CHAPTER 9

113 3 0
                                    

     "Congratulations Mrs. Harrison, you are three months pregnant."

Ang tuwa at galak ay walang paglagyan sa puso ko. Ito na ang pinakamagandang salita na narinig ko sa buong buhay ko. I told Nanay Loleng na huwag munang ulitin ito kay Judd, dahil gusto ko na ako mismo ang magsasabi ng tungkol dito. Natitiyak ko na matutuwa ito kapag nalaman niya na buntis ako at magiging ama na siya. Heto rin naman kasi ang kagustuhan ni Judd para sa amin.

Hindi mapalis ang ngiti sa labi ko habang nagluluto ng pancake, itlog, hotdog at bacon. Basta noong malaman kung buntis ako, nahiligan ko na ang pag gising sa umaga at ipagluto ng agahan si Judd. Masyado lang kasi akong natutuwa dahil sa mga nangyayari na maganda sa amin ngayon ng asawa ko.

"You preceded me in cooking, wifey." A husky voice filled my ears, at naramdaman ko ang pagyakap nito sa likudan ko.

"Dapat lang naman na ako ang gumagawa nito." Sagot ko dito bago humarap sa kanya at ninakawan ng halik ang malalambot niyang labi.

"More." Paguutos pa n'ya, kaya pinaulanan ko ng halik ang buong mukha niya na ikinatawa naman nito. Pinatay ko muna ang apoy ng kalan bago muling humarap kay Judd.

Hindi ko rin naman maiwasan ang mapahagikhik dahil sa lakas at ganda ng pagtawa nito na akala mo'y musika sa aking pandinig.

Hindi ko inakala na magiging ganito kami kasaya, walang iniisip na problema. Ang bahay na noon ay puno lamang ng sigawan at away sa araw-araw ay nakulayan ng pagmamahal.

"I love you." I said and he smiled widely.

Iniisip ko minsan kung may pagkaisip bata ba talaga si Judd o sadyang hindi ko lang ito napansin sa kanya noon.

Napailing nalang ako sa naiisip.

"I love you too, Sam." Natigilan ako sa narinig.

Hindi ko inasahan na sasagutin nito ang sinabi ko. Finally, sa ilang buwan na paghihintay. Mahal niya na rin ako.

Hindi maiwasan na hindi mapaluha sa narinig. He planted my cheeks a soft kissed at isinunod ang labi ko. Hindi magkamayaw sa pag agos ang aking luha. OA man, pero anong magagawa ko. Heto yung matagal ko ng hinintay mula sa kanya. Yung marinig na salita at makita sa buka ng mga bibig niya na mahal niya rin ako. It was as if something wanted to explode inside me with Judd's answer.

"Shhh, don't cry okay." Pag-aalo pa nito sa akin, niyakap ko siya ng buong higpit at isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Nang matapos ang mga kadramahan ko, ay sabay kaming kumain ni Judd at ngayon ay nakaupo kami dito sa sala habang nanunood ng tv. Ngiti pa ito ng ngiti sa akin dahil siguro sa pag iyak ko kanina sa kanya, pinagtatawanan niya ako dahil sa biglaang pag iyak ko ng banggitin niya ang salita na ayon.

Nakakahiya tuloy parang ang sarap nalang magpalamon sa buwaya.

"Stop laughing, hindi kana nakakatuwa." Naiinis kung sambit dito. Kanina pa kasi ito tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa sa aming pinapanood.

"Ako?" Maang-maangan na tanong n'ya bago umayos ng upo at may supil na mga ngiti sa labi.

"Eh, sino pa?" Tanong ko.

"You are not like that, Wifey."

"Don't call me, Wifey."

"Why?" He asked.

"Basta ayoko." I answered tsaka naman binuntunan ni Judd ng tawa ang sinabi ko. Kakainis na talaga!

"I knew it." Natatawa na ani nito.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon