CHAPTER 49

56 1 0
                                    

     Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Judd na ngayon ay maganang kumakain dito sa kusina.

Masasabi ko na halos nakuha lahat ni Shayla sa kanya kahit ang nagdala sa loob ng ilang buwan lamang.

"Tigilan mo nga ayan!" Suway ko kay Judd ng dilaan nito ang kutsara.

Para tuloy nagsi-akyatan na sa buo kung mukha ang aking dugo dahil pakiramdam ko ang pag-init ng aking pisngi na tiyak kung namumula na at daig pang kamatis.

"Alin?" Patay malisya na tanong niya sa akin. Napairap na lang ako bago tumayo at hinanggit ang kutsara niyang hawak tsaka nilagay sa lababo. Kumuha naman ako ng baso at tubig sa ref na siya ko namang binigay kay Judd.

"Matutulog na ako, dyan ka nalang matulog sa sofa." Sabi ko pa at hindi naman ito umimik kaya nilagpasan ko na lang at umakyat ako sa sariling kwarto upang ikuha siya ng kumot.

Halos mapatalon naman ako ng biglang magsara ang pintuan at nakita ko doon si Judd na nakatayo. May ngiti na naman sa labi habang naglalakad palapit at nahiga sa kama.

"Ang sabi ko doon ka sa sofa sa baba matutulog. Hindi dito." Sabi ko at ibinato sa kanya ang kumot.

Ngunit mas nabuhay ang inis sa dibdib ko ng umupo lang ito at tinagtag ang kanyang sapatos bago muling nahiga.

Tumagilid pa si Judd at iniunan ang kanyang ulo sa palad habang ang siko ay nakatuon sa kama.

"Dito ka sa tabi ko." Sabi ni Judd at bahagya pang tinapik ang tabi niya.

"Bumaba kana." May diin ko na sabi ngunit halos takasan ako ng loob at mabilis niya akong hinila sa palapulsuhan.

Natumba naman ako sa kanyang ibabaw habang si Judd ay may ngiti sa kanyang mga labi. Niyakap pa ako nito ng may katamtamang higpit kaya halos mapasubsob ako sa kanyang dibdib, itinagilid ko na lang ang ulo ko pakanan para naman makahinga pa ng maayos.

"Ibaba mo na ako, oo na tatabi ako sayo." Naiinis na sabi ko.

"Did you hear it?" Tanong niya sa akin.

Binalot naman ng katahimikan ang kabuuan ng silid. Ngayon alam ko na kung ano ang tinutukoy niya, walang iba kundi ang malakas na pagtibok ng puso niya na akala mo'y musika sa isang bar at walang tigil ang tugtugan.

"Lakas pa rin ng epekto mo." Usal ni Judd kasabay naman noon ang nalakas rin ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako umimik bagkus patuloy lang na pinakinggan ang malakas na tibok na puso ni Judd. "I'm sorry kung hanggang ngayon nakakasama ko pa rin siya. Naaawa na lang ako sa kalagayan niya pero wala namang namamagitan sa aming dalawa." Nagulat ako sa sunod na sinabi nito.

Hindi ko naman inakala na mag oopen siya sa akin ng tungkol sa kanila ni Kassy. "Kaya huwag ka ng mag selos." Napaangat naman ako sa sinabi pa ni Judd at sinamaan siya ng tingin.

"Sinong may sabi na nagseselos ako?" Matapang na tanong ko habang nasa ibabaw pa rin niya. "Kahit magsama pa kayo habang buhay wala akong pakialam." Sunod na sabi ko at mabilis na umalis sa ibabaw niya bago lumipat lang sa tabi nito.

Ngayon ay nakatihaya kami at parehong nakatingin lamang sa kisame.

"She has a brain tumor, may taning na ang buhay niya." Bumakat ang gitla sa aking mukha at hindi ko napigilan na siya ay lingunin.

Tumagilid ako at dahil hindi mapakali ay umupo na lang ako paharap sa kanyang pwesto.

"Magpapagamot na rin ako." Matapang na singit ko sa aming usapan. Ngumiti ito ng bahagya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon