CHAPTER 45

55 2 0
                                    

     "Angela, handa na ba ang lahat sa conference room?" Tanong ko sa aking sekretarya.

Noong una ay halos hindi ko pa ito makilala dahil talagang tinagtag niya ang malaki at bilog niyang salamin. Naglagay din siya ng light make up na talaga namang nakapagpadagdag sa angkin niyang ganda.

"Yes, po ma'am. Maayos na maayos." Nakangiti niyang sagot sa akin. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at umastang may ibubulong. "Nandoon na rin si Ms. Tolentino na mukang dracula." Napatawa naman ako ng bahagya sa kanyang paglalarawan about kay Kassy.

"Ikaw talaga, tiyak ko na magugulat na lang siya kapag nakita ako" Na iiling ko na sambit.

"Sa ganda niyo ba naman ma'am ay sadyang magugulat yun. Baka tumakbo pang palayo." Hagikhik ni Angela sa isang sulok.

"Let's go." Yakag ko at nanlaki naman ang mga mata niya.

"Isasama niyo po ako?" Magalang na tanong nito at halos hindi makapaniwala.

"Oo naman, papunta pa lang tayo sa exciting part." Ngiti ko pa na akala mo naman ay bata si angela na kinikilig at mabilis na kinuha ang bag at ilang papel. Nakasunod lang sa akin ito habang tinatahak namin ang papunta sa conference room.

Nag buksan ko ang pintuan ay deretso lamang akong naglakad papasok sa loob hanggang sa marating ko ang aking upuan unahan. Ibinaba ko ang aking bag sa gilid at nagbigay ng isang magandang ngiti. I heard some whispered ngunit binaybay ko lang tingin ang mga tao na nasa loob at ang lahat ng ito ay ang may shares sa kompanya hanggang sa 1% shares.

"Where's Mr. Gin?" Tanong ng isang babae and if I'm not mistaken its Ms. Gonzaga.

"Who are you? Why are you here?" Isang boses naman na may katandaan na. And it was Mr. Diamante.

Hinanap ng mata ko si Kassy ngunit unang nagtagpo ang mata namin ni Judd. Yes, he has also 30% shares in our company dahil simula pa lamang noong maging mag asawa kami ay pumayag si Dad doon at pwedeng-pwede na ito rin ang mamahala sa kompanya.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ngunit hindi ko nakita si Kassy kasabay ng pagbukas ng pintuan at ang lahat ng atensyon ay nasa kanya.

"I thought I was the latest." Nakangisi kung sabi at halata naman sa mga mata ni Kassy ang gulat at natigilan ng makita ako. "Who are you miss?" Maang kung tanong at binuklat ang papel na hawak. "Oh, Kassy Tolentino." Dugtong ko pa at narinig ang ilang bulungan.

"Ms. Tolentino you may take your sit ng makapagsimula na tayo. Daig mo pa kasi ang nakakita ng multo." Walang gana kung sambit.

Sinundan ko pa ng tingin ang mabagal nitong paglalakad hanggang sa marating niya ang upuan na katapat lang ng upuan ni Judd. Nice scene.

"By the way, I'm Samantha Veronica Smith, the daughter of a former Mr. Samuel Smith who was killed by someone." Deretsa kung sabi at mas lumakas pa ang bulungan.

Kahit si Judd ay halata ang gulat sa mga mata, ay ano pa si Kassy? Kulang nalang ay mapaihi sa kanyang kinakatayuan base sa itsura.

"What are you saying that Mr. Smith was killed by someone?" An old woman asked. "He died from disease, didn't he?" She added.

Kumawala naman ang mahina kung tawa and then again, I heard all of them murmurs something.

"Nagkamali lang kayo ng balita." Mahina kung imik. "But let's skip it." Dugtong ko pa.

"Then where's Mr. Gin?" Mr. Diamante asked.

"He had quit his job and it was time for me to take over the company that my parent had legacy with me. Is it right?" Walang buhay kung sambit habang nakataas ang kilay.

"What now? I have 30% of the shares here, we can both work." Maarte naman na sabi ni Kassy.

Napataas naman ang aking kilay at bahagyang napatawa.

"You're a self-employed company, why don't you work alone?" Bumakat naman ang gitla sa kanilang mga mukha dahil sa aking sinabi.

"What did you say again?" Tanong sa akin ni Kassy.

"You heard me, huwag kang magbingi-bingihan." Sabi ko habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya.

"STOP!" Umalingaw-ngaw ang malaki at buong boses ni Judd sa apat na sulok ng conference room. Tinaasan ko lang naman ito ng kilay at pinakatitigan.

"Oh, speaking of." Nakangiti kung sabi. "The man who claims to be my husband." Mas nasindak ang lahat sa aking sinabi, sinundan ko pa ng tingin ang mga mata ni Kassy na nanlalaki habang bumabaling kay Judd.

Judd clench his fits at halos pumutok ang litid nito sa leeg dahil sa galit o gigil. Sabayan pa ng pamumula ng buong mukha.

"What a lunatic!" Kassy's yelled at dinuro pa ako. Tinaasan ko siya ng kilay at nginitian.

"From now on, sa ayaw at sa gusto niyo aalisin ko ang share ninyong dalawa Mrs and Mr. Harrison." I complained.

"What?! They both had thirty percent of shares here." One of our investors said.

"My decision is final. HINDI. KO. SILA. KAILANGAN. SA. KOMPANYA. KO!" Mariin kung bigkas na alam kung tagos sa kanilang pandinig. "That's for now, the meeting adjourned." I added.

Sinukbit ko ang bag na dala kanina at nginitian pa si Kassy na ngayon ay bakas pa rin sa mukha ang pagkabigla.

Wala na akong pakialam sa ngayon kung isipin nila na nakakaalala ako basta sa ngayon I want them to be removed to my company. Lason lang sila and even if it's Judd.

Kahapon lang magkasama sila then what now? Halos ipagtanggol pa. I don't know him anymore. Napabuntong hininga ako at naupo muna saglit sa isa sa mga upuan na nasa gilid.

Pinauna ko na si Angela at nagmuni-muni muna.

I looked at a big wide glass window na matatanaw ang kabuuan ng manila. Maybe I need to check my daugther and Mrs. Harrison. Kailangan nilang makalipat sa mas maayos na lugar.

"I thought she lost her memory?!" rinig ko ang isang pamilyar na boses hindi kalayuan sa aking pwesto.

Marahan akong tumayo upang hindi makagawa ng ingay.

Sumilip ako ng bahagya sa corridor and I found Judd and Kassy, seryoso silang nag uusap.

"Yes, she is." Maikli na sagot ni Judd.

"Pero bakit ganun? Kung umimik siya parang galit na galit siya sa akin." Naiinis pang sagot ni Kassy.

"I told you to stop! Huwag mo na siyang guluhin pero anong ginagawa mo?! Hanggang dito ba naman nanghimasok ka pa rin!" Galit na sikmat ni Judd at halos sigawan na sa mukha si Kassy.

"Gusto ko! Gusto ko ng itigil 'to pero kilala mo si Jacob! Hindi niya ako tatantanan hanggat hindi ko nasasaktan at nawawasak si Samantha! Ayoko na din ng ganito Judd. Nahihirapan na rin ako—" Rinig ko pang sabi ni Kassy ngunit hindi ko na narinig ang iba ng matuon ang atensyon ko sa tumikhim.

Lumingon naman agad ako sa harapan ng makita ko si Justine at Christine.

Kapag minamalas nga naman, at alam ko na ang iniisip nila sa paraan palang ng kanilang mga tingin.

"I knew it." Imik ni Justine habang may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon