CHAPTER 21

85 2 0
                                    

     Hanggang sa matapos silang kumain ay wala ni isa ang may gustong umimik. Panakaw-nakaw naman s'ya ng tingin sa lalaki na seryosong kumakain. Nakatutok lamang ito sa pagkain na nasa harapan n'ya at hindi man lang ito tumitingin sa kanya kaya pakiramdam n'ya na wala na talaga s'ya para rito.

"A-Ah, mommy Jasmin. Saan po ako pwede magpahinga?" Tanong n'ya sa ina ni Judd at magaan ang mga tingin na lumingon ito sa kanya.

Parang pakiramdam n'ya ay may gustong sabihin ang mommy Jasmin n'ya na hindi n'ya matukoy kung ano 'yon.

"Ah, okay iha. Halika ituturo ko sa'yo." Wika nito sa kanya at tumayo ito na agad naman s'yang tumayo rin upang sumunod sa sa ginang.

Dinala s'ya nito sa isang malawak na kwarto at kong hindi s'ya nagkakamali ay kay Judd itong kwarto.

"Hindi po ba dapat sa guestroom na lang ako?" Tanong n'ya sa ginang at binigyan s'ya nito ng isang tipid na ngiti.

"You can sleep here. Magpahinga ka na at pagkagising mo ay marami pa tayong pag kukwentuhan." May lungkot sa mga mata na saad ng kanyang mommy Jasmin. Napalingon s'ya ng biglang hawakan nito ang kamay n'ya. "Trust my son, hija. Trust him." Isang magaan na namang ngiti ang kumawala sa labi ng ginang.

Makikita sa mga mata nito ang pagod at lungkot.

Gusto n'ya pa sanang magtanong ngunit mas pinanatili n'ya ang tumahimik na lang. Hindi na rin s'ya nagreklamo kahit kwarto ni Judd ang pinagdalhan sa kanya ng kanyang mommy Jasmin.

Nang makaalis ang ginang ay binuksan n'ya ang pintuan ng kwarto at hindi maiwasan ang maluha. Bumungad sa kanya ang amo'y pabango ni Judd, napaka manly ng amoy kaya walang nagawa si Sam kundi ang punasan ang ilang butil ng luha na kumakawala sa mga mata n'ya.

Ipinatong n'ya ang di kalakihan na bag na dala nito na naglalaman ng ilang gamit. Nagtungo s'ya sa closet dahil nag babaka sakali na may kaunting space pa doon ngunit hindi n'ya akalain ang makikita. Sa pintuan ng closet sa likod noon ay maraming larawan nila ang nandoon noong magkaibigan pa silang dalawa.

Agad n'yang isinara ang closet ng makarinig s'ya ng ilang katok sa pintuan at hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya doon si Judd na printeng nakatayo, may malalim na titig na ibinabato sa kanya, pakiramdam niya ay hinahalungkat nito ang buo niyang pagkatao at hinuhubaran sa paraan ng kanyang tingin.

"B-Bakit?" Utal na tanong n'ya rito. Judd gritten his teeth at bahagyang itinulak ang pintuan bago naglakad palapit sa kanyang pwesto.

Sinundan n'ya ito ng tingin at nakita n'ya na pabagsak itong humiga ng kama.

Binalot ng buong katahimikan ang silid, tanging paghinga lang at ang malakas na tibok ng puso ni Samantha ang naririnig n'ya.

"D-Dito kasi ako dinala ng mommy Jasmin, lilipat na lang ako sa guestroom." Basag n'ya sa katahimikan.

Nakita pa n'ya ang pag galaw ng adams apple nito at lumakad palapit sa kama upang kuhanin ang bag na dala kanina.

Habang hawak ang bag ay may pumigil sa mga kamay ko at ng lingunin n'ya 'yon ay tiim ng nakatingin sa kanya si Judd, bakas rin sa mga mata nito ang pagod kaya hindi ko maiwasan ang mag alala.

Naalala n'ya pa ang sinabi ng kanya ina, na ginagawa ito ni Judd para sa kanya at sa magiging anak nila.

Marahan naman na tinapik ni Judd ang higaan na bakante. Hindi na s'ya nag dalawang isip at agad siyang tumabi rito.

NARAMDAMAN nito ang mainit na yakap ni Judd mula sa likuran n'ya. Hinaplos nito ang kamay na nakapatong sa umbok n'yang tiyan at napangiti. Mas isinubsub pa ni Judd ang mukha sa leeg n'ya kaya agad ng nagkibutan ang paru-paro sa kanyang tiyan.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon