Nakangiti si Lester at nakakagat labing iniisip ang muntikan na nilang paghahalikan ni Kris. Kung hindi lang sana dumating si Ahmad — o kahit hindi na lang sana ito umimik, baka sakaling natuloy ang kanilang paghahalikan. Kaso, maging ang matandang sailor ay nagulat din sa nadatnang eksena nito sa labas mismo ng pintuan ng bridge.
Pasandal na naupo si Lester sa kaniyang swivel chair habang nilalaro ang mga daliri sa kamay. Hindi mawala sa isip niya ang mala-cherry sa pulang mga labi ni Kris. Lalo tuloy siyang nanggigil na matikmang muli ang mga labi nito. Pero paano, kung ang namumukod tangi sanang paraan para mahagkan ito ay naudlot pa kanina?
"Captain, the port agent is looking for you." Naputol ang pangangarap ni Lester nang marinig niya ang tinig ni Iulian — ang kaniyang second officer. May dala itong clip board at mukhang kagagaling lang nito sa inspection base sa suot nitong puting cover all. Pawisan rin ang mukha nito at namumula ang balat, indikasyong galing ito sa arawan.
"Thank you Iulian (Julian). Please send him in," mabilis niyang tugon dito matapos niyang sipatin ang oras sa kaniyang relong pambisig.
"Yes, Captain!" anito saka iminuwestrang papasok ang port agent.
"Good afternoon, Captain!" Sumaludo pa ang port agent nang makapasok na ito sa kaniyang opisina.
Tumayo naman siya at inabot ang kamay ng port gaent upang kamayan ito. Tila may pagtataka pa sa mukha nito na siya ang kaharap nito ngayon. "Oh, I'm sorry. Captain Nikos just left the ship few hours ago. The other port agent sent him to the airport," paliwanag niya sa lalake. "I'm Captain Lester by the way."
"Oh, I see. That's why I saw a younger and more handsome Captain," nakangising saad nito sa kaniya. "Anyway, I'm here to pick up the package that the other Captain wants to send to your sister ship."
Hindi naibilin sa kaniya ni Captain Nikos ang tungkol doon, kaya wala siyang idea sa pinagsasasabi ng port agent sa kaniya.
"Hmmm, I think I need to ask someone to check that for you. Just give me a second," tugon niya rito saka inangat ang oditibo ng telepono saka tumawag sa bridge. "Hello, please, can you check if Captain Nikos left a package for the other ship? The port agent was looking for it. Yes, he's here in my office. Okay, thank you!"
"Please have a seat. One of my officer is looking for it," nakangiti niyang turan sa lalake saka iminuwestrang maupo ito sa upuang nasa harapan ng kaniyang mesa.
Hindi naman naghintay ng matagal ang lalake dahil ilang sandali lang ay narinig na niya ang mahinang katok mula sa pintuan ng kaniyang opisina. Agad na sumaya ang kaniyang puso nang mabungaran niya si Kris na bitbit ang isang maliit na box.
"C-Captain, here's the package for the other ship," nauutal pang saad nito sa kaniya.
"Come in, Kris."
Pumasok naman ito at saka iniabot sa port agent ang box na ipapadala nila sa ibang barko.
"Oops! This is a little bit heavy. I thought it's light, because the way you carry it — you're like carrying a paper," amazed na wika ng port agent.
Ngumiti lang si Kris saka bumaling sa kaniya. "I'll go ahead."
"Stay." Mabilis niyang pigil dito. "Thank you, Manuel. Please let me know if you need something else from our side before the ship sail," nakangiti niyang pahayag sa lalake.
"Not a problem! I'll speak with your Crew Admin and Documentation officer about the departure papers." Kumindat pa ito saka nagpaalam sa kanila.
Nang makaalis na ang port agent ay saka naman niya hinarap si Kris. Tumayo siya mula sa kaniyang upuan at nakapamulsang nilapitan ito. Tila naman naging mailap si Kris at napaatras ito habang nakatingin sa kaniya. Bawat hakbang niyang papalapit sa babae ay siya namang atras nito.
BINABASA MO ANG
Captain Lester - The Captain of the Sea
Storie d'amoreLumaki si Lester na kulang sa pagmamahal at atensiyon ng kaniyang mga magulang. Kaya nang makilala niya si Leslie Ann, inakala niyang ito na ang babaeng magpupuno sa pagmamahal at atensiyon na matagal na niyang ninanais. Ngunit nagkamali siya, dahil...