SPECIAL CHAPTER 1

90 1 0
                                    

Samantha's Point of View

I was busy brushing my hair when Bianca approaches me.

"Tara sa gym!" Kulbit sa akin ni Bianca. "Ano naman ang gagawin ko doon?" Tanong ko sa kanya.

"Ay, na late kana sa balita? May laro ngayon ng volley ball sa gym at mainit raw ang magiging laban." Napaisip ako sa kanyang sinabi, dahil paborito ko rin ang laro na volley ball kaya nga lang medyo masakit ang aking puson dahil sa buwanang dalaw.

"Kayo na lang, dito na lang muna ako." Sagot ko na ikinanguso naman niya. "Bahala ka nandun pa naman ang ultimate crush mo." Nanlalaki ang aking mga mata sa binitawan na salita ni Bianca.

Agad akong tumayo kahit medyo naiilang sa aking buwanang dalaw ay lumapit ako ng mabilis kay Bianca at tinakpan ang kanyang bibig. "Ano ba ang sinasabi mo?" Naiinis ko na tanong sa kanya.

Sinanggi naman ni Bianca ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig kaya natanggal ang kamay ko doon. "Uy, aminin mo na kasi na crush mo ang volley ball captain ng Team A." Malakas na sabi ni Bianca kaya nakakaagaw na kami ng atensyon.

Dahil sa hiya ay agad kung isinukbit ang aking bag at lumabas na ng room hanggang sa may mabangga ako at tuluyan na mapaupo sa sahig.

Nakarinig ako ng ilang tawanan mula sa kung saan, ibinaba ko agad ang palda ko na nalilis at hinagilap ang bag na nalaglag.

"Hey, are you okay?" Mahinang boses na tanong ng kung sino, nilingon ko naman kung saan nang gagaling ang boses na yun at nakita ko naman ang lalaki na may mapuputing ngipin at halos mawala ang mata kapag nakangiti.

May dala siyang bola ng volley ball at naka varsity jacket siya ng suot. "Yes, I'm okay thank you." Pasasalamat ko pa ng tulungan niya akong makatayo. Nakarinig pa ako ng ilang bulungan sa kung saan kaya yumuko na lang ako at tumalikod sa kanya.

"Wait, miss!" Pigil pa niya sa akin.

Nakita ko na hinubad niya ang kanyang jacket na suot at walang ano-ano'y lumapit siya sa akin at pinaikot ang jacket na suot sa aking manipis na bewang. "Go to the clinic, may ipapahiram doon sayo na bagong damit na pwede mong isuot." Sabi niya sa akin habang itinatali ang jacket sa bewang ko. "Kaya mo ba? Gusto mo samahan kita?" Bakas ang sinsiridad sa kanyang boses.

"That's enough, Marius!" A baritone voice echoed in a whole corridor.

Napalingon kaming dalawa sa nagsalita at mas lalong naging maingay ang paligid dahil sa lalaki na nasa harapan namin ngayon. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Marius base sa narinig ko na sinabi ni Judd.

Yes, kilala ko ang nag iisang Judd Harrison na sikat sa buong school dahil isa siyang volley ball captain.

"Okay, boss. Goodbye miss." Lingon pa niya sa akin kaya ako heto naman nagkakarerahan na ang daga at mga ipis sa aking tiyan dahil sa kaba.

Sino ba naman ang hindi kakabahan kung ganito kapogi ang nasa harapan mo diba? Halos man liit naman ako sa aking sarili ng tingnan lang niya ako mula ulo hanggang paa.

Walang buhay niya akong tiningnan bago ako nilagpasan at bahagya pa niya nasagi ang aking braso. Hinayaan ko na lang si Judd at hindi na inisip kung ano ba ang kanyang iniaakto. Nanatili na lang din akong nag focus sa aking paglalakad hanggang sa makarating sa clinic.

Agad ko naman sinabi ang aking dahilan at binigyan naman nila ako ng damit na pamalit. Malakas kasi ang aking menstration ngayon lalo na't unang araw pa lang ng aking regla. Tama nga si mommy dapat pala ay hindi na lang muna ako pumasok.

Marahan akong nahiga sa may kama dito sa clinic at bahagyang bumaluktot dahil sa nararamdaman na sakit sa aking bandang puson.

"Gaano ba yan kasakit?" Nagulat na lang ako ng may biglang magsalita.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon