hotel na kinaroroonan niya para magpakalunod sa alak. Kagaya nang mga nakaraang taon, iinom siya hanggang malasing nang sa ganoon makalimutan niyang nag-iisa siya.

Agad siyang umorder ng wine sa bartender at pumuwesto sa isang sulok ng bar kung saan hindi masyadong pansinin. Pagkalagay ng server ng kaniyang order sa table, mabilis na niya iyong binuksan at sunod-sunod na nagsalin ng alak sa baso. Wala siyang kain ngayon kaya ang isang bote ng wine ay parang mabilis din ang tama sa kaniya. Nakatatlong bote na siya at medyo nangangapal na ang kaniyang pisngi. Mainit na rin ang kaniyang pakiramdam, pero hindi niya pinag-ukulan ng pansin iyon.

"Happy anniversary self! Sana sa susunod may kasama na tayong mag-celebrate," kausap niya sa kaniyang sarili saka tumawang mag-isa.

Tinungga niya ang kaniyang baso at doon napagtantong wala na pala iyong laman. Napilitan siyang tumayo sa kaniyang upuan at lumapit sa bar para um-order pa ng maiinom.

"One more bottle of wine please," aniya sa bartender saka ngumiti rito.

"Ma'am, lasing na po kayo. Pasensiya na po hindi ko na kayo puwedeng bigyan ng bote," magalang na tugon ng bartender sa kaniya.

"Shinong lasheng? Hikaw? Hindi pa akoh lasheng, kaya bigyan mo na ako ng wine. Magbabayad naman ako e, promish!" pamimilit niya sa lalake.

"Sorry po ma'am, pero hindi na po talaga puwede. Baka po ako naman ang mapagalitan," hinging paumanhin ng lalake.

Napahinga naman siya ng malalim saka tumalikod dito at sumandal sa counter. Ngunit ilang sandali lang ay muli niyang nilingon ito, dahilan para umikot ang kaniyang paningin. Napahawak siya sa kanyang ulo at napangiwing bumaling sa bartender.

"Isha lang talaga, last na!" aniya habang nakahawak ang isang kamay sa kaniyang ulo. Isang iling ang nakuha niya mula sa bartender at saka may kinawayan ito. Maya-maya lang ay may lumapit na sa kaniya at inalalayan siya sa braso.

"Kaya ko! Alis!" pagtataboy niya sa lalakeng lumapit sa kaniya. Ngunit hindi man lang ito tuminag upang umalis sa kaniyang tabi. "Ano pang ginagawa mo rito? Alis na! Kaya kong bumalik sa puwesto ko, saka may kasama ako. Hayun o! Nakikita mo iyong mukang tangang nasa sulok? Khasama ko iyon!"

Ang totoo hindi naman niya kilala kung sino ang lalakeng itinuro niya sa mamang nakatayo sa kaniyang tabi ngayon. Ginawa lang niya iyon para sana tantanan na siya nito. Ngunit hindi pa rin umalis ang lalake sa kaniyang tabi. Kaya naman tumayo siya at naglakad patungo sa kinaroroonan ng lalake.

"See? Kaya ko pang maglakad 'di ba?" sabi pa niya rito kahit na pagewang-gewang na ang paglalakad niya. Napangiti na lang siya nang hindi na siya sinundan pa ng lalake.

"Ehehehe, napakapalad mo naman Kris. May alak ang mamang ito, puwede naman sigurong makahingi," sabi niya sa kaniyang sarili saka inagaw ang bote sa kamay ng lalake.

Captain Lester - The Captain of the SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon