CHAPTER 10

138 3 0
                                    

     Matiim na tinitigan ang enveloped na hawak, nagtataka man sa pagtawag ni Judd at sa agaran nitong pagkaalam tungkol sa envelope ay hindi maiwasan ang pagbabara ng kung ano sa aking lalamunan. Parang mayroon akong hindi na lalaman tungkol doon, parang may mali sa iniakto ng kanyang asawa. Inuli ko ang mata sa apat na sulok ng sala at may hinanap. Marahan akong tumayo habang nagmamasid.

Isip ko lang ba talaga ang nagiisip noon o sadyang tama lang ang kutob ko?

Umiling ako ng bahagya at hinilot ang sintido. Imposible, napaka imposible na maglagay ito ng CCTV Camera sa loob ng bahay. Pero bakit naman niya gagawin 'yon? May tiwala naman siya siguro sa akin para magkabit ito noon gayong hindi na naman ako malimit lumabas ng bahay o dahil lang ba talaga doon?

Muli akong umupo at sinulyapan ang cellphone dahil tumunog ayon, message from Judd. 'I'm sorry kung nasigawan kita. I love you.' Naguguluhan man ay may sumilay na ngiti sa aking labi. Hindi ko yun nireplyan at ibinaba na ang cellphone sa mesa. Nawala na ang iniisip at napalitan ng ngiti sa labi, marahil ay i tinext ito ni Justine kaya nalaman ni Judd ang tungkol sa envelope. Oo ganon na nga. Pangungumbinsi sa sarili.

Binitbit ko ang enveloped at nagtungo sa kwarto. Ipinatong ko ito sa side table at pabagsak na humiga ngunit may pag iingat na nahiga. Pinatong ang kamay sa tiyan, I can't wait. Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon ni Judd, tiyak matutuwa ito. Pero ang hintayin ito araw-araw ay parang kay tagal. Daig pang taon ang ang ginugugol bako ko siya makasama, miss ko lang siguro siya kaya ganito ang aking nararamdaman.

Siguro ito na talaga ang tamang panahon para sa aming dalawa, ang magkaroon ng masaya at maayos na pamilya. Pero magiging maayos nga ba? Kung andyan si Kassy sa paligid at nagbitaw ng salita na pwedeng doble ang kahulugan. H'wag naman sana.

Kakaisip pa sa kung ano-anong bagay ay maaga akong nilamon ng dilim at nakatulog.

"Sam, sino yun?" Judd asked me.

"Manliligaw." May ngiti ko na sagot at nakita ko ang pag dilim ng awra nito.

"Reject him." Napamaang ako sa sinabi nito bago tinawanan ang huli.

"Ayaw mo noon, mag kaka-boyfriend na ang kaibigan mo? Napag iiwanan mo na kasi ako." Sabi ko rito na ikinailing niya.

Tumalikod ito sa gawi ko bago nagsalita.

"Huwag mong hintayin na magalit ako at hindi ka kausapin Samantha. Sasagutin mo siya o ako ang mawawala sayo."

Nagising ako dahil sa kaluskos na naririnig mula sa labas ng pintuan, panaginip lang pala pero nangyati na ito sa nakaraan. Nabungaran ko sa may pinto na nakatayo si Nanay Loleng may hawak ng susi at bakas ang pag aalala sa mga mata.

"Bakit po nay?" Tanong ko rito ngunit pilit itong ngumiti sa akin at umiling.

"Kanina pa kasi kitang tinatawag kaso hindi ka nasagot." Sagot naman ng matanda kaya hindi maiwasan na makonsensya dahil sa nangyari.

"Pasensya na po, Nay. Napasarap lamang po sa tulog, anong oras na po ba?" Tanong kong muli.

"Alas nuebe na ng gabi hija, at nalipasan ka na naman sa pagkain. Masama sa baby yun hija." Sagot nito at ramdam ko pa rin ang bawat paghinga nito ng malalim.

"Ayos, lamang po ba kayo Nay?" Paninigurado na tanong ko pa rito at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.

"Ayos lang ako anak. Siya sige, bumaba kana at ipaghahayen kita." Sabi nito bago ito tumalikod at bumaba ng hagdan.

Nagkibit balikat ako sa kaba na nararamdaman at sumunod na sa matanda papuntang kusina. Nahihiya tuloy ako sa kapalpakan kung bakit napahimbing ang aking tulog at hindi agad nagising sa tawag ni nanay.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon