CHAPTER 23

88 3 0
                                    

     "Christine?" Tanong ko ng mapagsino ang kasama ni Justine.

"H-Hi Sammy!" Bati niya sa akin. Napilitan naman akong ngumiti bago ibinaling ang mga mata kay Justine.

"Bakit kayo magkasama?" Hindi naman maiwasan na tanong sa kanila.

"A-Ah ano kasi, nagkasalubong lang kami kanina then naulit niya na pupunta siya sayo kaya sumama na rin ako." Halata ang pagkailang sa sagot ni Christine. Narinig naman nila ang munting hagikhik ni Justine habang may masamang tingin na binabato naman si Christine dito.

"Ganon?" Tanong ko pa na kahit ako ay hindi naman naniniwala dito. I think may mas malalim pa na dahilan kung bakit sila magkasama base na rin sa pagkautal ni Christine at ang pamumula ng pisngi nito. Kilala ko ang babae na ito sa ganitong usapan, kaya malabo na nagkataon lamang na magkasama sila ngayon.

"Teka saan ka ba kasi pupunta?" Tanong sa kanya ni Justine. Naglakad sila palapit sa sasakyan ni Justine at doon siya pumwesto sa may backseat, si Christine sa passenger seat at si Justine sa driver seat syempre.

"Sa mall. Gusto ko lang mag-uli kahit saglit. Masyado na akong naboboard sa bahay na 'yon pakiramdam ko rin na konti na lang ay mababaliw na ako." Mahaba ko namang paliwanag.

Napansin ko naman na maigi akong tinitingnan ni Christine sa maliit na salamin sa harap.

"Pero lagi kang mag iingat, Sam." Paalala sa kanya ni Christine.

"I know." Tipid ko naman na sagot at umayos na ng pagkakaupo. Naging tahimik ang aming byahe hanggang sa makarating kami sa pinaka malapit na mall. Inalalayan naman ako ng dalawa na makababa ng saksakyan kaya di naman maiwasan na mapangiti. Parang noong huli naming pagkikita na Christine ay hindi kami okay pero ngayon ay parang wala naman nangyari at wala akong dapat ikagalit sa kanya dahil siya rin ay nawalan dahil sa pagkawala ng Daddy nila ni Judd.

"Kain muna tayo sa inasal, nagugutom na kasi ako." Reklamo ni Justine. Parang napansin ko naman ang pag-irap ng mat ani Christine na agad namang napalingon sa akin bago ngumiti.

Kung ibang tao siguro iisipin na may something sa dalawa base sa kanilang ina-asta.

"Hindi mo ba kami dadalhin man lang sa mamahalin na restaurant?" Tanong ko ngunit umiling naman ito.

"Kuripot yan eh." Sambit naman ni Christine.

Katahimikan ulit ang bumalot sa aming tatlo hanggang sa makarating kami sa fast-food chain dito sa loob ng mall. Unli rice ang inorder ni Justine para sa aming tatlo at masasabi ko na sulit talaga ang pagkain na 'yon.

NAKATINGIN ako sa aking sariling reflection habang pinakatititigan ang sarili sa malaking salamin dito sa loob ng mall.

"Are you okay?" Tanong lang ng bagong pasok na si Christine.

"Yes. I'm okay." Mahina na sagot ko. "I'm sorry too, kung nagging mainit man ang ulo ko noong mga nakaraan na araw at may mga binitawan ako na salita na hindi maganda sa pandinig." Mahaba ko pang paliwanag.

"Nahh, it's okay. Hindi na big deal sa akin 'yon. Expected na rin dahil sa mga nangyayari sa buhay at pagitan n'yo ni Kuya Judd." Sagod n'ya at ngumiti ng malawak sa harapan ng salamin bago ako nilingon.

"I'm sorry kung ngayon ko lang din nalaman ang tungkol sa daddy n'yo." Natigilan si Christine sa paghuhugas ng kanyang kamay at pinatay ang tubig.

"Wala kang kasalanan." Sagot n'ya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata mula sa malawak na salamin. "Let's go, baka naiinip na si Justine kakahintay. Kilala mo naman 'yon." Pag-iiba n'ya sa usapan bago naglakad na ito palabas ng banyo.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon