REINA JOY
"And that's the difference between Qualitative and Quantitative research."
Nagkatinginan kami ni Carlo.
Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, tinawanan kami ni Quintin at pinagkrus ang braso niya. Gaging tawa yan! kita yung dimples niya! Ang lalim pa! punyetang igit!
"May natutunan ba kayo-"
"WALA PO!"
Tumawa ulit si Quintin at binigay ang notes kay Franco— Wait, Kay FRANCO!?
"Explain to them."
Tumango si Franco at tumayo sa upuan niya, tumabi si Quintin sa akin at hinila yung mga tissue sa ilong namin ni Carlo.
"Pasensya na, hindi kasi ako magaling mag-explain in Tagalog"
"Nako! Okay lang!"
"Then, bakit kayo may tissue sa ilong?"
"AH!"
Bakit nga ba?
"Sinisipon kasi si Carlo! Tas tumutulo ang sipon niya kaya naisipan niyang lagyan ng tissue hehehe. Nakikigaya lang ako hehehe diba?" Kunot-noo akong tiningnan ni Carlo kaya nginitian ko siya.
Dahan-dahan siyang tumango at tumingin kay Quintin. "Oo! achoo ahh! covid!"
Faceplam.
"Uminom ka ba ng gamot? Bakit ka pumasok kung may sipon ka pala?" Binatukan ni Quintin si Carlo and since nasa gitna ako ng dalawang 'to. Amoy na amoy ko yung pabango ni Quintin. Bench bes! Ang bangoo!
Napailing ako at nakinig na lang kay Franco.
Mabuti na lang pala at siya yung pinasahan ni Quintin kasi myghad! Ang talas niya magsalita! Ibang-iba sa scores niya tuwing quiz namin!
May tinatago palang galing si Franco? No wonder kung bakit parati siyang nanalo pag nagbabangayan sila ni Dean.
He already knows what Dean would reply kaya inuunahan na niya.
Like, woah! Franco Miguel has this kind of talent.
Ang galing. Sarap i-sako.
Nag Take-down notes ako sa mga sinasabi ni Franco and katulad ni Quintin, may pasulat-sulat sa board pa siyang nalalaman kahit sulat doctor yung kanya.
Apaka feeling.
Napatingala ako kay Mara nang may iniabot siya sa akin na kit-kat.
"Gusto mo chocolate?"
"Oy! Favorite ko too! Salamat!"
"Penge ako, Ren!"
"Yoko nga! Bumili ka."
"Apaka damot mo! pag ikaw nabilaukan-"
"Ano?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Lumayo ka nga! Kinikilig ako sa ginagawa mo! Syempre ibibili kita ng tubig! Hehehe"
Good!
Lumayo ako ng konti sa kanya at ngumiti ng malapad. Tuwing kakain ako, inaabot niya yung kamay niya pero nakatingin siya sa malayo kaya binibigyan ko nalang. Parang bata eh! Kala mo mas bata sa akin! eh mas matanda kaya yan sa'kin....
....Ng isang taon...
"Ansarap no?" tanong nito sa akin.
"Oo, masarap pag binigay ng libre. No?"
"OO! GRABE!" Inirapan ko siya at baka mabatukan ko pa sa kapal ng mukha niya.
We are drinking water nang mag rally ang Class Zero sa loob ng classroom.

BINABASA MO ANG
Hi Flower
Teen FictionShe was a typical young lady, endowed with a lovely face and a charming personality. She had been living a normal life since she was a child. She receives a lot of compliments because of her unchanging natural beauty, which gives birth to insecurity...