CHAPTER 11

115 3 0
                                    

     Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame. Bukas na ang uwi ni Judd pero hindi ko parin alam kung paano aakto sa harap nito. Gusto kong umiwas at h'wag itong kausapin pero hindi ko alam kung paano. Iniisip ko pa lang na magmukmok na lang sa kwarto habang nandito siya ay alam ko na hindi naman maari ayon.

Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit niya ginawa 'yon. Bakit sila magkasama ni Kassy? Yon ba ang importante niyang gagawin? Kaya halos hindi tumawag o magparamdam man lang?

I heard a knock on the door and I opened it. Bumungad sa akin si Nay Loleng na may simpleng ngiti sa kanyang mga labi.

Nanay Loleng know everything at siya lang ang nasandalan ko sa araw at oras na idinaan ko lamang sa pag iyak ang sakit at galit na nararamdaman ko. Ang hirap mag move-on dahil sa aking nakita. Gusto kong humanap ng paliwanag at dahilan pero wala akong makita. Gusto kong marinig ang side niya pero bakit parang natatakot ako na alamin pa 'yon?

Hindi pa rin ako nawawalan nang pag-asa hangga't hindi ang sariling mata ang nakakakita ng katotohanan. Siguro may tao lamang na gustong manira sa kanya kaya ito ipinadala sa akin and knowing na kung sino man yun ay bakit gagawin ito ni Justine kay Judd?

Ngunit ang litrato na 'yon ay parang gusto akong gisingin sa katotohanan pero mas pipiliin ko na masaksihan ang bagay na aking kinakatakutan bago ko paniwalaan.

"Mamamalengke na ako iha, ayaw mo ba talagang sumama?" Tanong muli nito akin.

Kanina pa niya akong umaga na niyayaya pero tumanggi lamang ako dito. Siguro gusto lamang ako nito na malibang dahil sa mga nangyari at aking nalaman.

Sobra akong nagpapasalamat kasi laging nakaalalay si nanay sa akin at kung hindi man siguro ay nabaliw na ako sa malaking pamamahay na ito ni Judd. Mabuti na lang din at dumating si nanay Loleng sa bahay na ito kaya't malaking tulong na rin sa akin.

"Sige na nga po, mag bibihis lamang ako." Sagot ko at nakita ko ang pag silay ng isang magaan na ngiti mula sa labi ng matanda.

"Ay sya sige, hihintayin na kita sa baba." Sabi nito at tumango naman ako bago muling isinara ang pinto.

Huminga ako ng malalim at nag lakad palapit sa mawalak na salamin.

Maganda naman ako, pero hindi ko na matatawag na sexy dahil sa kaunting umbok ng aking tiyan.

Makakaya ko ba na magtiis para sa magiging anak namin?

Ngayon pa lang napapanghinaan na ako ng loob na sabihin ito kay Judd. Napaisip ako sa sinabi ni Nanay na sabihin kay Judd ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Sumang ayon naman ako pero parang hanggang ngayon ay nag dadalawang isip pa rin ako kung sasabihin ko ba talaga o hindi na. Ngunit hanggang kailan ko naman ito maitatago?

Napabuntong hininga ako sa naisip at iwinakli ayon upang makapag gayak na.

Napagpasyahan ko na mag suot ng malaki na t-shirts yung hindi mahahalata ang aking umbok na tiyan bago nag leggings.

I put it on my shoulder bag and placed my phone there with my credit.

Not actually mine dahil kay Judd ito.

Kulang nalang ay hindi ko na makilala ang pera dahil sa loob ng pitong taon ay card nito ang ginagamit ko. Nakalagay lang sa wallet ko dahil napakadalang o nabibilang sa mga daliri ang araw na inilabas ko simula noong makasal kami.

Naabutan ko si Nay Loleng sa may sala na nakaupo habang naghihintay sa akin.

Siguro mababaliw ako rito sa bahay kung hindi dumating dito si Nanay. Napailing ako sa naiisip at huminga ng malalim.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon