CHAPTER 22

79 2 0
                                    

     Nagising ako nang makaramdam ako ng ilang halik sa aking mukha. Sa pagkamulat ng aking mata ay si Judd agad ang una kung nakita.

Ngumiti naman ako at binigyan ng isang halik ito sa kanyang mga labi na kanya namang pinailalim. May kumawalang ungol naman sa mga labi ko dahil doon sa halik na 'yon bago naghiwalay ang aming mga labi.

"This is not a dream." I shyly uttered.

"Good morning, wifey." Nakangiti na sambit nito sa akin. Nag inat pa ako ng bahagya ng bigla naman itong pumailalim sa aking braso at umunan sa aking dibdib habang yakap ako.

Ibinaba ko ang aking braso at ipinatong sa balikat ni Judd. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo ng haplusin nito ang aking tiyan. "Good morning, baby." My heart melted for what he said. "It's moving." He added kaya naman napahagikhik ako.

"Malamang malaki na ang baby natin." Nakangiti kung tugon. Tumingala naman ito at tumitig sa akin, may mapupungay na mata hanggang sa mapansin ko ang pagbaba ng mata nito sa labi ko. Hindi naman maiwasan na mapalunok at kulang na lang ay pag pawisan ako dahil sa init na nararamdaman ng katawan.

Natuod ako ng agad ako nitong sunggaban ng halik, mapusok at akala mo'y isang sanggol na uhaw na uhaw sa gatas ng isang ina.

Itinaas ni Judd ang blusa na suot ko at bahagyang hinaplos ang ang binti na animo'y nang gigigil ng may kumatok mula sa pintuan.

"Hija?" Tawag mula sa labas na natitiyak niyang si Tita Jasmin yun.

"Po." Sagot ko.

Inayos naman ni Judd ang aking blusa at ibinaba ang kanina'y nakalilis. Marahan akong bumaba at nagsuot ng sa paa bago nagtungo sa pintuan at binuksan ayon ng bahagya.

"Kakain na, halika kana. Tatawagan ko din si Ju–" nanlalaki ang mata ng Tita Jasmin habang nakatingin sa aking likuran. Daig pa nito ang nakakita ng multo kaya agad kung nilingon kung saan siya nakatingin.

Ang nakatindig na si Judd ang nandoon habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanyang ina.

"I thought you left?" His mother asked. Halata pa rin ang gulat sa kanyang mga mata.

"But I'm here." Pamimilosopo nito kaya napangiti ako. I remembered something, minsan ko na rin siyang tinanong. Same question, same answer.

"Mabuti pa bumaba na kayo at kumain." Pagiiba ng Tita Jasmin sa usapan. "Sumunod na lang kayo sa baba." Dugtong pa nito bago tumalikod at bumaba dala ang malawak na ngiti sa kanyang labi.

Nang maisara ko ang pinto ay nag aayos naman ng damit si Judd.

"Paalis ka?" Hindi mapigilan ko na tanong. Nilingon niya ako at heto na naman ang mga mata niyang mapupungay na parang nangungusap.

"Kailangan ko siyang puntahan." Nasupil ko ang bibig dahil sa kanyang sinabi. "Kassy." Parang may kung anong tinik ang bumara sa aking lalamunan. Naupo ako sa kama at napayuko. Naramdaman ko naman ang presensya niya na papalapit sa akin. Lumuhod siya sa aking harapan at pinantayan ang aking mukha. Ikinulong niya ang aking pisngi sa mainit niyang mga palad. Ang aking mga mata ay nananatiling nakatingin sa baba, basta na lang ako nakaramdam ng lungkot at sakit dahil sa kanyang sinabi. Narito siya sa aking tabi pero iba pa rin ang kanyang nasa isip.

"Look at me, Sam. Please." May pagmamakaawa na imik nito. Marahan ko namang ibinaling ang mga mata sa kanya, malamlam ang matang nakatingin ito sa akin. Halata ang pamumula ng gilid ng kanyang mata na parang gustong maiyak.

"Bakit ba kasi umabot tayo sa ganito?" Naiiyak ko na tanong hangang sa magbagsakan na rin ang aking mga luha. Pinunasan naman ng kanyang hinlalaki ang luha na naglalandas sa aking pisngi.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon