Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang larawan namin ni Judd. Maganda ang ngiti na nakapaskil sa aking mga labi habang may nakasimangot na mukha naman ang aking asawa.
Sabagay, kahit papaano ay ginusto n'ya rin naman ito, pero hindi naman n'ya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan n'ya sa puder ng kanyang asawa.
"Kamusta ang trabaho?" Bungad na tanong ko ng pumasok ito sa loob ng kwarto namin, hindi ito umimik bagkus ay tiningnan lamang ako nito ng masama. Nasupil ko naman ang aking bibig at mas piniling h'wag na lamang umimik.
Mapakla akong napangiti ng padabog niyang isinarado ang pinto at narinig ko ang tunog ng kanyang sasakyan kaya agad naman akong nagtungo sa bintana at tinanaw ang papaalis niyang sasakyan kung saan siya ay lulan noon.
Ganun naman sadya eh, diba? Mag ta'take risk tayo para sa taong mahal natin dahil sa kagustuhan na ipanalo ang pagmamahal na yun, pero darating din sa punto na mag fa'failed tayo.
Na kahit alam natin sa sarili natin na umpisa pa lang talo na, pero sinubukan pa rin natin.
Sabi pa nga ng iba atleast wala sa atin ang pagkukulang. At least sinubukan natin and if the time comes for someone to repent,
it will not be us kung hindi yun 'yong tao na ni'reject tayo at hindi tinanggap.
Hindi ko rin talaga inaasahan na sa araw na yun ay mababago lahat pati na ang pakikitungo niya sa akin. Itinago ko sa loob ng ilang taon ang nararamdaman ko, iningatan para huwag lamang mabuko, para hindi na rin masira ang pagkakaibigan namin and doing my part as his best friend yun pala ang magiging dahilan para tuluyan ng mabago ang pagkakaibigan namin.
Siguro hindi ako nagsisisi sa part na sinabi ko sa kanya ang totoo, ang gawin ang part ko bilang kaibigan niya ay mali pa rin pala ako.
Sobra akong nagsisi dahil hindi man lang ako nag isip sa kung anong pwedeng mangyari o kahihinatnan ng lahat. That's how I am.
Kaya heto ang ending ko, isang alila. Alila sa loob ng pitong taon, pinandidirihan ng sariling kaibigan, ng sariling asawa na akala mo'y may napaka lubhang sakit.
I ended up being his secret wife.
Isang malakas naman na kalampag mula sa baba ang aking narinig habang ako'y nagtatahi ng isang maliit na damit. Agad akong bumaba at naabutan ko doon si Judd na nakahiga sa sala habang walang saplot ang kanyang pang itaas.
Mukang lasing na naman ito kaya agad naman akong kumuha ng bimpo at plangganita na may lamang maligamgam na tubig. Pinunasan ko ang katawan niya at pinalitan ng bagong damit, tinagtag ko na rin ang sapatos at medyos nito bago napagpasyahan ang umakyat sa taas at ikuha siya ng kumot.
"Kas. Kass. Kassy." Napakagat labi ako sa narinig. Mahal na mahal pa rin n'ya si Kassy kahit ako na ang asawa niya sa loob ng ilang taon.
Ibinuka ko ang kumot at kinumutan s'ya. Mahimbing na ito ngayon na natutulog, umupo ako saglit sa tapat niya at pinakatitigang mabuti ang kanyang mukha. Napakaamo 'non at masasabi ko na perpekto ang kabuuan ng mukha nito.
Tumayo na ako at umalis bago napagpasyahan ng matulog na may takas na namang luha sa aking mga mata.
-------
"Where's my food." Napatalon ako ng biglang may magsalita sa likod
ko at pabagsak na iniipod ang upuan.
"Wait, patapos na." Mahinang sagot ko at hindi na nag abala na lingunin 'to.
"Make it fast, sa susunod kasi gumising ka ng maaga. Sinasayang mo ang oras ko." Gusto ko pa sanang sagutin siya pero pinigil ko ang sarili, bukod sa katanghaliang tapat ayoko na muna ng away, dahil halos araw-araw na lang ay nagtatalo kami. Pakiramdam ko konti na lang ay itatapon na niya ako sa kung saan malayo sa kanya upang hindi na niya ako makita.
BINABASA MO ANG
BS 01: The Billionaire's Wedding Plan
Roman d'amourBILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend named Kassy Tolentino which also famous in industry. Lahat ng kalalakihan ay hinahangad ito kaya gra...